“Mahusay ka palang magluto.” “Siguro. But not the inborn type. Hayaan mo, sa susunod, ipagluluto kita. Ikaw ang humusga kung mahusay nga ako. `Tuloy ko kuwento ko, ha?” Napabungisngis siya. “Okay.” “Noong matapos ang semester na iyon, pumasa ang lahat ng subjects na kinuha ni Miguelito. Hindi makapaniwala si Congressman. Hindi rin ako makapaniwalang anak pala siya ng isa sa pinaka-mayamang pulitiko sa bansa. Nang malaman niya na ako ang kaibigan ng anak niya, ipinatawag ako. Utang daw niya sa akin ang pagbabagong iyon ng anak niya. Kung hindi raw dahil sa akin, baka nagtatapon pa rin ng pera at panahon ang anak niya. “Inalok niya ako ng bagay na hindi ko inisip tanggihan. Gagawin daw niya akong scholar kung hindi ko iiwan ang anak niya. Sabi ko sa sarili ko, pag

