Chapter 13

712 Words
Carmella Pov Nagising ako ng 7 nang umaga pero antok na antok pa din ako pero okay lang dahil sabado ngayon, which is dapat tulog pa ako pero kailangan ko ng bumangon para sa mga kaklase *Para kanino ka bumabangon?* sa kanila for now Hahahaha. Pumasok ako sa banyo at nag tooth brush bago mag hilamos bago umalis sa kwarto ko at pumunta sa isa sa mga room na tinutulugan nila. Ang cute nila!! Dalawa yung naka higa sa kama tapos tatlo naman sa sahig kaya naman kumuha muna ako ng litrato at pumunta sa kusina para kunumuha ng dalawang stainless bago bumalik at pinalo ko ito sa sahig dahilan para magising sila, ang iba sa kanila nag panic pa kaya naman napatawa ako dahilan ng pag tingin nila sa akin at yung sa hawak ko kaya masama nila akong tiningnan "Gising na, pagtripan natin yung nasa kabilang kwarto" Sabi ko ng may ngite pero syempre masamang titig lang binigay nila sa akin pero hindi sila tumanggi. Dahan dahan kaming pumunta sa kabilang kwarto dala dala ang tig isang baso na kinuha namin sa kusina, wala naman kasi kaming pool para ihagis sila doon. So ayon pumwesto na kamk sa napili naming target ang daya nga dahil dalawa kami ni Cameron ang nakapili kay Liam kaya humagikhik ako kasabay non ang pag buhos namin ng tubig sa kanilang mukha, take note galing sa ref yung tubig kaya malamig ito. Napatayo yung iba sa kanila habang yung iba ay napamura dahil sa gulat kaya napatawa kaming anim pero natahimik kami ng may pumasok sa kwarto. "Ang saya natin dyan ahhh--- SINO YUNG HAYOP NA NAGLABAS NG PITSEL AT HINDI NILAGYAN NG TUBIG!!" Galit na sigaw ni Kuya Arian, ano ba yan ang aga-aga ang init agad ng ulo. Agad ko namang tinuro si Cameron pero ang putcha lahat pala sila nakaturo sa akin kaya tiningnan ako ng masama ni Kuya Arian. "Mga hangal" Bulong ko bago tumingin kay kuya at humingi ng tawad at iniwan sila, tsk bahala sila dyan mga traydor sila ehh Pumasok na ako sa kusina na nakapangtulog pa pero wrong timing, nandoon na pala si Kuya Sev nag babasa pa nga eh habang humihigop ng kape "Hehehe Good morning Kuya" Bati ko ng may ngite sa labi para maging mukhang fresh hahaha "Moring" sagot nya naman, ang cold ahhh. Pumunta na ako sa counter at kumuha ng anim na baso para mag timpla ng kape, bahala na sila mag hati hati "Ang ingay ni Jake matulog" Narinig kong reklamo ng isa, nandito na pala sila? "Akala ko nga mag e-english din si Luke habang natutulog eh" narinig kong sabi ni Kris kaya yung iba napatawa nalang, si Kuya Sevy naman ay muntik pang mabulunan sa iniinom nyang kape kaya napatawa nalang ako ng mahina "Mga tarantado" Sabi ni Cayden sa kanila habang si Liam naman ay nasa ref namin at mukhang may tinitingnan.........wait "Oi bata! Saraduhin mo yan hindi tayo mag bre-breakfast dito, doon tayo sa labas" inis na sabi ko bago sya hinila paalis sa refrigerator, well puro sweets kasi yon halatang lahat kami dito mahilig sa matamis lalo na si Kuya Sevy kaya pag kumuha sila baka sumama pa loob nila Kuya sa kanila. "Damot mo naman Ella" Sabi ni Liam sa akin habang naka pout "Mukha kang bibe" Sabi ko bago ko sya binitawan at ibinigay na yung kape sa kanila habang si Liam naman ay tumabi nalang kay Cayden "Bilisan nyo dyan, magbibihis lang ako" Sabi ko sa kanila bago tumakbo pabalik sa kwarto ko para maligo ng mabilis lang, at nag suot ng damit, simpleng tshirt na puti at jeans lang suot ko tapos binuhaghag ko nalang yung buhok ko bago kuhain ang cellphone ko at bumaba para tingnan sila "Tara na?" Tanong ko na may ngite kaya naging hyper ang iba "Oi hugasan nyo muna yung ginamit nyong baso!!" Pasigaw na aabi ni Kuya Arian bago pa kami maka tapak sa labas "Salamat Kuya" Sabi ni Liam "Bait mo talaga Kuya" Sabi naman ni Jake "Thanks bro" Sabi naman ni Luke "Bawi nalang next life" sabi naman ni Kris na nagpatawa sa amin Hahaha After naming tumawa ay isa isa naman kaming tumakbo palabas para hindi na kami mahuli ni Kuya Arian hahahah
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD