CHAPTER 4

1816 Words
THE PROMISE: Limang araw na mula ng mangyari ang malagim na aksidente sa pagitan namin ng Modelong si Clarisse Santos. Gumagaling na mga sugat at pasa ko sa ulo at sa mga braso ko Pero ang guilt na nararamdaman ko sa puso ko nandito parin. Bago sa akin ang ganitong damdamin.. Limang araw na akong nakakulong sa private suite na ito ng Hospital ng Makati Medical Center Limang araw narin akong blinded sa mga nangyayari. Ang alam ko lang bantay sarado ang pintuan ng suite ko ng mga security na binayaran ni Papa.. Si Izza lang ang pinapayagang makadalaw sa akin pero sa tuwing tinatanong ko siya tungkol sa nangyari nagkikibit balikat lang siya. Ang sabi niya mas makabubuting huwag ko na lang alamin para narin sa ikakatahimik ko at sa maaga kong recovery. Pati Cellphone ipinagbabawal nila sa akin. Kaya kinukutuban na akong may nangyayaring di maganda. Lahat ng tinatanong ko tungkol sa nangyari umiiwas at ayaw ako bigyan ng kasagutan.. Pati si Yaya martha at Mang Manuel tahimik at iwas na iwas Sabi ni Papa magpagaling daw ako at siya na ang bahalang umayos sa anumang gusot na kinasangkutan ko. Kung paano niya yun aayusin wala akong Idea. Sabi ng doctor dalawang araw mula ngayon pwede na akong lumabas ng hospital. Natuwa ako dahil makakauwi na ako sa bahay at malalaman ko na ang nangyayari. Malaki ang impact sa pagkatao ko ng aksidente. Samot saring damdamin ang binuhay nito sa akin Mga damdaming ngayon ko lang natuklasan na capable ko pa lang maramdaman All my life naging bato ako at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Tanging sarili ko lang ang iniintindi ko at ang makapag papasaya sa akin.. Pero ng makita ko ang bangkay ni Clarisse Santos na isinasakay sa ambulasya Nanlamig ang bou kong katawan Ganun na ba kasukdulan ang kasamaan ko at ng dahil sa kagagawan ko namatay ang isang babaeng nakatakdang maging asawa at ina? Sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko bumabalik balik sa aking balintataw ang bangkay niya. Siguro inuusig na ako ng aking kunsensya? Kunsensya? Meron ba ako nun? Minsan di sumagi sa isip ko na meron ako nun. Dahil all my life mula ng mamatay si Mama naging bato ako.. MICHAEL JOHN Bukas na ihahatid sa huling hantungan si Clarisse. Dumating ang mga kamag-anakan niya mula sa probinsya at mga kaibigan niya sa Fashion world para makiramay.. Halos karamihan mga sikat na designers at modelo galing sa ibat ibang bansa ay dumating para makiramay. Mag iisang linggo naring pinagpipiyestahan ng medya ang issue tungkol sa pagkamatay ni Clarisse. Nanatiling tikom ang bibig ko sa nangyari. Hindi ako nagbigay ng kahit na anung statement.. Naghire ako ng maraming body guards para di ako malapitan ng media.. Lahat ng detalye ng investigation sa pagkamatay ni Clarisse ipinatago ko sa mga investigators lalong lalo na sa mata ng media.. It's positive lasing nga si Mikaela Trinidad kaya naganap ang banggahan sa pagitan nila ng fiance ko. Kahit di imbistigahan ng mga pulis ang nangyari alam kong lango siya alak dahil ng gabing una kaming magkita sa BAR ay lasing na lasing na siya Ilang beses akong tinangkang kausapin ni Mr. Rodolfo Trinidad para makipag alegro sa nangyari pero tanging mga abugado ko na lamang ang nakakaharap niya Hindi ko ipapakulong ang Unica Iha niya. Ipapasarado ko ang kaso at kalilimutan ang lahat ng nangyari dahil may ibang paraan at plano ako para maningil sa babaeng naging dahilan kya habang buhay akong mabubuhay sa kalungkutan. Alam ko ang lahat ng galaw ng Mag amang Trinidad nagtalaga na ako ng detective para malaman ko ang lahat ng galaw nila. Lahat ng detalye ng buhay at ari- arian nila pina imbistigahan ko narin. Hihintayin ko na lang na mailibing si Clarisse bago ko gawin ang mga plano ko sa mag ama. _ Araw ng libing ni Clarisse ngayon ginawa kong very private ang libing. Di ko hinayaang pagpiyestahan ng media ang kahuli- huliang araw na ito na makikita ko pa siya. Mahigpit ang security sa sementeryo.. Kung di lang siya namatay ngayong araw na ito sana kami ikakasal pero nasaan siya? Nasa kabaong na at unti- unting tinatabunan ng lupa sa halip na sa simbahan at naglalakad papunta sa akin sa altar.  Naninikip na naman ang dibdib ko sa sakit. Katabi ko sina Hanz at Sofia. Panay ang pisil ni Hanz sa balikat ko hanggang ngayon di parin namin napag uusapan ang tungkol sa nangyaring aksidente pero ramdam kung sa akin siya pumapanig.. Patuloy lang akong nakamasid habang tinatabunan ang kabaong niya ng lupa. Life wouldn't be the same again.. Sa pagkawala niya kasama narin niya ang puso kong ibinaon sa lupa.. Napatiim bagang ako at naikuyom ko ang mga kamao ko. Isinusumpa ko sa libingan ni Clarisse Magbabayad ng malaki sa akin ang taong naging dahilan ng maaga niyang kamatayan. Lahat ng paraan gagawin ko maramdaman lang niya kung paano mabuhay sa impiyerno kasama ko... MAYBE ITS NOT TOO LATE Isang linggo na akong nakakalabas ng Hospital pero sa halip na iuwi ako ni Papa sa Bahay diretso ako sa rest house namin sa Batanggas. Para narin daw sa katahimikan ko at mabilis kong paggaling. Pero ang totoo gusto lang niya akong iiwas sa media at publiko na walang ginawa kong di husgahan ako. Ngayon ko lubos naisip na kaya pala iniiwas nila ako sa anu mang klaseng balita tungkol sa nangyaring aksidente dahil halos boung Pilipinas pala ay hinusgahan ako. Walang laman ang boung Social Media Sites kung di ang Issue ng pagkamatay ng Sikat na Modelo at ang Kriminal na spoiled brat. Sa unang pagkakataon nasasaktan ako sa opinyon ng ibang tao sa akin. Dapat daw makulong ako dahil isa akong mamamatay tao. Dapat daw ako nalang ang namatay sa halip na si Clarisse at ang batang nasa sinapupunan niya. "Anak nakatingin ka na naman sa malayo" Di ko namalayan ang paglapit ni Nay Martha sa akin. Nasa Balkonahe ako at nakatanaw sa dagat. Simula ng lumabas ako sa Hospital at dumating dito sa Batanggas wala akong ginawa kong di magmukmok at mag isip. "Nay hanggang kailan ba ako dito magtatago? Pinisil ni Nay Martha ang balikat ko. "Anak hanggat hindi lumalamig ang issue ng nangyaring aksidente dito ka muna" "Bakit di ko na lang harapin ang anu mang kasalanan meron ako..kung nararapat akong makulong dahil sa pagkamatay ng babaeng yun nakahanda ako Nay" Di makapaniwalang tinitigan ako ni Yaya sa mga mata. Inaarok niya kung totoo ang mga sinasabi ko. Para bang isang napakalaking himala ang binitiwan kong salita. "Anak disgrasya ang nangyari..sa palagay mo hahayaan ng Papa mong makulong ka? At isa pa si Mr.Lorenzo mismo ang nagpasyang isarado na ang kaso at isyu tungkol dun" Yun ang malaking palaisipan sa akin.. It's so Wierd! Kung himayhimayin talagang nagkasala ako dahil nagdrive ako ng lasing ng gabing iyun. Pero sabi ni papa si Mr.Lorenzo mismo ang nagpasyang isarado na ang kaso. Napalaking imposible para sa akin na hindi niya ako kinasuhan at siningil.. Sa pagkakaalam ko mahal na mahal niya ang Girlfriend niya at nakatakda na silang ikasal nung araw ng libing ng babae. At hindi yun basta basta na lang hahayaang mauwi sa wala ang pagkamatay ng Fiance nito pati ang anak niya. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Pag nalimutan na ng media at publiko ang issue ng pagkamatay ng Fiance ni Mr.Lorenzo. Personal akong makikipagkita sa kanya at humingi ng sorry sa nangyari nang sa ganun gumaan gaan ang nararamdaman ko dito sa dibdib ko. Sa totoo lang bukod sa pagiging Biliyonaryo at pagiging sikat na Car racer wala na akong masyadong alam sa Fiance ni Clarisse Santos. Basta ang alam ko Malapit na kaibigan siya ni Hanz Mercado. Di ko pa nakikilala ng personal ang lalaki pero parang nagkita na kami somewhere di ko lang matandaan. Oo nga pala simula ng madisgrasya ako di ko na nakita si Hanz. Si Papa kasi Pinalitan ang numero ng Cellphone ko at tanging si Izza lang ang nakakaalam sa bagong number ko. On the Contrary tama lang na di alam ni Hanz ang bagong number ko. "Nay pwede po akong maglakad lakad sa dalampasigan" Gusto kong lumuwang ang bigat ng nararamdaman ko.. Siguro makagagaan ang paglalakad at pag langhap ng sariwang hangin. May nakikita akong mangilan ngilang taong naglalakad sa tabi ng dagat. "Sige anak ingat lang ha di kpa masyadong magaling" Medyo kumikirot parin ang bahagi ng sugat ko sa ulo. Isa ngang milagro ang nangyari dahil ilang galos lang ang tinamo ko sa mga braso at maliit na sugat sa ulo. Siguro nga binigyan pa ako ni GOD ng isa pang pagkakataon para magbago at ituwid ang mga maling asal at ginagawa ko.. May be its not too late to change. Parang naging wake up call ko ang aksidenteng nangyari sa akin. Nasa tabing dagat na ako..tinatanaw ko ang hampas ng alon sa dalampasigan ng May isang babaeng lumapit sa akin.. "Hi taga rito karin?" Ngumiti siya ng matamis sa akin. Tiningnan ko lang siya at ngumiti ng tipid. Sana naman di ako kilala ng isang ito. Pero imposible kalat na kalat na pagmumukha ko sa TV man o sa Internet. Kaya imposibleng di ako makikilala nito. "Im Rhoda..bakasyunista ako dito..bahay ng Tita ko yun" Inginuso niya ang isang di kalakihang bahay malapit sa amin. "Mikaela" Maikli kong sagot.. "So bakasyunista ka rin ba dito sa Batanggas? Tumango lang ako..so meaning di niya ako nakikila. Gusto kong matawa sa iniisip ko. Ano ako artista? Nakilala at sumikat lang ako dahil ako ang pumatay sa sikat na modelong si Clarisse Santos. "So Mikaela taga maynila karin? "Uhhh ohhh" Napangiti siya sa maikling tugon ko. "Pasensya kana ha..nabobored kasi ako eh wala akong makausap eh wala kasi Antie ko at wala rin akong masyadong kilala dito" "Ok lang" "kailan ka babalik ng Maynila?" "I dunno..matatagalan pa siguro" Di ako nagbibigay ng detalye sa kanya. She's still an stranger. Who knows isa pa la siyang miyembro ng media at nagpapanggap lang para makakuha ng information mula sa akin. "Look Rhoda..its nice to meet you..but i really have to go..may nakalimutan akong gagawin ko pla sa bahay. Bye. .." Mabilis ko siyang tinalikuran..mabilis akong pumasok sa bahay at pumasok sa kuwarto ko... Manonood na lang ako ng favorate TV series ko sa TV..para malibang Pati Social Media at internet iniiwasan ko na.. Para narin sa katahimikan ko.. Pero hanggang kailan ako magtatago? Hanggang kailan ko maiiwasan ang mga taong nanghuhusga sa akin? Siguro nga mas tamang humarap nlang ako sa kanila.. Ayaw ko ng ganito? Kung gusto kong baguhin ang buhay ko kelangan kong harapin ang mga taong tumutuligsa sa akin.. Di ako duwag na tao.. Kaya may pasya akong nabuo sa sarili ko.. Babalik ako sa Maynila at haharap ako sa tao at mga kakilala ko.. Sa ayaw at sa gusto ni Papa.. Sabi nga nila..Once a spoiled brat always been a spoiled brat..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD