(Her disappoinment) ILANG SEGUNDO ring walang kumilos sa mga labi nilang magkalapat. Nanlalaki ang mga mata ni Liberty samantalang bahagyang nakapikit si Justice dahil sa pagkakatungo. May bahagi ng isip niya ang nagsasabi na itulak ito ngunit ang isang bahagi naman ay nagsasabing hayaan lang na ganoon silang dalawa. Si Justice naman ay til nakikiramdam lang. Awkard man ang posisyon nilang dalawa, hindi pa rin pinangunahan ni Liberty ang lalaki. Nais niya ring hintayin kung ano ang nais nitong gawin. Bagama’t hindi niya na nais na magkaroon pa sila ng ganoon encounter ay nais niyang malaman kung may kakayahan pa itong magpigil gayung lapat na lapat na ang labi nila sa isa’t isa. Ilang sandali pa nakita niyang titig na titig ito sa kanyang mga mata na tila may ipinapahiwatig. Naramdam

