(Sudden feeling of magic) WALANG GANA NA binuksan ni Justice ang pinto ng kanyang unit. Kahit pa nais ng kanyang mga kaibigan na samahan siya sa kanyang tinutuluyan ay tumutol siya. Nais niya na munang mapag-isa. Wala rin naman magagawa ang mga ito dahil siya mismo na sarili ay gulung-gulo na. Si Liberty lang ang nakikita ng dalawa niyang mga mata kahit saan man siya tumingin. Ngunit paano si Crystal? Alam niyang mahirap ang pinagdaanan nito at pakiramdam niya ay may bahagi ng nakaraan nila na dapat niyang panindigan ngunit bakit nahihirapan siyang ibigay ang nais nito? Napailing na lang siya. Hindi niya akalain na dadanasin niya ang ganoong sitwasyon. Maybe I need a long vacation. Matapos niyang mahubad ang suot na sapatos ay kumuha siya ng tubig sa refrigerator. Tiyak na makakatulo

