(The agreement) TILA NAGING YELO si Justice sa kanyang kinatatayuan. Nanigas ang buo niyang katawan habang pinagmamasdan si Liberty na hawak ang isang sanggol na mahinang umiiyak. Sunud-sunod siyang napalunok. Narinig din niyang tinawag na baby Hope ni Liberty ang munting anghel. Na-starstruck talaga siya at pinagpawisan ng malapot. Hindi niya rin alam kung bakit bigla na lang may nag-uunahang butil ng luha ang bumagsak sa kanyang pisngi. Umiiyak na pala siya nang hindi niya namamalayan. Bakit may panghihinayang siyang nararamdaman? Tila sumikip ang kanyang dibdib at nahirapan siyang huminga kaya sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakagawa siya nan ingay. Naitulak niya ang pinto. “Manang Mona? Ikaw na po ba iyan?” narinig niyang sabi ni Liberty. Hindi nga nagkaamali ang tauhan niya. U

