Chapter 8

2840 Words
MIKA: Dalawang araw na ang nakakalipas ng ilibing si Papa.. Dalawang araw na rin akong nagmumukmok sa kwarto ko.. Ngayon ko ramdam na ramdam ang pag iisa. Ang hirap pala ng walang masasabing kadugo o kapamilya man lang.. Mabuti nlang nandyan parin sina yaya at kuya manuel..at sa totoo lang Di ko alam kung ano ang susunod na mangyayari sa amin sa bahay na ito.? Kinausap na ako ni Atty. Corpuz pagkatapos nung araw na ilibing si Papa.. Tinanong niya ako kung ano ang plano ko pagkatapos ng libing.. Wala akong naisagot..basta ang alam ko gagawin ko ang lahat para maibalik sa akin ang bahay na ito na pinaghirapang ipundar nina Mama at Papa.. Kinausap ko na sina Yaya at Kuya Manuel..at ipinaalam sa kanila ang plano ko..suportado naman nila ang lahat ng desisyon ko.. Ibebenta ko ang dalawang sasakyan na natitira sa amin may saving pa naman ako sa bangko.. Siguro naman kahit di umabot,konti lang sa presyo ng bahay namin. Pag nabalik na sa pangalan ko at pag aari ko ang mga papeles ng bahay saka na ako maghahanap ng trabaho.. Sunod-sunod na katok ang nagpabangon sa akin mula sa pagkakadapa sa kama ko..agad ko itong binuksan.. "Anak nandyan si Atty.Corpuz at may kasama siya..bumaba ka at gusto ka nilang makausap" Nila? Ibig sabihin di siya nag iisa..malakas ang kutob kong ang kasama ni attorney Corpuz ay ang bagong nagmamay ari ng bahay namin.. "Sige po susunod ako..magbibihis lang ako" Nagmamadi akong nagbihis..it's now or never! Kailangan ko ng harapin ang ano mang problemang naiwan sa aking mga balikat ng aking ama. Pakiramdam ko tumandang bigla ang pag iisip ko sa loob lamang ng maikling panahon.. Daming nagbago sa akin. Sabi nga ni Yaya..I'm totally different from Mikaela She used to know.. Tama ang kasabihang.. "You never know how strong you are..until being strong is the only choice you have" Kailangan kong maging malakas lalo na ngayong ulila na akong lubusan.. Parehong nag iisang anak sina Mama at Papa kaya wala akong masasabing malapit na kamag anak ko.. Sa totoo lang wala akong idea kung saan matatagpuan ang mga malalayo naming kamag.. Nang mapansin ako ni Atty.Corpuz at ang lalaking kasama niya..mabilis silang tumayo.. "Good Morning Mikaela" "Good Morning din Attorney" "Mikaela iha..this is Mr.Arellano..siya ang taong pinagbayaran ng papa mo ng bahay niyong ito" Awkward akong ngumiti sa lalaking kanina pa ako tinitingnan mula ulo hanggang paa..bigla tuloy akong naasiwa.. "It's great to meet you Miss Trinidad" Iniabot niya sa akin ang kamay niya..tinanggap ko naman ito bilang tanda ng pagiging isang mabuting tao kahit na pinipisil niya kamay ko..parang tumayo ang buhok ko sa batok..mabilis kong binawi ang kamay ko at ngumiti ng peke.. "Maupo kayo" Kahit sobrang asiwa na ako sa pagtitig niya sa akin pinilit ko paring maging normal sa harapan nila..may kailangan ako sa lalaking ito.. At kailangan kong makisama sa sitwasyon ngayon.. "Mr.Arellano siguro naman po nabanggit ni Atty.Corpuz sa inyo ang plano kung bawiin sa inyo ang bahay na ito? Medyo kinakabahan ako.. Tumango tango lang ito.. "Yes He did " "Mr.Arellano..i really want this house back..heto na lang kasi ang natitirang ala-ala ko sa mga magulang ko" "I know..but the thing is.." Biglang tumunog ang Cellphone nitong hawak hawak niya..kanina ko pa napapansin nasa cellphone parati ang Concentration ng Mr.Arellano na ito.. "Please Mr.Arellano sana mapagbigyan nyo ang hiling ko..nakahanda naman po akong ibigay sa inyo ang perang katumbas ng