CHAPTER 7

2157 Words
MJ Busy ako sa kakapirma ng maraming papeles na nakatambak sa mesa ko.. Ipinasya kong tapusin na ang lahat ng trabaho sa araw na ito.. Kesa umuwi ako at magmukmok sa Mini Bar sa bahay ko at uminon hanggang sa malasing ako at makatulog..tatapusin ko na lang ang tambak tambak na papeles sa Mesa ko.. Wala na si Cathy kaninang alas singko pa siya umuwi bukod tanging ako lang ang naiwan sa Building.. Medyo nahimasmasan ako ng magvibrate ang Cellphone ko sa bulsa ko. Si Atty.Delfin ang nasa linya.. "Hello Atty..Napatawag kayo? "Michael John Nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Mr.Rodolfo Trinidad? "No..Why? "He's Died" Bigla akong napatayo sa swilverchair ko.. "What? Kailan siya namatay attorney at Bakit? "Bago lang siya binawian ng buhay sa Makati Medical Center..heart attact ang dahilan" Di ako makapagsalita..Di ko alam ano ang dapat kong maramdaman? Dapat maging masaya ako dahil ngayun mararamdaman na ni Mikaela Trinidad ang sakit ng mawalang bigla ng mahal sa buhay.. Pero wala akong makapang tuwa sa dibdib ko sa halip pag aalala ang nararamdaman ko.. "Atty.Delfin alamin mo kung ano ang naging sanhi ng biglaang pagkamatay ni Rodolfo Trinidad..pagkatapos ireport mo sa akin" "Sige Michael John" Wala na si Atty.Delfin sa linya.. Hindi kaya ang dahilan ng kamatayan ni Rodolfo Trinidad ay dahil sa Pag take over ng Lorenzo Group sa Company niya.. 3 days ago napilitan siyang ibenta ang Shares niya sa Lorenzo Group dahil naiipit siya ng milyon- milyon niyang utang sa Casino Matagal na palang lulong sa sugal si Mr.Trinidad.. Mas lalo pa itong nalulong ng mag asawa uli ng batang batang babae na isa ring lulong sa Sugal.. Siguro talagang umayon lang sa akin ang pagkakataon dahil hindi na ako nahirapan sa mga plano ko.. Ang pagkamatay ni Rodolfo Trinidad ay hindi kasama sa mga plano ko.. Ang gusto ko lang maghirap sila para madali kong mapasunod sa lahat ng gusto ko ang anak niyang nagkasala sa akin. Pero ang maaga niyang kamatayan..hindi kasama sa mga plano ko yun sa kanilang mag ama. Nawalan na ako ng Focus sa trabaho.. Ibat ibang bagay na ang laman ng isipan ko.. Sigurado akong bukas o sa makalawa nandito na ang anak ni Mr.Rodolfo.. Kailangan kong mag isip ng mga susunod kong hakbang.. * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * Mika Di ko maantay na lumapag ang sinasakyan kong Eroplano sa NAIA.. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko.. Pagsayad na pagsayad pa lang ng gulong ng eroplano sa run away ng paliparan gustong gusto ko ng buksan ang Cellphone ko at tawagan si Nanay Martha.. Wala na akong idea kong ano ang nangyari kay Papa.. Nang marinig kong pwede ng gumamit ng Cellphone wala akong inaksayang oras..binuhay ko ang Cellphone ko at nagmamadali kong tinawagan si Yaya.. "He..hello Anak Mika..dumating ka na ba dito sa pinas? Basag ang boses ni Yaya..at lalong lumakas ang kaba sa dibdib..mukhang ayaw kong marinig ang susunod niyang sasabihin.. "Nay..nasa airport na ako..si Papa kumusta siya? Saang hospital siya nakaconfined? Dideretso na ako dyan? "Anak magpakatatag ka" "Do..nt te..ll me na wala na siya Nay?" Garalgal na ang boses ko..sinusupil ko lang ang mga luhang gustong bumagsak mula sa mga mata ko.. "Kaninang mga alas otso ng gabi siya binawian ng buhay..nandito na sa Saint Peter Memorial chapel ang mga labi niya" "No.. It cant be..your just lying Nay..tell me its not true!? Nag uunahan na ang mga luha ko sa pisngi at lumalabo na ang paningin ko dahil sa luha. Papa was gone.. Iniwan na niya akong mag isa.. