MIKA
Ipinilig ko ang ulo ko at inihakbang mga paa ko palabas..
"You really want your house back Miss Trinidad?"
Napatigil ako sa paghakbang at dahan-dahan lumingon..nagulat pa ako dahil nasa likod ko na pla siya..nakatayo habang nakahalukipkip..
"Yeah..di ba yan ang sadya ko kaya ako nag insist ng appointment sa inyo Mr.Lorenzo?"
I cant believe na lumalabas at lumalabas parin ang nature ko..
The old Mikaela is Back again..
Gusto kong sipain ang sarili ko..Kelangan kong magpakumbaba dahil may kailangan ako sa kanya at ang lalaking nasa harapan ko ngayon..sa isang kumpas lang ng mga kamay pwede akong ipakulong..
Bigla akong nanlamig sa isipang iyon..bakit di ko naisip agad na nagkaroon ako ng malaking artraso sa taong kaharap ko ngayon..biglang nanuyo ang lalamunan ko..
"You can have your house back Miss Trinidad without spending even cent on it"
"Really? But how?"
"In one condition"
Bigla akong kinabahan..alam kong tuso ang lalaking ito..nag research na ako sa background
nito bago ako pumunta dito..
"Wha...what is your..condition?"
"Be my Mistress and carry my child"
Kung kanina..pinipigilan kong malaglag ang panga ko ng makita ko siya..ngayon tuluyan ng nalaglag..
This is the most ridiculous condition I've ever heard..
"Do i have any choice to turn down your offer and condition Mr.Lorenzo?"
I manage my self not to show him any sign of my weakness..parang lumilinaw na sa akin ang lahat..
That everything's Happened is According to his plan..
"NO and YES..
Itinaas ko ang kilay ko sa kanya..
"No ...You dont have any right to turn down my offer..alam kong alam mo yan"
And Yes..may dalawa kang choices..its up to you..Papayag ka sa offer ko or bubuksan ko uli ang kaso ng aksidenteng nangyari sa inyo ng fiancee ko at alam mo rin na kayang kaya kitang ipakulong Miss Trinidad"
Ngumisi ito at bumalik sa pagkakaupo sa Swilverchair nito..
Biglang nanlambot ang mga tuhod ko..
Alam kong kaya niyang gawin ang lahat ng sinabi niya.. Sa tulad niyang maipluwensyang tao walang imposible sa lahat ng nanaisin nitong mangyari ..
dahan dahan akong napaupo sa sofa..Nakipag sukatan ako sa kanya ng tingin..
Sa totoo lang gusto ko ng umiyak
I cant believe this..sobrang sikip na ng dibdib ko..
But I try my very best to compose my self..ayaw kong bigyan siya ng satisfaction...
"If i can give you the child you..want..bayad na ba ako sa pagkakautang ko sayo?"
Di ko alam kong saan at paano ko nakayang bitiwan ang mga salitang lumalabas ngayon sa bibig ko..
"Sa klase ng tanong mo Miss Trinidad..alam kong papayag ka sa offer ko at sa condition ko"
Nakita kong may nakakalokong ngisi sa labi nito..
"Did Somebody told you Mr.Lorenzo..that you're one big asshole?"
Hindi ko siya hahayang magbunyi...
Nakita kong unti-unting naglaho ang nakakalokong ngisi sa sulok ng mga labi nito..nagsalubong bigla ang mga kilay nito habang nakatingin sa akin ng masama..
"No..Miss Trinidad..and you are the first person who told me that"
"Ohh! Did i need to celebrate? Because im the first one to hit your ego Mr.Lorenzo?"
Tumayo ako dahil balak ko ng umalis..baka pag nagtagal pa ako..bigla akong mapatay ng lalaking ito..sa halip na mabawasan ang atraso ko sa kanya mas lalo lang madagdagan..
"Where are you going Miss Trinidad? Nakaarkong kilay na tanong nito..
I cant believe it this Man in front of me, look so adorable ang cute kahit anong emosyon ang nasa mukha nito..
"I have to go..Mr.Lorenzo..About sa offer mo pag iisipan ko pa.."
Dirediretso ako sa pintuan at hindi ko na siya hinayaang makahirit pa..
But unfortunately..di ko mabuksan ang pintuan..