halaga ng bahay na ito.." I'm crossing my fingers..dahil pag pumayag siya alam kong wala pa akong sapat na halagang maibibigay sa kanya katumbas ng halaga ng bahay namin.. Sana pumayag siyang installment kong babayaran at ibalik sa kanya ang pera niya Kung kinakailangan magmakaawa ako sa kanya gagawin ko..maibalik lang sa akin ang bahay namin..maraming magagandang alaala sa akin ang bahay na ito kasama si Mama at Papa. "Mikaela Iha kaya nga pumunta dito si Mr.Arellano para ipaalam sayo na di na sa kanya ang bahay na ito" Sumabad si Atty.Corpuz.. "Po! But why? Akala ko po...pa...paano pong nangyari yun? Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanila..bigla akong nalito.. "Miss Trinidad..originally ang bahay na ito ang ginawang pambayad ni Mr.Rodolfo Trinidad ang iyong Papa sa malaking halagang nautang niya sa akin ng dahil sa sugal..pero sad to say, natalo din ako sa sugal last week..hanggang sa pati ito naitaya ko narin sa pag asang muli akong makabawi sa lahat ng natalo sa akin..but unfortunately..pati ito natalo din" Di ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Mr.Arellano.. That's horrendous! "Si..sino po ang ba..bagong may-ari nito Mr.Arellano" Nanlulumo kong tanong.parang wla na yatang pag asang mabawi ko pa ang bahay namin. "I'm sorry Miss Trinidad pero natalo ako ni Mr.Lorenzo last week..pati itong bahay nadamay ng maipusta ko sa laro namin" Parang nag echo sa pandinig ko ang sinabi niyang Mr.Lorenzo.. It cant be.. Seriously? The god must be Kidding.. "Mr.Lorenzo ..who?" "Michael John Lorenzo..of Lorenzo Empire" Now im totally convinced..God must be kidding with me.. All of People bakit si Michael Lorenzo pa? Ang lalaking hanggang ngayon alam kong nagluluksa parin sa pagkamatay ng future wife nito ng dahil sa aksidenteng nangyari sa amin..3 months ago.. "Miss Trinidad..I suggested Atty.Corpuz to arrange a meeting with Mr.Lorenzo..Im sure papayag yun sa nais mong mangyari..aanhin niya itong bahay..He has plenty of Mansion anywhere" Di na ako nakaimik.. Nawala na ako sa Concentration ko matagal akong nawalan ng imik.. Na mental blocked out ako sa lahat ng mga narinig ko.. "Iha..We have to go.." Tango lang naisagot ko.. "Dont worry Iha..ako bahalang makipag usap sa bagong may ari ng bahay niyo.." "Thank you Attorney Corpuz" May konting liwanag ng pag asa aking naaninag sa mga sinabi ni Attorney sa akin.. "Thank You for you Time Miss Trinidad.." "Your We..wel..come Mr.Arellano" "Sige Iha..tatawagan kita for further information regarding this Matter" "Ok" Habang sinusundan ko silang papalabas sa pintuan nanlulumo akong napaupo sa sofa.. Lalong lumalabo ang chance na mabawi ko pa ang bahay na ito.. Inilibot ko ang mga mata ko sa marangyang living room namin.. Di ko namalayang nag uunahan na palang tumutulo ang mga luha ko.. Pakiramdam ko naipon ang luha ko ng ilang taon at ngayon lang ito lumabas.. ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️ MJ: "Sir Attorney Corpuz is here already..I'll let him in? "Yes Cathy Send him in" Kanina ko pa hinihintay ang dating ng Attorney ng mga Trinidad.. Alam ko na ang sadya nito..Arellano informed me already sa balak nila.. Bumukas ang pinto at isang seryosong lalaki ang iniluwa nito.. Una kong nakita ang abugadong ito nung araw na maaksidente si Clarisse at anak ni Mr.Trinidad sa Makati Police District Office.. "Good Morning Mr.Lorenzo" Iniabot niya sa akin ang kanang kamay niya..pero sa halip na tanggapin ko ito..tiningnan ko lang siya ng malamig at itinuro ang Sofa para maupo. "Have a seat Attorney" Nag aalangan siyang umupo sa sofang nasa harapan ng table ko.. "So what's brought you here Attorney? "Di na ako magpaligoy-ligoy pa Mr.Lorenzo..di naman lingid sa kaalaman niyo na ang bahay na napanalunan niyo kay Mr.Arellano sa Casino ay pag aari ng aking kliyenteng si Rodolfo Trinidad right? "So True Attorney..and then?" "Kung papayag kayo..nais sana ng anak ni Mr.Trinidad na isauli nlang ang perang katumbas ng halaga ng bahay sa inyo maibalik lang sa kanya ito..ito na lamang kasi ang natitirang ala-ala sa kanya ng mga namayapa niyang magulang" Matagal bago ko siya sinagot..isinandal ko muna ulo ko sa swivelchair ko..at kunwari nag iisip.. "The Answer is NO" Gulat ang rumihistro sa mukha ng medyo may edad ng attorney.. "Why? Nakahanda naman ang kliyente kong ibigay ang halaga ng bahay sa inyo Mr.Lorenzo" "Attorney..Let me remaind you.. Isa akong businessman..at may mga plano na ako sa nasabing bahay..pag nadevelop ko at narenovate..tripleng halaga ang kikitain ko dun" "But Mr.Lorenzo please Give us your small Consideration..Napakahalaga ng bahay na iyon sa anak ni Mr.Trinidad.." "My Answer is Final Atty.Corpuz.." Then I gave him my coldest glare ever.. "Tell me Mr.Lorenzo..anong pwede naming gawin para pumayag kyo sa hiling ng kliyente ko? There you are Attorney! The magic Question that I been waiting for.. Instead na sagutin ko siya..nagpalakad lakad ako sa harapan niya habang himas-hamas ang baba ko..nagkukunwari akong nag iisip..but the truth is ..nakaplano na ang lahat. "Bakit di si Miss Trinidad ang pumunta dito at makipag usap sa akin? Baka makagawa siya ng paraan para mapapayag niya ako sa gusto nya?.." Nakita kong medyo nagulat ang ekspresyon niya..tumingin siya sa akin at parang sinusukat ang katotohanan sa sinabi ko.. "Ok..Mr.Lorenzo..ill tell her to set an appointment with you to discuss the matter" Tumayo na ito at iniabot ang kamay sa akin..this time nakipagkamay na ako sa kanya.. "Thank you for your time Mr.Lorenzo.." Tumango lang ako at ngumiti sa kanya..sinundan ko siya ng tingin habang papalabas sa pintuan.. Everything is Fall into places according to my plan.. Mabilis kong pinindot ang intercom.. "Yes Sir" "Cathy Kapag humingi ng appointment si Miss Mikaela Trinidad sabihin mo Fully loaded ang schedule ko within 3 weeks".. "Yes Sir".. Yun lang at pinindot ko na end button.. Tingnan ko lang hanggang saan ang kaya ng resources ni Mikaela Trinidad.. Sinalbotahe ko na ang pagbebenta niya ng dalawang sasakyan. Titingnan ko kong hanggang saan ang kaya ng isang spoiled brat na katulad niya.. Its time para maranasan naman niya ang miserableng buhay na naranasan ko sa pagkawala ni Clarisse.. Tatlong buwan na pala ang nakakalipas..pero hanggang ngayon sa tuwing natutulog ako napapanaginipan ko parin ang kalunos-lunos na sinapit ni Clarisse.. Naliligo sa sarili niyang dugo habang wala ng buhay kasama ng magiging anak sana namin.. Dahan-dahan kong binuksan ang drawer ng table ko at kinuha ang photo Frame ni Clarisse.. Kuha ko ito sa kanya habang nasa Italy kami.. Buhay na buhay siya sa larawan.. Clarisse is one of the greatest woman i've ever had.. Her Love is one of a kind.... Lahat ng maliligayang araw sa buhay ko na nakikita ko sa hinaharap na kasama siya ay naglahong parang bola ng dahil sa isang walang kwentang babaeng walang ginawa sa buhay kong di laman ng party gabi-gabi.. Nagulat ako mula sa malalim na pag iisip ng tumunog ang intercom.. "Sir..Your appointment with Mr.Chua will be in five minutes regarding to the Island your been buying for him" "Ok Cathy" Napabuntong hininga ako..di ko alam kung ano pa ang nagtulak sa akin para bilhin ang nasabing isla..samantalang wala na si Clarisse.. That island will be name after her . . Gift ko sa kanya sa kasal namin.. ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️ MIKA: Bumuntong hininga ako ng malalim bago binuksan ang pintuan ng sasakyan..para bang sa ganong paraan mawawala ang kabang kanina pa namamahay sa dibdib ko.. "Sige na kuya Manuel..salamat sa paghahatid niyo sa akin..tatawagan ko na lang kayo pag pauwi na ako" "Good luck Mikaela" "Thank You po" Tumango lang si Kuya Manuel. Lumabas na ako at tumingala sa napakataas na building kung saan makikita ang opisina ni Michael John Lorenzo.. Parang napakabigat ng mga hakbang ko habang naglalakad palapit sa revolving door papasok.. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko.. Halos isang buwan ko ring hinintay ang appointment na ito.. Ang daming alibi ng secretary nito.. At sa loob ng isang buwan na iyon unti unti ko ng nababawasan ang savings ko.. Minsan gusto ko ng sumuko at hayaan na lang ang bahay..at maghahanap na lang ako ng maliit na apartment na marerentahan para sa aming dalawa ni Yaya Martha.. Pero pag naiisip ko ang bahay namin kong saan ako nagkamulat at lumaki..lumalakas ang loob ko.. Di naman siguro masama ang sumubok.. Tatlong linggo na akong naghahanap ng trabaho. Pagkatapos ng Interview ko..ang sasabihin lang hintayin ko nalang daw ang tawag nila pero sa kasamaang palad sa lahat ng interview ko ni isa wala pang tumatawag sa akin..nagtataka na nga rin ako..Qualified naman ako at galing pa sa Kilalang Pribadong Unibersidad.. Dumiretso ako sa front desk... "Yes Maam may i help you?" Nakangiting salubong sa akin ng receptionist.. "Uhmmm..Hi..I'm here for my appointment to Mr.Michael John Lorenzo" Nakangiti kong sagot. "Just a Minute maam,what is your name?" "Mikaela Trinidad" Nagmamadali itong nag dial sa teleponong nasa Harapan niya.. Naasiwa ako dahil nakatingin sa akin ang mga kasamahan nitong receptionist..pati yata mga taong nandito sa lobby ng building nakatingin din sa akin.. Something wrong on my face or what... "Maam your appointment will be in 5 minutes from now..Sir MJ is waiting for you already..His Office is on 44rth Floor..Well his secretaries and assiatants will guide you to his office Maam.." Ngumiti ito ng matamis sa akin at itinuro sa ang Elevetor" Tumango lang ako at ngumiti..aware parin akong sinusundan nila ako ng tingin.. Pagsakay ko ng Elevetor..mas lalo akong naasiwa..lahat ng mata nakatutok sa akin..What's wrong with this people? Mabilis kong pinindot ang 44rth floor.. Pilit ko na lang binalewala ang mga tinging ipinupukol sa akin ng mga nakasabay ko sa elevetor..lalo na ng pindutin ko ang forty-forth floor... Habang mabilis na papaakyat ang elevetor ganun din kabilis ang kaba sa dibdib ko...parang gusto ko ng bumalik pababa..I hold my breath and close my eyes.. Unti unti ng nawawala ang mga taong nakasakay sa elevetor hanggang sa ako nlang ang natira..So this is it! Pagtunog ng elevetor tanda ng nasa ika 44 floor na ako..parang di ko magawang ihakbang ang mga paa ko palabas.. Gusto ko ng pindutin uli ang letter G..at bumalik Na lang ako sa Ground Floor..uuwi na lang ako at mag iimpake Maghahanap na lang siguro ako ng maliit na apartment para sa amin ni Yaya.. Pero sa isang bahagi ng isipan ko..may paraan pa naman at hindi masama ang sumubok..mabilis akong lumabas sa elevetor at bumulaga sa akin ang isang napaka eleganteng office place..anim ang Cubicle na nandon at Kumpleto lahat ng tao.. Lumapit sa akin ang isang matangkad at morenang babae.. "Hi..You must be Mikaela Trinidad? Alanganin akong ngumiti..Honestly gusto kong batukan ang sarili ko..nasaan na ba napunta ang santambak kong Self Confidence.. "Yeah..Hi" "Iam Catherine..Chairman MJ's Executive Secretary" "Ni..nice to meet you" "Sit down Miss Mikaela..inform ko lang si Sir na nandito kana" Umupo ako sa sofang nasa harapan ng Mesa nito.. "Ahhh..Miss Catherine..wa..wait" Gusto kong pigilan siya sa pagpindot sa intecom..I can't do this. But its too late.. "Sir, Mikaela Trinidad is already here.." I Close my eyes and Hold my breath pagkatapos humugot ako ng napakalalim na hininga.. There's no point of turning back.. Nandito na ako. Pagbukas ko ng mga mata ko nakita kong nakatayo sa harapan ko ang sekretarya..nakangiti siya.. "Miss Trinidad shall we? "Su..sure" Tumayo ako at sumunod sa kanya.. Pakiramdam ko para akong pupunta sa nakatakdang bitay ko..ano kaya kong umatras na lang ako? Bigla akong huminto sa pag lalakad.. "Maam whats wrong? "Im sorry but I think i can't do this" "Maam we're here" Itinuro niya sa akin ang pintuang nasa harapan namin.. OFFICE of The CHAIRMAN.. At huli na ang lahat para umatras.. She already Knocked the Door.. Bigla itong bumukas.. "Miss Trinudad pasok ka na" Alanganin akong nakangiti sa kanya.. "Thank you" "Your welcome..dont worry mabait si Sir..and by the way..mas maganda ka pla sa personal Miss Mikaela Trinidad.." Ngumiti ako sa kanya at dahan dahan ko ng inihakbang ang mga paa ko papasok..Nagulat pa ako ng biglang magsara ang pintuan sa likod ko..Automatic pala ito.. Inilibot ko ang paningin ko sa Loob ng opisina.. Pero wala akong makitang tao.. This place is Perfection.. Ang laki ng office space.. Nakatayo lang ako..inilibot ko mga mata ko..hinahanap ko Si Mr.Lorenzo.. Nagulat ako ng bumukas ang pintuang nasa kanang bahagi ko.. Muntik ng malaglag ang panga ko dahil sa nakita ko.. I cant believe na ganito pla kagandang lalaki ang isang Michael John Lorenzo... Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.. "So.... Finally nagkita na rin tayo Miss Mikaela Trinidad" Umupo ito sa Swivel chair nito at niluwagan ang necktie nito.. "Good day Mr.Lorenzo" Hindi ito sumagot..sa halip tiningnan lang ako mula ulo hanggang paa.. "Uhmm..I came here..to." "My answer is NO" Pinutol niya ang panimula kong salita.. "What do you mean?" "Alam ko na ang sadya mo..so that's my Answer" "Ok...so whats the reason at pumayag pa kayo sa meeting na ito Mr.Lorenzo kung di naman pala kayo papayag?" Uminit ang ulo ko.. Tutal di naman pla papayag..bakit ko pa gagandahan pakikitungo ko sa kanya? "Hmnm..You insist this f*****g appointment Miss Trinidad..despite of my busy schedule..isiningit ko parin" Mariin niyang sabi sa akin.. "Yeah i insist...pero alam mo naman pala ang sadya ko for the first place then bakit ka pa pumayag?" Wala na akong pakialam.. Kusang lumalabas ang natural na ugali.. Nakakapag init ng ulo.. Di ko naman mababawi pa bahay namin hindi ko na kailangang magpanggap na mabait.. Mabilis akong tumalikod at balak ko ng lumabas ng tumawa ito ng malakas kaya bigla akong napahinto.. His laughter sound so sexy..shit! Napamura ako..saang bahagi ng utak ko nanggaling ang ganong idea?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD