(The set-up) “HANGGANG KAILAN mo balak na manirahan ako rito? Justice, may sarili akong tahanan at …” bigla siyang natigilan. Muntik na niyang mabanggit ang tungkol sa kanyang anak na anak din naman nito. Kailangan niyang protektahan ang kanyang anak kahit na ano pa ang mangyari. Hindi sya nakatulog ng maayos nang nagdaang gabi kaya naman maaga siyang nagising. Ang labis na ikinagulat niya ay gising na rin si Justice at kasalukuyang nagluluto sa kusina. Isang imahe na nakita na niya noon. “Saan ka ba nakatira? Sa pagkakaalam ko kasi, hindi ka na umuuwi sa inyo. Huwag mo sabihin na may kinakasama ka ng ibang lalaki kaya gustung-gusto mo ng umuwi,” wika nito na hindi man lang siya nilingon. Patuloy pa rin ito sa pagluluto ng sinangag na bahagya ng nangamoy. Umarangkada na naman tuloy a

