Carmella Pov
Tahimik lang kaming kumakain, after kasing magwala ni Kuya Arian inalok na kami ni Kuya Sevy kumain. Maya maya pa ay may narinig kaming katok pero bago pa man ako makaturo sa kanila ay nakaturo na sila sa akin, that means ako na bahala mag bukas kaya naman tumayo ako at pumunta sa harap ng pintuan kahit ngumunguya pa ako.
Pag bukas ko ng pinto ay tumambad sa akin yung ibang section c, may pasa rin ang mga toh sigyro dahil sa away kanina Hahaha
"Pakain po" nakangiteng sabi ni Liam bago pumasok, kapal ahh. Well mga nasa 10 palang sila dito and wala pa yung 5 o 6, basta nalimutan ko kasi kung ilan silang lahat like pake ko ba kung ilan sila right?
"Oi bata walang pagkain dito!" saad ko kay Liam pero hindi man lang ako pinansin
"Thanks Carl, bait mo talaga" sabi pa ng isa bago pumasok at doon na nagsipasok ang iba kaya wala na akong magagawa.
"Anong ginagawa nyo dito?" Takang tanong ko, hindi naman kasi dahilan na gutom sila kasi pwede naman silang mag order sa isang resto tutal mayayaman naman sila, well sabi ng mga taong nasasalubong ko sa hallway ng school.
"Ahh kasi, gutom na kami ehh" Biro ng isa kaya naman napairap nalang ako.
"Ella sino yang bisita mo?!" Pasigaw na tanong ni Kuya Sevy, nasa kusina kasi sya kaya hindi nya kita kung sino yung pumasok plus pa na nahalata nya atang ang tagal ko dito so that means aking bisita toh even though labag sa kalooban ko pero nandito na sila eh, wala na akong magagawa
"Kami lang toh Kuya!" Pasigaw din na sagot ni Jake kaya napahilamos nalang ako sa mukha kahit walang tubig, ang kapal talaga ahh, tigas ng ulo nila kahit ilang araw palang kami mag kakasama
"Nagdala ka pa ng palamunin dito?" Tanong ni Kuya Arian, agad naman silang umangal pero napa hinto sila ng tumunog yung mga tyan nila kaya naman napatingin sa kanila bago mag buntong hininga.
"Tsk, mag ambagan kayo then after that mag order kayo ng food na kakainin nyo" Utos ko sa kanila kaya isa isa silang nag labas ng pera, well hindi naman ganon kalaki ang bahay namin pero may 5 rooms ito at tatlo ang ginagamit ngayon dahil kwarto namin yon nila Kuya Sevy at Arian habang yung dalawa si pag may guest lang pero hindi naman ata sila mag s-stay dito right??.......Sana nga.
Maya maya pa ay dumating na yung pagkain nila kaya naman nag umpisa na silang kumain, habang sila ay kumakain ay tumayo ako para hanapin ang first aid kit namin dito sa bahay at isa isa silang ginamot, well yung iba tumatanggi pero makulit ako eh kaya naman napapayag ko sila pero lahat kami napatingin sa bintana ng bumuhos ang ulan...... Paktay.
"Patay lagot ako neto" Rinig kong sabi nila
"Bawal ako mabasa" Paano ka naliligo?English
"This will be trouble to us" Wow english
Ilan lang yan sa mga reklamo na narinig ko, si Kuya Arian naman ay natulog na kanina kasi kung nandito pa yon edi inasar nya na ang mga loko na toh.
"Sige wag nyo nang problemahin yan, may dalawang room pa doon at ang gagawin nyo na lang ay pag hatian ito" Singit ni Kuya Sevy na nasa gilid pa pala, mukha itong napilitan pero hindi naman kasi baka makasira sila o mag ingay magrereklamo sila kuya pag ganon.
"Ang bait mo talaga Kuya" Sabi ni Liam kay Kuya, aba naman kanina pa toh nakiki-kuya namumuro na eh
"Basta wag kayong manira ng kahit ano" Nakatitig na sabi ni Kuya sa kanila pero parang mga bata naman na tumango ang mga toh, ang cute nila ahh yung reaction ang cutee.
Pagkatapos nilang kumain at pagkatapos ko silang gamutin ay hinati na ko na sila sa dalawang grupo at namimili naman sila kung sino ang gusto nilang katabi.
"Ayokong katabi si Liam! naninipa yan ehh" Rinig kong sabi ni--- wait hindj ko pa sila kilala Gosh Carm!
"Wait nga lang, magpakilala nga muna kayo, baka mamaya tawagin ko kayong Liam eh" Nakakamot ulo kong sabi kaya naman napatingin sila sa akin
"Ayyy oo nga pala ako na yung umpisa ahhh, Im Liam Ty pinaka bata at cute sa amin" Sabi ni Liam na may ngite sa labi, well totoo na cute sya hindi ko naman yon itatanggi
"Dalawang taon lang yung agwat eh tsk, ako si Jaje Smith" Pakilala naman ni Jake, well maitsura sya pero halata mo sa boses at appearance na pala biro
"Cayden Roswell" napatingin naman ako sa isang lalaki sa gilid, well gwapo sya at bumagay yung pangalan nya sa appearance plus pa na mukhang matinong lalaki din.
"Josh Lopez" Sabi naman ng isa habang naka tingin sa cellphone nya, naglalaro ata eh pero iba yung nakalagay sa screen.
"David Monroe at your service" Sabi naman ng David bago kumindat, ang hot nya ilan kaya napaiyak na babae netong lalaking toh
"Cameron Scott" Hot ng name ahh
"Kris Windsor" Sya yung bukang bibig laging away
"Luke Miller" Si English man?
"Ryan Lim" Cute ng name!!!
"Im Cyrus Montenegro" sabi ng nasa pinaka likod
"At malamang alam mo na kulang kami dito, yung name nila is si Ethan yung tahimik lang, si Hunter na player babae man o hindi, si Lucas na laging kasama ni Ace" Mahabang paliwanag ni Liam kaya nakangite akong tumango na para bang may naintindihan ako sa sinabi nya dahil sa bilis nyang nagsalita
"Ohh sige kilala nyo naman ako eh, ang problemahin naman natin is kung sino sino yung magkaka grupo" saad ko bago umupo sa sofa habang sila ay nag usap.
"And final is Ako, Jake, Liam, Josh, at Cameron iisang room lang tayo, wala ng mag rereklamo ahh" Sabi ni Cayden kaya wala silang nagawa kundi pumasok na sa kwarto, sumunod naman na pumasok sa pangalawang kwarto ay ang pangalawang grupo habang ako nag hintay ng ilang minuto bago pumunta sa kwarto ko which is malapit lang sa guest room kaya rinig ko yung mga hilik nila pero okay lang atleast pogi sila okay na yon.