"Not so fast Mikaela Trinidad...I want your answer..right now"
Nakatayo na pla ito ilang inches lang sa likod ko..biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok..
Nagmamadali akong umiwas at bumalik sa Sofa..
"Then answer my Question Mr.Lorenzo..pag nabigay ko ba ang anak na gusto mo..bayad na ako sa lahat ng klase ng utang na meron ako sayo?"
Di ko alam na ganito pala makipag deal Sa demonyo..
"Yes"
"Then prepare the contract...We will going to sign it together"
Matagal niya akong tiningnan..sinusukat niya kung gaano katotoo ang mga sinasabi ko..
Sa tulad kong wala ng malalapitan
Kailangan kong maging praktikal..
"Sure Miss Trinidad"
"Can I go now?"
Muli akong tumayo sa pagkakaupo..kailangan ko na talagang umalis..any moment alam kong magbbreakdown na ako.
Di ako makapaniwalang ganito ang kababagsakan ng pakikipagkita ko sa lalaking ito..
Sa halip na sumagot..pinindot nito ang intercom..
"Cathy..Sabihin mo kay Castro at Perez ihatid pauwi si Miss Trinidad..She's about to leave"
"No..You dont need to send me back home.Mr.Lorenzo i have my own driver"
"Then call your poor driver and tell him go home..from now on Castro and Perez will be your driver and Escort"
Di ako makapaniwalang sinisimulan na niyang manipulahin ang buhay ko..sa ilang sandali pa lang naming pagkikita..
This is all set up..
He plan all of this
Fuck him!
Everythings make sense now.
"And by the way Miss Trinidad..Dont ever dare to change your decision..alam mo ang mga kaya kong gawin sayo at sa mga taong malapit sayo..I can destroy them..in one snap of my fingers.."
I hold my breath..
"Dont worry Mr.Lorenzo may isang salita ako"
"Good..expect my call then"
Biglang bumukas ang pinto at walang lingon akong nagmamadaling lumabas..Feeling ko di ako makahinga sa bigat ng nasa dibdib ko..
Sinalubong ako ng Sekretarya nito..nakaabang na pla ito sa Pintuan..
"Miss Trinidad this way please"
Iginiya niya ako sa isang elevetor..
Ang alam ko hindi ito ang elevetor na sinakyan ko papuntang taas kanina..
"This is Sir MJ's Private lift.."
Wala sa sariling tumango na lang ako at nagpatianod..alam kong pinakiramdaman ako ng sekretarya niya..
I held my tears..ayaw kong makita niya akong umiiyak..panay lang buntong hininga ko.
"Miss Mikaela are you OK?"
Matalas talaga pakiramdam nito..
"Yeah..im fine.."
Ngumiti ito pero na sa mukha nito ang pagdududa..sa sagot ko..
Ang tagal naman naming dumating sa ground floor..kailangan kong ilabas ang nasa dibdib ko..parang di ako makahinga..
I cant believe na may kakayahan pala akong magtago ng emosyon ko ng ganun katagal sa harap ng mga taong ito..
Biglang bumukas ang elevetor at nasa Basement parking na pla kami..
Sinalubong kami ng dalawang lalaking naka uniform ng pang body Guard..
"Castro,Perez take care of Miss Trinidad..send her home safe ok"
"Yes Miss Cathy"
Binuksan ng may hawak na baril ang isang pintuan ng bagong bagong SUV sa harap ko..
"Maam please hop in"
Wala sa sariling sumakay ako..
Pagkaupo na pagkaupo ko sa sasakyan nag uunahan ng tumulo ang mga luha ko..
Nagmamadali kong isinuot ang Sunglass ko at tinakpan ang bibig ko ng mga palad ko..
I cant help it..but to sob..kahit anung gawin kong pagpipigil na di umiyak..bigo ako..
Wala na akong pakialam kung masaksihan ng dalawang ito ang pag iyak ko..gusto kong ilabas ang sama ng loob ko..para lumuwang ang pakiramdam ko..
Kung isa itong panaginip sana magising na ako..
Minsan pala may mga bagay na nangyayari sa buhay natin na wala tayong mapagpipilian..
"Maam Ok lang kayo"
Biglang bumagal ang takbo ng sasakyan..papalabas na kami sa building ng Lorenzo Impire..
