(Too much excitement) MABILIS NA LUMIPAS ang panahon. Sa tulong ni Manang Mona ay naipagpatuloy ni Liberty ang pagsusulat upang kumita. Katulad ng napag-usapan nila ni Myron, siya na ang bahala sa lahat ng gastusin sa araw-araw. Pinag-isipan niyang mabuti iyon bago sabihin sa kaibigan. Bagama’t wala naman itong reklamo ay pinili niyang pasanin ang kanyang dinadala na walang ibang inaasahang tao. Mabuti na lamang ay hindi siya iniwan ni Manang Mona kahit na half day na lang ang binabayaran niya sa matanda. Napalapit na rin ito sa kanya kaya ayaw din siya nitong iwan na mag-isa. Kung minsan ay sa bahay nilang tinutuluyan ito natutulog kasama ang apo. Wala namang kaso iyon sa kanya. Mas malaki ang oras na naigugugol niya sa pagsusulat dahil sa tulong ni Manang Mona. Patuloy pa rin siya