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa namayang kong may tumapik sa balikat ko.. Napatingala ako mula sa pagkasubsob sa mga palad ko..Nag aalalang mukha ng flight attendant ang nakita ko.. "Maam ok lang po ba kayo? Nagpalinga linga ako sa Paligid..ako lang pala ang natirang pasahero dahil nakababa na ang lahat.. Pati tawag ni yaya di ko na alam kong ako ang pumatay o siya Pinunasan ko ang mga luhang naglalandas sa pisngi ko at dahan dahan akong tumayo, inayos ang mga gamit ko. Nginitian ko lang flight attendant ng pilit.. Wala akong inaksayang oras.. Kahit na mabibigat ang paa ko sa paghakbang palabas ng Arrival Area. Pinilit ko parin.. Nagmamadali kong kinuha ang mga luggage ko at sumakay ng Taxi.. Diretso ako sa Funeral Home na sinabi ni Yaya kung saan nakalagak ang mga labi ni Papa.. Makalipas ang halos labing limang minuto Nasa harapan na ako ng Saint Peter Memorial Chapel.. Nagsimula ng bumagsak ang mga luha ko..una kong nakita si Kuya Manuel..agad ko siyang tinakbo..napayakap ako sa kanya ng mahigpit.. Habang humahagulgol.. Hinihimas lang niya likod ko tanda ng pagdamay..nang mahimasmasan ako..inakay niya ako papasok.. Maraming tao sa loob siguro mga kaibigan ni Papa. May mga ilang nagbubulungan habang nakatingin sa akin.. Mabilis akong sinalubong ni Yaya.. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit..sa mga bisig niya doon ko ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Papa.. "Shhhh tahan na anak" "Nay..ba...bakit di niya ako hinintay? Ang sakit sakit lang na di ko man lang siya nakausap sa huling sandali ng buhay niya.. Na hindi ko man lang nasabi sa kanya..how sorry I am na mahal na mahal ko siya.. Huli na ang lahat para masabi ko yun.. Yun ang pinakamasakit para sa akin.. Katulad din siya ni Mama noon..iniwanan lang akong bigla ng di ko man lang siya nakakausap.. Napakadaya nilang magulang.. Ngayon paano na ako? Paano ako magsisimula? Anong gagawin ko? Boung buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng takot at paghihinayang.. Nang mahimasmasan ako lumapit ako sa kabaong ni Papa.. He's there..nakahimlay at parang natutulog lang pero bakas sa mukha niya ang bigat ng pinagdaanan niya.. Muli akong napaiyak at napayakap sa kabaong niya.. How i wish na buhay pa siya at yakap yakap ko pa ng magigpit habang sinasabi sa kanyang mahal na mahal ko siya kahit wala na siyang panahon sa akin.. Hinihimas lang ni Nay Martha ang likod ko.. "Tama na...anak..andito pa naman ako..si kuya manuel mo..di ka namin iiwan" Inayos ko ang sarili ko at nagpalinga linga sa paligid..hinahanap ko ang magaling na asawa ni Papa. Nang makita ni Yayang may hinahanap ako.. "huwag mo ng hanapin ang magaling na asawa ng Papa mo dahil bigla na lang siyang naglahong parang bola tatlong araw na ang nakakaraan" "Ano? bakit siya nawala? "Di ko alam Anak..mabuti pa si Atty.Corpuz nlang ang kausapin mo para sa detalye ng lahat ng nangyari sa Papa mo..basta anak tandaan mo ito..ano man ang mangyari nandito lang ako..hinding hindi kita iiwan.." Medyo naguguluhan ako sa mga binibitiwang salita ni Yaya..may laman ang bawat salita niya ..may hindi ba ako nalalaman? "Miss Mikaela Trinidad..Nakikiramay kami sa pagkawala ng Papa mo" "Salamat po Attorney" Kilala ko na si Atty.Corpuz kasi parati siya sa bahay kasama si Papa.. "Nakikiramay ako sa pagpanaw ng iyong ama iha.." Isang di kalayuan din sa edad ni Attorney Corpuz ang lumapit sa akin upang ipaabot ang kanyang pakikiramay.. "Thank you po Sir" Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanila ni Attorney Corpuz. .ng makuha nila ibig kong sabihin.. "Iha siya si Atty.Gregorio Delfin..siya ang nakabili at namamahala ngayon sa Kompanyang pag aari ng iyong Papa." "Ho! Di ko kayo maintindihan Atty..? Anong nakabili? Gulat na gulat ako sa sinabi ni Atty.Corpuz.. "Iha pwede ka ba naming makausap ng pribado? Tumingin ako kay Yaya dahil naguguluhan ako.. "Mas mabuti pang sumama ka na muna sa kanila anak para maintindihan mo rin ang detalye ng lahat lahat" Kahit naguguluhan ako..nagpatianod na lang ako. Sa isang Coffeshop kami humantong nina Atty.Corpuz at ang isa pang nagpakilalang si Atty.Delfin.. "Now attorney Tell me what's going on?linawin niyo sa akin ang lahat lahat" Umorder muna ng Kape ang nagpakilalang si Atty.Delfin.. 'Iha gusto ko lang huminahon ka bago ko ipaliwanag sayo ang lahat lahat..alam kong mahirap ito sayong paniwalaan at tanggapin pero please iha..kailangan ko ng iyong malawak na pang unawa..lalong lalo na sa Papa mo" "My God Attorney.. Sabihin nyo na sa akin ang lahat- lahat..paano ko uunawain kong di niyo naman sinasabi" Nauubusan na ako ng pasensiya dahil sa pagkainip.. Patingin tingin lang sa akin ang kasama ni Atty Delfin..at alam ko pinag aaralan niya ako.. "As I've said earlier siya si Attorney Greg Delfin..siya na ang bagong nagmamay ari ng TSL pati ng Mika's Restaurant" "Paano nangyari yun Atty? I dont believe you.. Hindi magagawa ni Papang ibenta ang Kompanyang halos dugo at buhay niya ang kanyang ibinuwis para lang mapalago. Shock is all over my system now! "Ako nga rin iha..di ako makapaniwala..pero nagawa nga niya iha" "Bakit Attorney ano ang dahilan? "Iha..im very sorry to tell you this..matagal ng lulong sa sugal ang Papa mo..halos linggo-linggo, natatalo siya ng ilang milyon..hanggang sa pati mga saving niya sa bangko nagalaw na rin niya..doon niya nakilala si Glenda Asistio..isang Hostess sa Casinong pinaglalaruan nila..siya lalo ang naghikayat sa Papa mo para tumaya ng milyones na halaga..hanggang sa nabaon sa napakalaking utang ang Papa mo dahil sa sunod sunod niyang pagkatalo sa isang Mr.Arellano" Napalunok ako ng sunod sunod ng dahil sa revelation ni Attorney.. "Iha..napabayaan ng papa mo ang mga negosyo niyo hanggang sa bumaba na ang stocks nito..walang ibang nagawa ang ibang shareholders kung di ibenta ang shares nila..at si Atty.Greg Delfin nga ang nakabili..And lately nga ang pinakahuli niyang nabili ay ang shares ng Papa mo sa Kompanya.." Hindi ako halos makapag salita sa revelation ng abugado ni Papa..nawalan akong bigla ng lakas..Paanong nangyaring naubos lahat ang kabuhayan namin.. "Iha..pati ang bahay niyo ipinbayad ng Papa mo kay Mr.Arellano.." "Whaaaat!" Yun ang parang bombang sumabog sa pandinig ko.. "Baon na baon sa utang ang Papa mo iha..hindi mo lang alam..dahil inilihim niya ang lahat sayo.." 