CHAPTER 5

2602 Words
THE BEGINNING: "Sir Attorney Delfin and Mr. Arellano is here.." Pinukaw ng tinig ng Personal Assistant ko sa Intercom ang malalim kong pag iisip.. "Let them in Cathy" Ngayon ang appointment ng dalawa sa akin para pag usapan namin ang mga plano ko laban sa mag amang Trinidad.. Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang dalawang lalaking magiging kasangkapan ko sa pagbagsak ni Mikaela Trinidad. " Good Morning Mr.Lorenzo" "Have a seat" Itinuro ko sa kanila ang Sofa sa harap ng office table ko.. "So attorney Delfin kumpleto na ba ang mga papeles na ipinapagawa ko sayo? Iniabot niya sa akin ang ilang dokumento. Mabilis ko itong binuksan at sinuri ang mga laman.. "Sigurado ka bang mag fufull out ang karamihan sa Shareholders ng TSL attorney Delfin? "Settle na po ang lahat..Mr.Lorenzo..just wait for a week at sigurado akog sasakit na ang ulo ni Rodolfo Trinidad" Patango-tango lang ako at ngumisi ng makahulugan.. "So How about you Mr.Arellano? Any report regarding sa work mo? Tumikhim muna ang lalaki at ngumisi ng nakakaloko.. Iniabot niya sa akin ang brown envelope na may lamang litrato ni Mr.Rodolfo Trinidad at ng Batang bata nitong Girlfriend..nasa isang Casino silang dalawa.. "Magkano ba itinataya ni Mr.Trinidad sa tuwing naglalaro? Mukhang umaayon na sa akin ang lahat ng pagkakataon.. Di na mahirap sa akin ang pabagsakin ang Mag amang Trinidad.. Kung tutuisin anu na lang ang mga kabuhayan nila kumpara sa akin.. Di ko kailangan ang maliit nilang mga negosyo.. Pero kailangang mapasakamay ko ang lahat ng anung meron sila para madali kong mapagapang sa lupa si Mikaela Trinidad. Huling report sa akin ng Detective na sumusubaybay sa kanya. Nasa Maynila na daw ito. "Pinakamababa Sir half million.." Napalatak ako..ganun kalulong sa sugal si Mr.Trinidad. Mag ama nga talaga sila Biniyayaan ng kakarampot na utak.. Oh well..saan pa mag mamana ang anak kung di sa magulang.. Bigla akong nakaramdam ng kalungkutan.. Kung nabigyan lang sana ng pagkakataon ang magiging anak ko kay Clarisse..sigurado akong magmamana sa akin yun. Bigla kong namiss si Clarisse Simula mamatay siya mas lalo kong ikinulong ang sarili ko sa trabaho.. Thank God... Wala si Hanz at nasa SPAIN para sa isang business Trip.. Walang mambubulabog sa pagttrabaho ko.. Trabaho Penthouse Alak. Ang routine ng buhay ko simula ng mailibing si Clarisse.. Siguro matatahimik lang ako pag nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay nilang mag ina.. At alam ko sooner mangyayari nayun.. "Thats for today Attorney Delfin and Mr. Arellano..Keep in touch kung may new development sa ipinapagawa ko sa inyo" Dismissal ko sa kanilang dalawa..anyway nandito na sa mga papeles ang lahat ng info na kailangan ko.. Lahat ng bagay madali lang kong marami kang pera at kapangyarihan.. Nakipagkamay muna ang dalawa sa akin bago tuluyang lumabas.. Pinindot ko ang intercom para tawagin si Cathy.. "Yes Sir" "Come inside Cathy" Ilang segundo lang nasa harapan ko na ang assistant ko.. "Yes Sir" "Nakakuha ka na ba ng information tungkol kay Mr.Bustamante? "Yes Sir..just wait I will get the Document at my desk" Lumabas na ito sa pintuan.. Si Cathy lang ang medyo nagtagal na Assistant ko..dati dalawa or tatlong buwan lang ang itinatagal ng Assistant ko.. Ang dahilan masyado akong strict pagdating sa trabaho. Pangalawa halos lahat ng PA ko seniseduce ako. And im not allowing any intimate relationship to work.. Hanggang nahire ko si Cathy..She is very Professional and Efficient..kaya naman mag iisang taon ko na siyang Assistant.. "Sir heto na kailangan nyo" iniabot niya sa akin ang isang brown Folder.. Mabilis kong kinuha ito at binuksan.. Si Mr.Conrad Bustamante ang General Manager ng MIKA's Restaurant na may ibat ibang branch sa Metro Manila.. Siya ang namamahala sa isa pang negosyo na iyon ng mga TRINIDAD.. Now..im thinking how can i get rid that man in Mr.Trinidad's Business. "Anything else Sir?" Napatingala ako kay Cathy na nakatayo pa pla sa harapan ko.. "Anong next Appointment ko?" "Sir Meeting with Mr.Lim for next half and hour regarding dun sa Yate na ibebenta niya sa inyo" "Ok just inform me pag nandyan na siya" Tumango lang ito at lumabas na.. Di ko alam kong bakit ko pa bibilhin ang Yateng yun samantalang wala na si Clarisse..na kasama kong sasakay dun..sorpresa ko sana sa kanya yun after our wedding and i will name the yatch after her.. Ang plano ko after ng wedding sasakay kami dun..and cruise hanggang sa Private Island Na pag aari ko somewhere in Cebu.. Nasettled na sana ang negotation sa bayaran kaso things changed ng mawala si Clarisse.. Lahat ng masasayang bagay na pwedeng mangyari sa akin sa hinaharap nawalang parang bola ng dahil sa isang aksidenteng kumitil sa buhay ni Clarisse.. 'Sir nandito po si Maam Sofia..Can i let her in?" Tinig na naman ni Carthy ang pumukaw sa pagmumuni muni ko sa intercom.. "OK" Walang kagana kana kong sagot.. Sofia is one of Clarisse Closest Friend..Sabi sa akin ni Clarisse parang magkapatid na sila.. Dati pa against na ako kay Sofia na mapalapit masyado kay Clarisse.. Pero di ko na lang ipinapahalata noon kay Clarisse dahil nga malaki ang naitulong ng Pamilya ni Sofia kay Clarisse para maabot nito mga pangarap niya. Sofia is only daughter of Famous Filipina International fashion Designer Monica O'Brien na nakabased sa New York kasama ng Amerikanong asawa nito na isang Business Tycoon na nagmamay ari ng pinakamalaking Real State Company sa USA.. Ried O'Brien... Alam kong maraming itinatagong di magandang ugali si Sofia sa katawan.. Ilang beses nang nagpakita ng motibo sa akin pero binabalewala ko lang.. Ilang beses na ba niya akong tinangkang akitin pero di siya nagtagumpay Minsan na itong nag hubad sa harapan ko pero hindi nya ako maakit akit.. Balak ko sanang sabihin noon kay Clarisse ang katotohanan pero nag aalangan ako. Una di ko alam kong maniniwala siya.. Pangalawa ayaw kong masira pagkakaibigan nilang dalawa.. "So anung ginagawa ng Infamous Billionaire dito sa Opisina niya? Napaangat ako ng tingin sa kay Sofia.. Sa uri ng ngisi niya alam kong may di na naman kaaya ayang binabalak ito.. "Napasyal ka Sof.. " Matabang kong sagot. Bigla itong humalakhak at umupo sa table ko.. "Come on John Cheer up! Isang buwan ng naililibing si Clarisse..She's Gone..Life must Go on..Just accept the reality na hanggang doon lang talaga siya" Naikuyom ko ang aking mga palad sa bulsa ko.. Akala ko ba Best friend niya si Clarisse but it seems that..masaya pa siya.. "Sofia i love Clarisse that much..at sa pagkawala niya nawalan narin ng saysay buhay ko" "Really? Then if you love her bakit di mo ipinakulong si Mikaela Trinidad..instead na ipinasarado mo yung kaso?" Tumayo ito at namaywang sa harapan ko.. "I have my reasons Sofia" "Care to share me your reasons? Bakit ko naman sasabihin sa kanya ang mga plano ko.. I doubted her from the start..di lingid sa akin kong gaano siya gumagawa ng paraan para maagaw ako kay Clarisse.. "By the way i came here to invite you" "For what?" "Party sa bahay.. Wedding Anniversary nina Mum and Dad" "I'm not so sure about that Sofia" Di ako pupunta doon..Baka may niluluto na namang pakulo sa akin itong babaeng ito..knowing her..ilang beses na akong tinanggang akitin..but she failed.. Lumabi ito at inilapit ang mukha sa akin..mga ilang pulgada lang ang pagitan namin.. "Di ka pwedeng tumanggi Michael John..remember im Clarisse best Friend.." Ngumisi ito ng makahulugan.. So Anu ngayon kong Best friend siya ni Clarisse? Clarisse was gone.. At sa palagay ko tama lang na putulin ko narin ugnayan ko sa babaeng to.. Bumalik ito sa couch at may kinuha sa purse bag nito..at inilapag sa Table ko.. "That's your invitation lover boy..Dont even dare not to come" Kumindat pa ito at nagmamadaling lumabas ng office ko.. Sinundan ko lamang siya ng tingin..sinulyapan ko lamang ang kulay gold na invitation sa ibabaw ng mesa..di ko pinagkaabalahang buksan..bigla ko itong itinapon sa Trash Can.. I'm not going.. Itutuon ko na lang sa ibang bagay na makabuluhan ang oras ko kesa pumunta sa party na iyon The O'Brien Family owned the largest Real state company in the world.. Nasa New York City ang headquarters nila at may ibat ibang sangay yun sa lahat ng big cities around the World.. Kasama na dito sa Pinas.. Sa katunayan ang Company nila ang malaking rival ng Lorenzo Empire.. *** It's been 2 weeks na since umuwi ako dito sa Manila from Batanggas.. Medyo malamig na ang issue tungkol sa kinasasangkutan kong aksidente.. Thanks sa s*x Scandal ng isang Seksing Aktres at Isang Congressman na kumakalat ngayon dahil dito natabunan ang issue tungkol sa akin.. Simula ng umuwi ako di pa kami nagkikita ni Papa.. Nung tinawagan ko siya ang sabi niya nasa Cebu daw siya..but i doubt it.. Ang hula ko nandito lang siya sa Manila kasama ng Babae niya.. Sa totoo lang inaatake na ako ng boredom.. Never in my intire life na pumirmi ako ng ganito katagal sa bahay.. Wala si Izza nasa Vacation kasama ang boyfriend niyang si Jerome. Nasa Hongkong sila. Gusto kong gumala pero hindi ako pinapayagan ni Nay Martha.. Pag lumalabas ako parati ko silang kasama ni Mang Manuel.. Kung ganito lang akong parati baka ang ending ko.. Isang matandang dalagang kinakagat ang kuko o di kaya sinasabunutan ang buhok.. Posible ding manghuli ako ng langaw sa ere.. Sa madaling salita baka mabaliw ako.. Hindi ganitong life style ang kinasanayan ko.. Busy ako sa kakakiskis ng mga kuko kong malapit na atang mapudpod ng may kumatok nagmamadali ko itong binuksan isang di maipintang mukha ni Yaya ang bumungad sa akin.. "Ayusin mo sarili mo at bumaba ka sa Sala Mikaela..nandito ang Papa mo kasama ng asawa niya" Asawa? Tama ba ang huling salitang sinabi ni Nay Martha.. "What do you mean Asawa Nay? Di ko magets ang sinasabi niya.. Basta sumunod ka nalang sa baba doon mo malalaman ang lahat" Nagmamadali na itong tumalikod at bumaba.. Wala akong inaksayang oras sumunod ako sa kanya at tumambad sa akin si Papa kasama ng Girlfriend niyang magkaakbay sa Living Room.. Laki ng ngiti ni Papa at isang nakakalukong ngisi naman ang nasa labi ng babae niya. "Iha how are you? Inilad ni Papa ang dalawang mga bisig at niyakap ako..gumanti ako ng yakap habang tinitingnan ang babaeng nakatayo sa tabi niya.. "Iha ..why dont you give your warm welcome to my new wife..your Mommy Glenda" So sinunod parin ni Dad ang Gusto niya kahit di ako sang ayon..pinakasalan parin niya ang mukhang lintang babae na ito.. "Seriously Dad..pinakasalan mo parin siya?". Gusto kong bumunghalit ng tawa sa huling sinabi niya.. Itong babaeng ito papalit sa pwesto ni Mama sa buhay ko? Ni kuko ni Mama di niya mapantayan..what a big Joke?! "Kailan pa kayo nagpakasal?! "Last week lang iha..sa Judge lang kami nagpakasal tapos pumunta kami sa Macau for Honeymoon" Unti unti akong napaupo sa isang sulok ng sofa na kaharap nila. Bigla akong nawalan ng lakas sa conformation mula kay Papa. Eversince wala na akong tiwala sa karakas ng pagmumukha ng babaeng kinababaliwan niya..ang tigas ng mukha niya kung hindi lang may pangako na ako sa sarili ko na magbabagong buhay na ako at babaguhin ko na ugali ko..baka kanina ko pa pinaulanan ng insulto ang bago kong Mummy.. But i am a better person now..kahit alam kong mahirap gawin pero pipilitin ko.. Siguro kailangan ko naring tanggapin Ang katotohanan na may asawa na si Papa.. Bumuntong hininga ako at tiningnan ng diretso si Papa.. "Ok Papa since andyan na yan wala na akong magagawa..Its your life anyway.." Nakita ko kung paano nagliwanag ang mukha ni Papa..relieved all over on his Face.. "Salamat iha..sa pang unawa" Pero iba naman ang Nakita ko sa sulok ng mga labi ni Glenda isang tipid na ngisi..alam ko there is something about her na di maganda pero ano pa nga ba magagawa ko? Kung ikakaligaya ni Papa ang ganon sino ba ako para hadlangan yon. Dito ko na sisimulan ang pagbabago sa sarili ko. Pipilitin kong unawain ang naging desisyon ni Papa. "Well anyway Papa can i ask some favor? Since gumawa ako ng favor kay Papa..ako naman ngayon ang hihingi sa kanya..Kahit anung gawin ko di ko parin maiwan iwan pagiging spoiled ko at tuso.. "Sure iha tell me" "I want a new Car" "No Problem Iha, I can buy you new one" "Audi R8 Papa ang gusto ko" Medyo nagulat si Papa nung sabihin ko ang gusto kong sasakyan..medyo may kamahalan ang ganong klase ng sasakyan. Maging ang bago niyang asawa ay nagulat din halata sa panlalaki ng mga mata nito. "Ok Iha anong kulay gusto mo? Alam ko di matatanggihan ni papa hihilingin ko dahil nga di ko kinontra ang pagpapakasal nila ni Glenda.. "Black ang gusto ko Papa..and one more thing gusto kong magbakasyon sa US as soon as possible" Susulitin ko na ang favor na hihilingin ko habang di pa magawang tumanggi ni Papa sa lahat ng nanaisin ko At isa pa gusto kong mag unwind pagkatapos kasi ng aksidente at kontrobersyal na kinasangkutan ko halos maburo na ang beauty ko dito sa bahay..Gusto ko ng bagong environment. Malayo sa mga taong nanghuhusga sa akin.. "Ok iha ipapaayos ko kay Gemma ang mga papeles mo para sa punta mo ng America" Sumang ayon agad si Papa sa hiling ko..sabi ko na nga ba eh.. "Thanks Pa! sa California ako magbabakasyon ..Im staying in our Beach House there in Malibu" 3 years Ago bumili si Papa ng Property sa California..isang di kalakihang beach front house sa Malibu..Isang Pinoy ang caretaker nun. "Ok iha as you wish..Just be prepared ok.." Panaka naka sinusulyapan ko si Brendang nasa tabi ni Papa.. Parang lukot na papel na ang mukha niya.. Oh! Well dapat alam niya kong anung lugar niya sa buhay ng Papa at anong lugar ko sa buhay ni Papa.. Ngumiti ako ng puno ng kaplastikan sa kanya.. "So I think its time for me to give my warm hug to my new mummy Papa" Lumapit ako sa asawa ni Papa at nakipagbeso beso ako sa kanya.. Para itong estatuwang nanigas di niya iniexpect ang bago kong attitude.. Kaya speachless siya habang nakatingin lang sa akin.. Samantalang abot hanggang taenga ang ngiti ni Papa.. " Im glad iha..alam ko makakasundo mo ang Mommy Glenda mo" "Sure Papa..basta sa ikakaligaya niyo..ill do whatever it takes..right Mummy Brenda?! Kumindat pa ako sa kanya.. Para lang siyang tinuklaw ng ahas sa kinatatayuan niya. Old habbit never dies! Kahit anung gawin ko.. Lumalabas at lumalabas parin ang pagiging Bitchy ko.. Anong magagawa ko..kinakailangan kong gamitin ang natatangi kong talento sa pakikipag plastikan.. God Forgive me but i just can't accept her for my Father. Yung mga ganyang tabas ng mukha kay Glenda wala akong tamang defination kung di tumataginting na gold digger.. Sinong papaniwalain niyang Dahil sa pagmamahal kaya siya nagpakasal sa kay Papa? Bulsa lang ni Papa ang minahal niya at yun ang di ko mapapayagan.. Over my Dead Flawless body.. Naputol lang ang mini show namin ng pumasok sa eksena si Nay Martha. "Nakahanda na ang Tanghalian..Mikaela at Sir Rodolfo..halina kayo" 'Di ako makapaniwalang ganun mo kabilis natanggap ang pagpapakasal ng Papa mo sa babaeng yun Mika?! Bulong ni yaya martha sa akin habang papunta kami sa hapag kainan. And Who told you na tanggap ko na..Yaya? Sinasakyan ko na lang si Papa...kasi sa tingin ko wala na akong magagawa kasal na sila..but i have my own plan parin Nay Martha...trust me sooner or later maghihialay din sila" "Bahala ka..Mikaela" Nagpatiuna na si Nay Martha sa akin.. Sinundan ko nalang ito ng tingin..Si Nay Martha na pangalawang Ina ko.. Parang anak narin niya akong ituring..and I really love her ..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD