THE NEW FRIEND:
"So Kuya Eddie is right..There is one little Angel came here in Malibu for Vacation"
Napalingon ako sa pinangglingan ng boritonong boses sa likod ko..
Sa totoo lang kung di nakakahiya baka nalaglag na panga ko sa paghanga sa lalaking na sa harap ko ngayon..
What a greek God..
Pero di ako nagpahalata na parang na starstruck ako..
"And You are?"
"James Allen at your service"
Mabilis niyang iniabot ang kamay niya sa akin para pormal na makipagkilala.pero di ko ito tinanggap..
"How did you manage to came into my home without my permission?
Tinaasan ko ng kilay ang lalaki..
Bigla itong napahalakhak..
"Kuya Eddie is friend of Mine so He always let me in....here"
"Kuya eddie is not here..so please turn you back and Get out"
Inginuso ko ang pintuan sa lalaki..wala akong pakialam kahit sobrang guwapo nito..
"Whooa! Easy Angel! Pumunta ako dito para personal kang makilala"
"Marunong kang magtagalog"
Nagulat ako..akala ko Kano ang nasa harapan ko..
"Oo naman..My mother is pure Filipina and my Father is American..We are neighboors..My home is right there"
Itinuro nya sa akin ang malaking bahay na nasa kanang bahagi namin..katabi lang ng beach house namin..
Kasalukuyan kming nasa Balkonahe habang nakatanaw sa dagat..
Humalukipkip ako at humarap sa kanya..at tiningnan siya mula ulo hanggang paa..
"Pasado na ba?"
Ngumiti ito sa akin at halos malaglag ang underwear ko sa karisma niya..bigla akong nakaramdam ng kahihiyan sa katawan..
"Your blushing Angel"
Tumawa ito ng mahina..
"Im Mikaela and don't call me Angel..dahil kabaligtaran yun ng personality ko"
"Hi Mikaela.Im James Allen again and ready to serve you"
Iniabot niya sa akin ang kanang kamay niya.
Dahan dahan ko itong inabot..
"You know..Im watching you since dumating ka dito 3 days na.."
"Why?"
Bigla akong nacurious kung bakit ako tinitingnan ng ganito kaguwapong lalaki?
"hmmn..The truth nahihiya akong lumapit at makipagkilala..kaya nagtanong na lang ako kay Kuya Eddie bout sayo"
"So anung nalaman mo tungkol sa akin?"
Napangiti ako sa kanya..sa totoo lang magaan ang loob ko sa kanya..hindi dahil sobrang guwapo niya kundi dahil parang friendly at nice person siya.
"Well..Kuya eddie said..You owned this beach house and you are from the Philippines.."
"Yun lang?..
Nadismaya ako..di man lang niya inalam na single pa ako..No husband, No Kids and No Boyfriend..bigla akong kinilabutan sa naisip ko..gusto kong batukan ang sarili ko..
Kailan pa ako natutong lumandi?
"Yun lang ang itinanong ko sa kanya..masyado ng nakakahiya pag dadamihan ko pa"
Sabay kindat nito sa akin.
"May dugo ka talagang Kano? "
Bigla kong tanong sa kanya..
Kahit na alam kong meron dahil halata naman sa itsura niya..
Ang galing niya kasing managalog..
"My mum is a Filipina ok and I was born and raised in the Philippines..then when my mum died 6 years ago..dito na ako parati sa State to pursue my ambitions..now if you still dont believe me..ill go home and get my Authenticated NSO birth certificate ko ok"
Bigla itong tumalikod at akmang aalis pero bigla ko siyang nahawakan sa pulso niya..
"Its Ok i do believed you nah..sorry sa Mother mo"
Pareho pala kaming ulila na sa ina.
Gumuhit sa kanyang guwapong mukha ang matamis na ngiti..Nang tingnan niyang bigla ang kamay kong nakahawak parin sa purse niya..bigla ko itong binitiwan..
Pareho kaming nagkatinginan..at natawa at magkasabay na tumingin sa dagat ng walang imikan..
"So Mikaela..gusto mong mag enjoy sa vacation mo dito sa State? Humarap siya sa akin bigla..
Ano ba ang dapat kong isagot..diba pumunta ako dito para mag unwind..na gusto kong tumakas mula sa bangungot na aksidenteng nangyari sa akin..
"But of course!" yun lang naisagot ko sa tanong nya sino ba ang ayaw ng salitang Enjoyment?
Paborito kong salita yan dati pa.
"So How long are you staying here?
"I dunno..a month or more..im not so sure about it"
"So in that case...ako ang magiging tour guide mo..James Allen the ambassador of Fun at your service"
Yumuko pa ito na parang Japanese sa harapan ko..
Natawa ako sa sinabi niyang Ambassador of Fun...
For the first time in my life humanga ako sa lalaki at hindi lang lalaki kundi Smokin' hot guy pa..
"So James, tell me..what are you doing for living?"
Parang naging napakagaan lang ng conversation namin na para bang matagal ko na siyang kilala..samantalang hindi pa nangangalahating oras ng lumapit siya sa akin at magpakilala..
"Nahh..freelance Model lang ako..habang Tinatapos ko ang Masteral degree ko dito sa state"
Di na ako nagtataka kong modelo siya dahil sa tikas at guwapo niya halata naman talaga na pang modelo ang features niya pero yung tinatapos niya Masteral degree niya..Wow its a quite impressive..sa tingin ko di lang magkalayo ang mga edad naming dalawa.
"So how about you? Any job left in the Philippines?
Speechless ako..Paano ko sasabihin dito na wala akong work..at sakit lang ako sa ulo..na wala akong silbi..na kaya ako nandito dahil nakapatay ako ng mag ina ng dahil sa kalasingan ko..
For the first time naging concern ako sa iisipin ng isang lalaki sa akin.
Ewan ko pero ayaw kong may malaman siyang negative tungkol sa akin..
"Jobless ako sa Pinas..in short umaasa lang sa Papa ko"
Pinili kong maging honest na lang dahil ayaw kong simulan ang pagkakaibigan namin ng puro kasinungalingan..
Maliban nlang siguro sa aksidenteng nangyari sa akin di ko yun pwedeng sabihin sa kanya dahil ayaw kong husgahan niya ako..tulad ng ginawa ng media at publiko sa akin sa Pinas.
"One and Only daughter ka nga naman ng mayamang businessman diba..So di mo kailangang magbanat ng buto para kumita"
So alam niyang nag iisang anak lang ako..
"Let me guess kay Kuya. Eddie mo yan nalaman noh?"
Tumawa lang siya habang nakahalukipkip na tinitingnan ako..
"Sort off.. But dont worry yun lang ang alam ko..the rest aalamin ko na ito sayo..for the mean time sama ka muna sa akin.."
"Saan tayo pupunta?
"Dyan lang sa dalampasigan"
Walang pag alinlangan akong sumama
Sa tingin ko harmless naman si James at wala sa itsura niya ang gagawa ng di maganda sa kapwa..
***
MJ
Nagmamadali kong tiningnan ang E-mail ng Secret agent na sumusubaybay kay Mikaela Trinidad sa US..
Bumulaga sa akin ang mga litratong kuha niya..
Nasa tabing dagat ito at may kasamang lalaki..
Mukhang nag eenjoy ito sa vacation nito..
Limang kuha ang ipinadala ng Secret agent sa akin..
Naikuyom ko mga kamao ko..
Shit! Di ito pwede..
Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung tama ba naging desisyon ko na di siya ipinakulong at sa halip ako ang maniningil sa kanya ng personal sa pagkamatay ni Clarisse..
Nagmamadi kong tinawagan si Attorney Delfin..
"Yes Good Evening Mr. Lorenzo"
"Any Update sa pinapagawa ko sayo attorney?
"Settle na po Sir.. Tatawagan ko sana kayo para ipaalam na ok na ang lahat"
"Good..Attorney!
"So Ilang Porsyento ba ng TSL ang mapapasakamay ng Lorenzo Group?
"60% Sir,
40% share pag aari ni Mr.Trinidad..so yun na lang ang problema natin pano natin mabibili or nawala sa kanya ang share niya sa TSL"
"Madali na lang yun Attorney..mark my work siya mismo ang magbebenta nun sayo ang gusto kong mangyari mawala sa mga Trinidad ano mang meron sila as soon as possible attorney"
"Yes Mr.Lorenzo ill do my best just wait until next week and everything will be settle according to your Plan"
"Aasahan ko yan Attorney Delfin"
Matagal ng nagseserbisyo si Atty. Delfin sakin bilang Abugado ng mga business ko...
Parang tatay ko narin siya dahil kaibigang matalik siya ni Daddy.
Una niyang pinagsilbihan si Dad hanggang sa akin na
Napatingin uli ako sa Monitor ng Computer na nasa harap ko
particularly sa solo na picture ni Ms.Trinidad..
Kahit saang anggulo tingnan ang babaeng ito napakaganda.
Napaka amo ng pagmumukha niya
Pero sa likod ng pagmumukhang yan nagtatago ang pagiging tigre niya.
I must admit..she really catch my attention that night..
The same night when the accident happened between her and Clarisse..
Di ko masisisi ang best friend ko kung bakit nagdeklara ito ng wagas na pag ibig sa babaeng ito..
Di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit di ko maalis alis ang paningin ko sa mukha niya..
Napamura ako ng malutong ng bumaba paningin ko sa mahahaba niyang legs..
She's just wearing short denim..habang naglalakad sa dalampasigan..
Suddenly, biglang nag init sa opisina ko..
What happen?
Hindi ako dapat nakakaramdam ng ganito sa babaeng ito..
I hate her..Siya ang dahilan kaya namatay si Clarisse at magiging anak namin..
Kailangan niyang magdusa at pagbayaran ang ginawa niyang kasalanan sa mag ina ko.
Ipinasya kong patayin ang computer..
Bigla nanuyo ang lalamunan ko..
Konting panahon na lang maigaganti ko narin ang maagang pagkawala ni Clarisse at magiging baby namin.
MIKA
Tunog ng iPhone ko ang gumumising sa masarap kong tulog..pilit kong hinagagilap sa side table ng kama ko ang walang tigil sa kakaring na Cellphone..
For heaven sake! 3:00 am palang..makakatikim sa akin ang sino mang tumatawag na ito..
Nang makita ko sa Screen ang Caller..nagmamadali ko itong sinagot.
Si Nanay Martha ang tumatawag..
"Hello Nay"
"Hello Mika..anak!"
"Ako nga po..napatawag kayo ah..bakit?
"Anak Mika kailangan mong umuwi ngayon na mismo kung makakakuha ka ng flight!"
Bigla akong kinabahan..
Something's wrong based on Nay Martha's worried voice..
"Nay bakit po anung nangyari?"
Nakaramdam na ako ng di maipaliwanag na kaba..
"Nasa Hospital ang Papa mo at nag aagaw buhay"
Di ako makapagsalita..pilit na inaabsurb ng utak ko ang mga sinasabi ni yaya.
"Nay..ba...bakit anung nangyari kay Papa?
Gumagaralgal na ang boses ko..
"Inatake siya sa Puso kagabi sa Opisina niya sa Ortigas"
"Bakit anung dahilan Nay? paanong nangyari na inatake siya eh wala naman siyang sakit na ganon?
"Di ko rin alam anak basta umuwi ka ngayun din baka di mo na abutang buhay Papa mo"
Pati boses ni yaya sa kabilang linya ay basag na rin..
Di ko namalayang nag uunahan na palang tumutulo sa pisngi ko ang mga luha ko..