'Hindi maari yun Attorney..Yun na lang ang natitirang ala ala ni Mama sa akin..doon ako lumaki at nagkamulat sa bahay namin..p..pp..pa..paan..nong nangyari ang lahat ng ito?" Garalgal na ang boses ko at tuluyan na akong napaiyak..anong klaseng pagsubok naman ito..sa isang iglap lang nawalan ako ng ama at pati kabuhayan namin wala narin at ang pinakamasakit sa lahat pati bahay namin mawawala narin.. Saan ako pupulutin nito? Mahirap pa ako sa Daga.. Paano na ako? "Yun pong perang pinagbentahan niya sa shares ng Kompanya dito kay Atty.Delfin nasaan ho? Kung naisave yun ni Atty.Corpuz. .gagamitin ko yun para mabili ko uli ang bahay namin..di ko hahayaang mawala yun sa akin.. "Ang iba ibinambayad ng Papa mo sa ibang utang niya..at ang kalahati tinangay ng asawa niya..si Grenda nga..Yun ang dahilan kaya inatake sa puso ang Papa mo iha..natuklasan niyang tangay ni Glenda ang lahat ng pera niya..at ang masakit sumama ito sa dating boyfriend nito at wala nang nakakaalam kong saan sila pumunta" Mas lalo akong nawalan ng lakas sa sumunod pang revelation ni Atty.Corpuz.. Kung ito'y isang panaginip sana magising na ako ngayon na.. "Im so sorry Iha..nagkataon na kaibigan ko ang isa sa mga share holders ng Kompanya ng papa mo..ibenenta niya sa akin ang shares niya hanggang pati nga sa Papa mo nabili ko narin" Nasa mukha ni Atty.Delfin ang simpatya at awa sa akin.. "Atty.. Ano na lang ho ang natitira sa mga properties namin?" "Yung dalawang sasakyan sa bahay lang" "Yung resthouse niyo sa batanggas nabenta na iyon ng iyong Papa..at pati yung Beach house niyo sa California" "Paanong nabenta yun Atty..eh kagagaling ko lang din dun at walang nabanggit ang Caretaker na di na pla sa amin yun? Sa totoo lang wala na ba talagang matitira sa akin? "Iha halos isang buwan karin doon..nung nakaraang linggo lang naibenta yun ng Papa mo.." "Kung ganon bakit walang pumunta doon para paalisin ako habang nag naka stay ako don Atty.? "Dahil hiniling ng Papa mo sa buyer na pauwiin ka muna bago sila pumunta doon" So thats it! Im officially a beggar now.. Wow! Life is so f*****g Unfair! "Iha pagkatapos ng libing ng Papa mo..mag uusap tayong muli..Im very sorry.. Please huwag ka sanang magalit o magtanim ng sama ng loob sa Papa mo" Sa totoo lang di ko alam kung ano ang pwede kong maramdaman para kay Papa.. Ang saklap ng iniwan niya sa akin.. Iniwan niya akong mahirap pa sa daga.. Gusto kong sumigaw ng malakas..sobrang sikip ng dibdib ko.. Bigla akong tumayo at nagmamadaling lumabas sa Coffee Shop.. Diko alintana ang pagtawag sa akin nina Atty.Corpuz at Atty.Delfin..lakad takbo ang ginawa ko..pakiramdam ko sasabog ako ng mga sandaling ito..nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha..hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong pumapasok na pala ako sa isang maliit na simbahan.. Naupo ako sa isang sulok at patalungko ako habang umiiyak.. Ang sikip sikip ng dibdib ko.. For the first time sa buhay ko...ngayon ko lang naranasan ang ganito katinding pagsubok..akala ko wala ng sasakit pa sa pagkamatay ni Mama noon kahit mura pa edad ko noon.. Pakiramdam ko nag iisa na ako sa mundo noon. Pero ngayon ramdam ramdam ko ang pag iisa..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD