(In between two choices) HINDI AKALAIN ni Justice na magmumukha siyang siraulo sa loob ng isang bar. Napagkamalan niyang si Liberty ang babaeng yakap-yakap ng isang lalaki. Nagkaroon ng gulo dahil sa nagawa niyang paghila sa babae. Pati sina Lorcan, Braxton at Wolf ay tumulong na umawat mula sa grupo ng mga lalaking kasama ng hinablot niyang babae. Kasalukuyan na siyang nakaupo sa tabi at hawak-hawak ang ice bag na nasa kanyang mukha. Kinakausap naman ng kanyang mga kaibigan ang kabilang grupo para tapusin na ang problema. Mukha ni Liberty ang nakita niya kanina. Malabong magkamali siya sa nakita. Oo nga at nakainom na siya pero matino pa siya kaya nga alam pa niya ang buong nangyari. “Are you okay, bro?” tanong sa kanya ni Garette. Dumating din pala ito kung kailan tapos na ang g

