Carmella Pov
Dinala ko sila sa sakayan ng jeep kaya naman nagtaka sila habang ako ay may ngite sa labing hinila ang dalawa sa kanila papasok sa isang jeep na papuntang mall, nakakatawa mga itsura nila ngayon dahil halatang hindi sila sanay
"Ang arte nyo naman" natatawang sabi ko
"Ang sikip dito Carl" Reklamo ni Liam kaya mas lumakas ang tawa ko
"Tangina ang asim" Maarteng reklamo ni Cameron kaya napatawa sila sa kaartehan nya, hindi naman maasim dito eh
"Arte mo, baka nalilimutan mong malapit ang bunganga sa ilong" sabi naman ni Liam na nagpalakas ng tawa namin, pati si manong driver natawa na din eh
"Itong batang toh, hagis kita dyan eh" halata ang pagkairita sa boses ni Cameron kaya naman napatingin sa kanya si Liam
"Tama na nga yan, baka mag away pa kayo dito" awat sa kanila ni David kaya natahimik kami pero umingay ng may pumasok na grupo ng babae pero napatigil sila nung makita yung loob ng jeep kaya nagtulakan sila kung sino unang papasok ANG TAGAL NILA
"Psst pogi, ano pangalan mo?" Tanong ng isa, ang kapal naman ng mukha kakasakay pa lang landi na agad, pero hindi ko nalang pinansin
"Ako?" sabay sabay nilang tanong kaya naman nagitla ako ng muntik nang himatayin ang gaga, nako kung alam nya lang yung mga ugali nila.
"Ikaw" sabi ng babae sabay turo kay Luke
"M-me?" tanong ni Luke na mukhang hindi komportable sa mga babaeng toh
"Im Luke" Sabi ni Luke bago sya tumahimik, yung mga babae naman ay todo kilig habang ang mga kumag at inaasar si Luke, kawawang nilalang
"Tama na, ang ingay nyo" Reklamo ko at umakto na parang nagising dahil aa ingay nila kaya naman nag sorry ang mga babae pati din sila at hindi na nga naging maingay pa ang buong byahe.
Tahimik kaming nakarating sa mall kaya naman napabuntong hininga nalang ako at pumasok kaya naman sumunod sila pero hindi pa man kami nakakalayo sa entrance nang mag reklamo si Liam na gutom na sya kaya naman nag reklamo din ang iba so ang ending napunta kami sa isang fast food chain kahit maaga wala naman sila kuya dito ehh, pero yung isang problema namin is yung upuan pang dalawa at pang apat tapos yung isa ay panlima kaya naman hinila ako ni Liam sa isang upuan at ang sabi is gusto nya daw akong katabi habang si Cyrus naman ay wala ng masingitan dahil sakto lang talaga ng upuan pero umupo naman sya malapit sa amin. Nag order na sila at yung akin ay ice cream para healthy hehehe bakit ba avocado flavor naman eh.
Habang kumakain ay may tumabi kay Cyrus kaya napatingin ako, isang babae na mala anghel ang ganda pero parang pamilyar sya kaya naman napatingin ako kay Cyrus para makita ang reaction nya pero napahinto ako at pinagmasdan yung mukha nya. Sya ay may kayumanggi na kulay ng balat, medyo mahaba na buhok na may pagka wavy, at kulay blue na mata ngayon ko lang na realize na ang pogi nya pala.
"Si Carl may gusto kay CYRUS!!" Nagulat ako ng biglang tumili si Liam sa tabi ko na parang bakla kaya gulat akong napatingin sa kanya. Ano daw?? Ako?? May gusto kay Cyrus?? Ang issue ng batang toh! Yung ibang section C ay naagawa ang atensyon at napatingin sa amin habang si Cyrus naman at yung babae ay tahimik na kumakain
"Is that true?" Tanong ni Luke
"Sure ka?" tanong naman ni Ryan
"Totoo ba yon?" Tanong naman ni Jake
"Patay ka Cyrus" Rinig kong sabi ni Kris
"May magaganap na lamay ahh" Bulong naman ni sino ba toh? si Josh???
Nagulat naman ako sa mga reaction na pinakita nila, lamay? Patay? Grabe sila ahh alam ko namang protective mga kuya ko pero hindi nila kayang patayin si Cyrus lalo na't hindi ko sya magugustuhan.
"Manahimik nga kayo, nakakahiya" Bulong ko pero sapat na para marinig nilang lahat kaya naman tumingin sila sa paligid at nung napansin na nakakaagawa na kami ng atensyon ay pinagpatuloy na nila ang pagkain
"Ingay mong bata ka, sungal-ngalin ko yang nguso mo eh" Iritang bulong ko kay Liam bago tumingin kay Cyrus at nag sorry kaya hindi napigilan ng babaeng kasama nya na tumawa
"Okay lang, may girlfriend na rin naman ako" nakangiteng sabi ni Cyrus kaya napatingin ako sa babae na may malapad na ngite--- si Miss President ng school toh ahh, agad ko naman itong binati ng may ngite. NAKAKAHIYA KA tinititigan mo yung taong may jowa na Ella!!
"Ano kaba Carm, alam kong gwapo si Cyrus pero wag mo naman syang tunawin sa titig mo" natatawang sabi ni Sofia right???
"Hehehe sige i enjoy nyo nalang date nyo" May ngiteng sabi ko bago ipagpatuloy ang pag kain
Pagkatapos naming kumain ay napag desisyunan naming mag libot muna ng mall pero yung iba halatang bored na bored kasi puro lakad lang eh
"Tara arcade?" Yaya ni Jake kaya nagkatinginan silang lahat at nagpaunahan sa pag punta sa arcade area ng mall, ako ang nasa huli pero bago pa man ako makatakbo ay may nabunggo akong pader
"Dahan dahan naman" Rinig kong sabi ng nabunggo ko, wait tao pala?
"Tanga hahahah" Wait pamilyar yung boses
"Carl?" Paano nya ako nakilala?
"Anong ginagaawa mo dito?" huh? Minulat ko ang mata ko at tiningnan kung sino ang nasa harapan ko, what a coincidence nga naman oh, sila Lucas pala toh
"Umm actually nandito yung ibang classmate natin papunta na sana ako sa arcade kasi ako yung nahuli kaso nabunggo kita" Paliwanag ko sabay ngite
"Daya talaga nila hindi kami niyaya" sabi ni umm sino yan??
"As usual" Sino din toh? Basta kaklase ko yan nalimutan ko lang name
"Well kung gusto nyo naman sumama edi tara baka mainip sila doon" Sabi ko bago ipagpatuloy ang paglalakad, napangite naman ako ng naka ramdam ako ng mga yapak mukhang sumusunod sila. Ilang hakbang pa ng makarating kami sa Arcade kaya nakaramdam ako ng pag ka excited.