"Sige Nay martha uuwi ko ngayon din baka makakuha ako ng emergency flight.."
"Sige anak hihintayin ka namin dito"
Wala akong inaksayang oras mabilis kung binuksan ang Laptop ko at nag inquire ng Available na Flight pauwi ng Pinas on line..
Nanginginig pa ang mga daliri ko habang nagtitipa sa keyboard.. Wala akong kaalam alam na may ganung klaseng sakit na pala si Papa..
All this time akala ko healthy siya..
Now ko lang narealise ang pagiging iresponsable kong anak.
Sana di pa huli ang lahat.
Sana datnan ko pang buhay si Papa..
Pag di ko na siya dinatnang buhay..baka di ko kayanin..siya na lang bukod tanging natitira kong magulang at kamag anak..
Nagtangis ang mga bagang ko ng maisip ang asawa niya..
Sigurado ako ito ang dahilan kaya inatake sa puso si Papa..
Pag oras na nalaman kong siya ang naging dahilan..isinusumpa kong di ko siya patatahimikin.
Ilang minuto lang hinintay ko at naconfirmed narin ang flight ko pauwi ng Pinas nagpapasalamat ako dahil may isa pang available na seat ang PAL from LAX to NAIA..
Nagmamadali akong nag impake..ng mga luggage ko..
Wala akong dapat aksayahing oras..baka mahuli na ang lahat.
Nagmamadali kong ginising si Kuya Eddie para magpahatid..
Di na ako makakapag paalam ng personal kay James..nasa NYC siya para sa isang Fashion Show. .
Nag send na ako ng message sa kanya na uuwi ako sa Pinas dahil may emergency..
"Ok kalang Maam Mika?"
Sinulyapan ako ni Kuya Eddie..Nasa sasakyan na kami papuntang Airport..
"Ok lang ako Kuya..sana datnan ko pang buhay si Papa" tuluyan na namang nalaglag ang luha sa mga mata ko..
Di ko mapigilan ang emosyon ko..
Ngayon ko nararamdaman ang pagsisisi at takot..
Pagsisisi dahil maraming nasayang na panahon na di ko pinag ukulan ng oras si Papa..
Takot na baka di ko na siya inabutang buhay at tuluyan na niya akong iwanan
Mag iisa na lang ako sa mundo..
Paano ko ipagpapatuloy?
Ang sarili kong buhay.
Paano ako magsisimulang muli?.
"Maam Mika..magiging Ok din ang lahat..di kayo iiwanan ng Papa niyo basta dasal lang ang kailangan para sa ikakaligtas ni Sir Rodolfo"
"Thank You.. Kuya Eddie"
Tumango lang siya at pinisil ang balikat ko..
Kanina pa ako tumatawag kay Yaya pero di siya sumasagot..
Gusto ko munang alamin ang kalagayan ni Papa bago ako sumakay ng eroplano..
Kahit sa bahay din walang sumasagot..
Napapamura ako ng lihim..ayaw ko ng ganitong pakiramdam..
Di ko namalayang nasa Airport na pala kami..
"Maam nandito na tayo"
Nagmamadali akong bumaba sa sasakyan..
"Sige po Kuya Eddie alis na ako..kayo na po bahala sa Beach house..thank you po sa paghatid nyo"
Ngumiti lang siya ng matamis at kumaway ng paalam sa akin..
Mabibigat ang mga hakbang ko habang papasok sa Departure Area ng Airport..
Kinakabahan ako sa posibleng sasalubong sa akin sa Pilipinas..
* * * * * * * *
A/N :
Sa totoo lang di ko talaga alam anu patutunguhan ng story ko..basta kong ano lang ang pumapasok sa isip kong idea isinusulat ko na..
Kaya nga mababa lang anga chapters eh..minsan kc kinukulang ang utak ko..
Hahaha..masyado lang akong trying hard na writer..
Pasensya na sa Typo Error..
Saka ko nlang eedit pag natapos ko na..
Thx sa mga nag titiyaga