(Myron’s true intention) “A-ANO?!” bulalas niyang sabi sa matalik na kaibigan. “Liligawan mo ako?!” Hindi pa rin siya makapaniwala sa tinuran ni Myron. Malakas niyang tinampal ang balikat nito dahil baka nanaginip lang ang loko. “Ouch naman, Liberty. Hindi mo pa nga ako sinasagot, sinasaktan mo na ako agad.” “Ano na naman ba kasing kalokohan ang sinasabi mo?” Tita, Tito, tingnan ninyo po ako ang ginagawang pang-aalipin sa akin ng anak ninyo. Ina-under na po ako agad.” “Liberty, ano ba ‘yang ginagawa mo sa bisita natin? Siya nga ang nagplano ng lahat ng ito dahil alam niyang makakalimutan mo ang birthday mo,” sambit ng Papa niya. Tiningnan niya ang paligid. Puno na ang paligid ng lobo na hindi niya alam kung saan nanggaling at paano mabilis na nailagay sa buong sala. May mga sa