"Yeah..im...fine"
Nagkatinginan ang dalawa at iniabot sa akin ang box ng tissue..
Bigla kong naaalala si Kuya Manuel..
Mabilis kong kinuha ang Cellphone ko sa purse ko at nagmamadali ko siyang tinawagan..
"Hello Kuya Manuel..huwag niyo na po akong sunduin..pauwi na po ako"
"Nagtaxi ka Mikaela?"
"Hindi po..may naghatid po sa akin..sige kuya manuel"
"Mika..may nangyari ba?"
"Wala po kuya Manuel.."
Pinutol ko na ang tawag..
Ganun na ba ako kakilala nina Kuya Manuel..?
Ipinasya kong ipikit ang mga mata ko...
Until now i cant believe na pumayag ako sa ganung klaseng kabaliwan..
Napakabilis ng mga pangyayari..
Ngayon ko lubos na naiintindihan kong bakit di naghabol at nagdemanda si Michael Lorenzo dahil may iba pala siyang balak gawin para mapagbayad ako..
❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
MJ
Kanina pa nakaalis si Mikaela Trinidad..
Nasorpresa ako kanina sa mga sagot niya..
Mas matindi pa palang sumagot ang babaeng iyon pag hindi lasing..
Di ko expected ang nangyari kanina..
Ang akala ko isang Mikaela Trinidad ang magmamakaawa sa akin.
Pero sa halip isang matapang at aroganteng Mikaela Trinidad ang nakaharap ko..
Di ko mabasa ang nasa isipan nito..
I can't believe it..walang kahirap hirap siyang pumayag sa Deal na gusto ko...
Akala ko ang isang Mikaela Trinidad...
Isang walang kwentang babae at puro pasarap sa buhay ang alam..
Nasorpresa ako sa talas ng isip nito..
Wala pang kahit na sinong babae ang nagkalakas loob na sagutin ako ng painsulto at ipagmukha sa akin ang pagiging isang Asshole..
Matalas talaga ang dila ng babaeng iyon..
Malayong malayo siya sa character ni Clarisse...
Clarisse used to be soft spoken woman..
At ni minsan hindi niya ako sinagot sagot ng painsulto..but that woman..parang napakadali lang sa kanya ang sumagot ng nakakabuwisit na salita..
Isinandal ko ang ulo ko sa swivelchair
And closed my eyes..mukha ni Mikaela Trinidad ang naglalaro sa isipan ko
Those deep set of eyes na akala mo parating nakahandang umiyak ano mang sandali..
Her small heart lips..na di mo akalaing kayang magbitiw ng salitang nakakapagpataas ng dugo ko..
Idinilat ko ang mga mata ko at iniuntog ko ang ng paulit ulit sa kinasasandalan ko ang ulo ko..para akong naingkanto..at kailangan kong bumalik sa kasalukuyan..
Remember Michael John...
Ang goal mo ay gantihan at pagdusahin ang babaeng iyon..
Siya ang dahilan kaya namatay ang pinakamamahal mong girlfriend at magiging anak mo..
Lihim akong napamura..
Medyo nagulat pa ako ng tumunog ang cellphone ko sa harapan ko..
Si Hanz ang tumatawag..
"Hello"
"Lorenzo pwede ba tayong magkita at mag usap?"
"Hanz Im so busy right now..ano man ang kailangan mo sabihin muna"
Alam kong galit at seryoso ito base sa klase ng pagtawag niya sa akin..
"Ilang Milyon ang halaga ng bahay nina Mikaela Trinidad.Name it and i will give it to you?"
Di na ako nagulat sa tanong ni Hanz.
Knowing him...isa siya sa napaka prangkang tao pag galit..
Sa halip na sagutin ko siya tumawa lang ako ng napakalakas..
Na mas lalo niyang ikinagalit..
"Im warning you..John..ano man ang plano mo kay Mikaela..huwag mo ng ituloy..ako ang makakabangga mo kahit na matalik pa tayong magkaibigan"
Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya..
"Let me remind you Hanzel..that woman killed my Fiancee and my future child"
"It was an accident! Now i get it..kaya pala isinarado mo ang kaso at hindi ka nagdemanda dahil may iba ka palang plano"
"Alamo Hanz..dyan ako bilib sayo..matalas talaga ang isipan mo..at tama ka..sisingilin ko siya sa ginawa niyang pagpatay kay Clarisse at Sa magiging anak sana namin sa sarili kong pamamaraan..and you cant do nothing about it"
"John alam mong gusto-gusto ko siya at nakahanda akong pakasalan siya saan mang simbahan!"
"I know..ang tanong kong papayag ba siyang pakasalan ka?"
Sandali itong di nakaimik.
Kilala ko si Hanz...at alam kong gumawa siya ng paraan para malaman ang lahat lahat ng mga bagay na nangyayari kay Mikaela Trinidad..
"Pupunta ako dyan sa office mo at huwag na huwag kang magkakamaling hindi ako harapin"
Bigla itong nawala sa linya..
Shit!
Kailangan ko ng kumilos ng mabilisan..baka masira ang mga plano ko ng dahil sa kanya..
Pinindot ko ang Intercom..
"Cathy..papunta dito si Hanz sa office..huwag na huwag mong papapasukin..pupunta ako sa Penthouse ko"
"Yes sir"
Iiwasan ko na muna siya..hindi ako natatakot sa kanya
Ayaw ko lang na mauwi sa di maganda ang ilang taon naming pagkakaibigan ng dahil sa kabaliwan niya kay Mikaela Trinidad..
Ano bang meron sa babaeng yun at halos magpakamatay na siya?
Her Angelic Face?
Her soft and pale skin?
Or Her long and Killer legs?
When you spell,Perfection that is Mikaela Trinidad in terms of Physical Appearance pero lahat ng iyon kabaliktaran ng pagkatao meron siya..sa likod pala ng mala anghel na mukha niya nakatago ang isang matapang at palabang babae...
You can't intimidate her.
Base on what happened while ago...alam kong nagkamali ako ng akala sa kanya...
Naalala ko si Mama sa kanya...
Alam kong sasabog na siya sa galit kanina pero nagawa niyang kontrolin ang ano mang emosyon meron siya..
Marami na akong nakilala at naging fling na babae pero di ko pa nakikita sa mga iyon ang character ni Mikaela Trinidad..
Mabilis kong hinanap sa Contacts ng iPhone ko ang number ni Mikaela Trinidad..
Nakailang ring ito bago may sumagot..
"Hello"
Her voice is somehow cracked..
"Its Me Miss Trinidad"
"Yes..what do you want?"
" I cant believe na agad agad ka ng tumawag ng Rescuer mo pagkagaling mo dito?"
"What do you mean by that?"
"Uh! Playing innocent huh? My friend Hanzel just called me..and trying to create a scene"
"A scene what? Could you tell me what's happening Mr.Lorenzo?"
"Your Knight in Shinning armour asking me how much the amount of money he can give..so you can have your house back? Did you asked him for help?"
Matagal bago ito sumagot..alam ko naman na di niya ginawa yun.may sariling pamamaraan si Hanz..
"I have a deal with you Mr.Lorenzo...dont be afraid...ikaw narin mismo ang nagsabing walang imposible sayo kung gugustuhin mo..kahit pa humingi ako ng tulong kay Hanz Mercado alam kong di ka rin papayag..so next time ask me an smart question instead of this stupid one you asked me a while ago"
At bigla na lang itong nawala sa linya..
That woman really get into my nerves...
Ibinato ko sa sofa ang Cellphone ko at niluwagan ko ang necktie ko...
Bukas na bukas din pupuntahan ko siya..sa bahay niya . . .at humanda siya sa akin..
Pipilipitin ko ang leeg niya..
She'll gonna pay all the insults, she told me..
❤️❤️❤️
MIKA:
All night long..di ako nakatulog..
Im still convincing my self..Is this really happening?
"Anak salamat naman at lumabas ka na sa kwarto mo..simula ng dumating ka kahapon mula sa lakad mo nagkulong ka na sa kwarto mo..alam kong may di magandang nangyari sa lakad mo"
Nasa Likod ko na pala siya..tahimik akong nagkakape sa garden dahil di na ako nakatulog
"Nay Martha di ko alam kong ano ang gagawin ko.." Napayakap ako sa kay Yaya pakiramdam ko hindi na gagaan ang bigat ng nasa dibdib ko..umiyak ako ng tahimik sa balikat niya..
