(Starting a new life) “HAPPY BIRTHDAY, happy birthday! Happy birthday to you!” malakas na awit ng mga bata pati na rin ng mga bisita saka inalalayang i- blow ni baby Hope ang kandila. Mataman lang nakamasid si Liberty. Hindi niya akalain na talagang pinaghandaan ng kaibigan ang first birthday ng kanyang anak. Halos wala siyang effort na ginawa except sa pag-estima ng mga bisita na mula sa kanilang mga kapitbahay. Bigla niyang na-miss ang sariling pamilya. Alam niyang hindi siya hahayaan ng mga ito na mahirapan lalo na kappa nalaman ng mga ito na mayroon na siyang anak na matagal ng nais ng mga ito. “Mommy! Let’s take a picture!” tawag sa kanya ni Myron. Nakita yata nito na maluha-luha siyang nakatitig sa dalawa. Tumangu-tango siya saka lumapit. “Okay, one, two, three, say cheese!” a

