(Difused and Confused) ANIM NA BUWAN na ang nakalipas ngunit wala pa rin siyang balita kung nasaan si Liberty. Ilang investigators na rin ang inupahan niya upang maghanap sa dalaga ngunit nanatiling wala pa ring resulta. Kung kailan niya naman kinausap si Crystal na bigyan siya ng oras para sa sarili ay saka naman ito bigla na lang nawala na parang bula. Nais niyang i-kwento kay Liberty ang lahat ng nangyayari. Nais niya ring makausap na ito ng masinsinan, maging maayos na ang estado ng relasyon na mayroon sila. Ngunit hindi nangyari dahil wala na siyang natanggap na tawag mula sa dalaga. Kahit anong tawag ang gawin niya ay hindi na niya makontak ang numero nito. Akala niya okay silang dalawa pero bakit ganoon na lang ang nangyari? Wala lang ba sa dalaga ang mga sandaling magkasama