"Shhhh..sabihin mo sa akin anak..anong nangyayari"
"Nay martha kailangan ba talaga akong parusahan ng ganito?"
"Anak minsan kailangan nating dumaan sa mabibigat na pagsubok para masukat natin kong hanggang saan ang kaya natin at gaano tayo kalakas bilang isang tao..Alam kong lahat ng nangyayari ngayon sa buhay mo may dahilan"
Unti-unting lumuwang ang pagkakayakap niya sa akin at pinahid niya mga luha ko..
"Anak ngayon magsabi ka sa akin..ano ang nangyari sa lakad mo kahapon? Mawawala na ba sa atin ng tuluyan ang bahay na ito ?"
Umiling ako..
"Mananatili ito sa atin Nay pero may kapalit"
"Alam ko..malaking halaga diba?"
"Hindi po"
"Anong kapalit?"
"Nay natatandaan mo ba yung sikat na babaeng namatay sa aksideteng kinasangkutan ko?"
"Abay Oo anak bakit?"
"Ang lalaking nakatakdang magpakasal sana sa babaeng yun ang bagong may ari ng bahay na ito"
"Pa...paanong nangyari yun?"
Alam ko kahit si Yaya di makapaniwala..
"Di ko nga rin alam Nay..nalilito ako..pero isa lang nasa isipan ko..lahat ng ito plano ng lalaking yun"
"Hindi siya pumayag?"
"Hindi po Nay..at...at ibabalik niya sa pangalan ko ang bahay na..na ito sa isang kondisyon.."
"Anong kondisyon anak"
"Bibigyan ko...siya ng...ng a...anak"
Mahina kong usal..halos di lumabas sa bibig ko ang mga salitang nais kong sabihin kay Yaya..
"Anooo?"
"Nay..wa..wala akong mapagpipilian..ginigipit niya ako...sa..sabi niya bubuksan niya uli ang kaso ng aksidente na ikinamatay ng fiancee niya at ipapakulong niya ako pag...pag di ako pumayag...sisirahin niya mga taong malapit sa akin"
Napaiyak na naman ako..diko mapigilan ang emosyon ko..
"At pumayag ka anak?"
Tumango lang ako habang mabilis na pinapahid ang mga luhang nag lalandas sa mga pisngi..
"Nay..natatakot akong makulong"
Di nakapagsalita si Yaya..
She just hug me..and comfort me..alam kong masakit din sa kanya ang mga nangyayari sa akin..
Nasa Ganon kaming posisyon ng lumapit si Kuya Manuel..
"Mikaela nasa labas ng Gate si Hanzel Mercado nagpipilit na pumasok..papapasukin ba natin"
"Huwag kuya Manuel..hayaan mo siya..ayaw ko ng makaharap pa ang lalaking yan...dagdag problema ko pa siya"
Tumango lang si Kuya Manuel at bumalik sa Gate..
Alam kong malaki ang maitutulong ni Hanz pero alam ko rin kung ano ang kakayahan ni Lorenzo..
Bago ako pumunta sa opisina niya kahapon gumawa muna ako ng research
sa Backround niya..
He is Michael John Lorenzo ang nag iisang nagmana ng lahat ng ari-arian ng Billionaire Business Tycoon na si John Howard Lorenzo..
Di ko na kayang e-elaborate ang lahat ng business na sakop ng Lorenzo Impire..
John Lorenzo,his Father was Spanish-American and His Mother was Pure Pilipina..
Maimpluwensiyang tao si Michael John Lorenzo..
Alam kong lahat ng bagay magagawa niya kung gugustuhin niya at kahit pa may kaya din ang pamilya nina Hanz..di parin mangangalahati sa ano mang yaman meron ang isang Michael John Lorenzo..
Kung tutuusin barya barya lang sa kanya ang halaga ng bahay namin..
Biglang nagring ang Phone ko na nakapatong sa Mesa..
THE DEVIL IS CALLING!
Di ko mapagpapasiyahan kong sasagutin ko o hahayaan ko nlang..
Pareho kaming nakatitig ni Yaya sa Nagriring na Cellphone..
Sa huli napagpasyahan kong sagutin ito..
"He..hello"
"Im on my way to your home Miss Trinidad.."
Yun lang at nawala na ito sa linya..
"Anak bakit?"
"Nay..he's coming"
"Sino?"
"Si Lorenzo"
Nagulat nalang kami sa lakas ng busina ng Sasakyan sa labas ng Gate..I know... Its him!
Nakatingin si Kuya Manuel sa akin..asking me if he'll open the gate..
Tumango ako sa kanya..
Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng Gate nakita kong isang Kulay itim na Sports Car ang pumasok..
Nakatingin lang kami ni Yaya ng bumaba ito sa sasakyan niya at lumapit sa amin..
"So Finally...nakita ko narin ang bagong property na pag aari ko"
Nakapamulsa ito at nakatingala sa bahay..
"Nay Martha...pwede mo na pong ibalik sa Kusina ang Mug na pinagkapehan ko"
Tiningnan ko siya ng makahulugan..ayaw kong marinig niya ang pag uusap namin...
"Wait di mo man lang ba ako ipapakilala sa Yaya mo?"
Magsasalita sana ako na di na kailangan pero naunahan na niya ako..
"Micharel John Lorenzo po.."
Tiningnan muna ako ni yaya at atubing tinanggap ang kamay nito..
"Martha Dela Vega"
Mabilis na binawi ni yaya ang kamay niya at nagmamadaling dinampot ang maliit na tray na may lamang Mug.
Mabilis itong naglakad papasok sa bahay..
"So no wonder akala ko ang alaga lang ang may attitude...pati pala ang Nanny huh?"
"Why are you here Mr.Lorenzo?" sinundan ko rin ng tingin si yaya tulad ng ginagawa nito..
"Get Dress"
Diko namalayang nakatingin na pla ito sa akin mula ulo hanggang paa..
"What?"
Tinaasan ko siya ng kilay.
Pretending na hindi ako apekto sa presensiya niya pero ang totoo asiwang asiwa ako..
"You know Miss Trinidad,Reapeting my words isn't my cup of Coffee"
Huminga ako ng malalim.
"Oww! paano yan bingi kasi ako eh"
"I said Get dress..You are coming with me"
"Where are we going?"
Bigla akong kinabahan..
"I'm going to wait here in 10 minutes Miss Trinidad..so go and fix yourself"
"Answer my Question Lorenzo..Where are we going?"
"You'll Find it..When we are there Trinidad"
Tumalikod ito at naglakad sa garden..
Naiwan akong Tulala habang iniisip kong saan ba kami pupunta?
Baka ngayong araw na niya gagawin sa akin yun.
Im not ready for this..
Nakakahiya mang sabihin pero pagdating sa Intimacy...zero ako sa ganung experience..
Libereted ako pero never akong sumubok ng ganyang mga bagay..
Mabilis ko siyang sinundan..
"I cant go with you Lorenzo"
Bigla itong huminto sa paglalakad at hinarap ako..
" And why?"
Nagsalubong ang mga kilay nito habang papalapit sa kinatatayuan ko..
"Im not ready for this"
Mahina kong sagot..
"Ready for what?"
Di ako makasagot..naumid na dila ko..feeling ko nalamon ko na ito sa sobrang embarassment..
Bigla itong humalakhak..
"Wala namang dapat paghandaan sa pagpirma ng kontrata Miss Trinidad..Unless iba ang nasa isip mo"
Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko ng dahil sa kahihiyan..
"Dont worry Miss Trinidad pag dumating na tayo sa puntong iniisip mo..di mo kailangan paghandaan..expert ako pagdating doon..wala kang ibang gagawin..Kundi banggitin ng paulit ulit ang pangalan ko and begging for more"
Bigla itong tumalikod at ipinagpatuloy ang paglalakad sa Garden ng bahay..
Naiwan akong parang istatwa..di ko alam kong ano gagawin ko..
Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko sa sobrang kahihiyan..
Masyado lang akong assuming..
Gusto kong batukan ang sarili ko ng paulit-ulit dahil sa katangahan ko..
That was the last..di na ako papayag na maisahan ako..
Dahil pumayag ako sa deal na ito kelangan kong paghandaan ito ng maigi para di ako magmukhang kawawa sa bandang huli..