Chapter 1
Nakaupo si Lexie sa luma nilang sofa habang nakatingin sa nakaupong ama na nasa kaniyang tabi. Dahil alas-nuwebe na ng gabi ay hindi na niya napigilang humikab. Gusto na sana niyang matulog dahil nakakaramdam na rin siya ng pagod. May importante raw kasing sasabihin ang kaniyang ama kaya tiniis niya ang kaniyang antok.
Kakauwi niya pa lang galing sa palengke dahil pagkarating niya kanina galing sa paaralan ay ipinagtinda siya kaagad ng kaniyang ina ng isda.
Mabuti na lang ay may pumakyaw sa tinda niyang isda kaya nakauwi kaagad siya. Kung nagkataong walang may pumakyaw baka abutin na naman siya ng alas-dyes ng gabi.
Sa tuwing wala kasing may pumapakyaw sa tinda niya ay alas-dyes siya umuuwi. Palagi rin siyang pinapagalitan ng kanyang ama kapag nakita nitong hindi naubos ang binibentang isda.
“Lexie, sa susunod na linggo ay ikakasal na kayo ni Razel sa huwes,” seryosong wika ng kaniyang ama.
Parang sinindihan ang kaniyang puwet sa narinig. Napatayo rin siya at nawala bigla ang kaniyang antok at pagod.
“Pa! Nagbibiro ka lang, ‘di ba? At tsaka lasing ka lang kaya kung anu-ano sinasabi mo.” Pinilit niya pa ring ngumiti sa harapan nito. Amoy alak na naman ito at walang ginawa ang kaniyang ama buong maghapon kundi uminom at maglasing.
Dahil ang tangi lang nitong alam gawin ay tumambay sa kanto at nakikipag-inuman sa barkada habang nagsusugal.
Adik rin ito sa sabong at hindi niya alam kung saan ito kumukuha ng pantaya sa pagsasabong dahil wala naman itong trabaho.
Kaya awang-awa na siya sa kaniyang ina dahil nagtitinda ito ng isda buong maghapon. Ang Ate Sherra niya naman ay ubod ng tamad kahit ang paghuhugas ng plato ay ‘di nito ginagawa. Ang tanging alam lang din nitong gawin ay ang mag-f*******: pagkarating galing sa paaralan. Kahit sa pagtitinda ng isda ay ayaw siya nitong tulungan. Ang isda na tinitinda niya ay galing pa sa kaibigang mangingisda ng ina niya. Doon bumibili ang kaniyang ina dahil mura ang singil nito. Pinatungan niya lang ang presyo para kahit papaano ay may tubo siyang kikitain.
“Sa tingin mo ba ay nagbibiro ako?” seryosong tanong ng ama niya. “Hindi ako nagbibiro, Lexie. Hindi rin ako lasing!” singhal nito dahilan kung bakit napawi ang ngiti niya sa kaniyang labi. Bakit siya magpapakasal kay Razel? Ano na lang ang sasabihin sa kaniya ng pinsan niyang si Sherra kapag pinakasalan niya ang boyfriend nito?
Ayokong masabihan ng malandi!
Napaka maldita pa naman nito. Sa lahat ng pinsan niya ay si Sherra lang ang hindi niya kasundo. Por que teacher lang ang ama at ina napakayabang na nito. Sa tuwing nagkikita sila ng pinsan iniirapan siya nito. Palagi rin itong pumupunta sa kanilang bahay dahil ka-close nito ang Ate Lezie niya.
“Pa, ayokong magpakasal kay Razel,” mahinahon niyang wika. “At bakit ba ako magpapakasal sa lalaking iyon?”
Why does she need to get married? And what was her father’s reason? She’s bothering. Biglang nandilim ang anyo nito kaya napaatras siya. Tumayo ito at hinila ang kaniyang buhok.
“Magpapakasal ka sa lalaking iyon! Malaki ang utang ko sa ama ni Razel, ikaw lang ang alam kong puwedeng ibayad. Wala ka rin namang kuwentang bata ka! Palamunin ka lang dito sa bahay!” galit na sigaw nito sa mukha niya.
Ako pa talaga ang palamunin? Mas palamunin pa nga si Ate Lezie kaysa sa’kin! Ang alam nga lang nitong gawin dito sa bahay ay mag-f*******:! Wala nga itong ginagawa rito sa bahay pagkarating galing sa school! Gusto niya sana isigaw sa ama ‘yon. Pinili niya na lang na huwag sabihin. Baka lalo lang siya malintikan rito. Paboritong anak pa naman nito ang ate nila. Ang Ate Lezie niya ay fourth year college na at ang kurso nito ay nurse.
“Pa, lasing ka lang,” saway niya. Kaya hinila lalo ang buhok niya. ‘Di na niya napigilang umiyak nang pisilin ang kaniyang kaliwang braso. Halos bumaon na ang mga kuko nito.
“Patayin mo na lang po ako, Pa! Kahit ano’ng gawin n’yo hindi po ako magpapakasal kay Razel!”
“Gano’n! Ayaw mong magpakasal kay Razel? Gusto mo bang bugbugin ko ang dalawa mong kapatid?” Napailing-iling siya.
She loves her two brothers. Ayaw niyang masaktan ang mga ito.
“Huwag n’yo naman po idamay si Liam at Lexus, Pa!” galit niyang sigaw. Tinanggal nito ang kamay sa buhok niya.
Namumula na ang mukha ng kaniyang ama. Mapungay na rin ang mga mata at halatang lasing na ito. Halata sa anyo nito na gustong-gusto na siya nitong patayin.
Napaigik siya sa sakit nang sampalin ang kanang pisngi niya. Masama ba siyang anak? Bakit parang ang dali lang na saktan siya ng kaniyang ama? ‘Di ba sila nito mahal?
Napapikit siya nang sampalin din nito ang kaliwang pisngi niya. At napamulat kaagad nang pisilin ang kaniyang baba.
“Magpapakasal ka kay Razel! Para wala na akong utang sa ama niya. Mabuti nga at gustong-gusto ka ng ama ni Razel para sa anak niya!”
Gustong-gusto nga ako ng ama niya. Si Razel gusto ba ako? Kahit na magmakaawa siguro siyang mahalin ni Razel ay hindi pa rin siya mamahalin nito. Si Sherra ang mahal ni Razel at hindi siya!
Alam niya na ang pinsan ang mahal ni Razel. Nakita niya na ang mga ito na nagtatalik sa loob ng kotse. Sa mismong kotse ni Razel.
“Pa! Si Ate Lezie na lang ang ipakasal n’yo. Siya rin naman po ang panganay, huwag po ako,” pagmamakaawa niya sa ama.
Bakit kasi siya pa ang ipapakasal kay Razel? Puwede rin naman ang Ate Lezie niya.
Napalingon siya sa pinto ng kwarto ng ate niya. Bumukas ang pintuan nito. Lumabas ito ng kwarto at galit itong tumingin sa kaniya.
“Lexie, puwede bang pumayag ka na lang magpakasal. Kanina ko pa kayo naririnig! ‘Di ako makatulog sa kaartehan mo!” pabulyaw na sabi ng kaniyang Ate Lezie.
Nagpasalamat siya nang tanggalin ng ama ang kamay nito sa kaniyang baba.
“Oh nakita mo na? Nagising pa tuloy ang ate mo dahil sa kaartehan mo!” bulyaw rin ng ama sa kaniya.
Lumapit siya sa harapan ng kaniyang ate at lumuhod.
“Ate, please ikaw na lang ang magpakasal kay Razel,” pagmamakaawa niya rito.
Nginisian lang siya nito at naghalukipkip sa kaniyang harapan.
“Alam mo, Lexie...” Tinulak-tulak ng hintuturo nito ang noo niya. “Tanga ka ba, ha? Kapag ako ang nagpakasal kay Razel magagalit sa’kin si Sherra. Alam mo rin naman ‘di ba na matalik ko siyang kaibigan!”
Dahan-dahan siyang tumayo. Pinahid niya rin ang mga luha na dumadaloy sa kaniyang pisngi.
What is she going to do? Will she leave their house? Napailing-iling siya. ‘Di niya puwedeng iwanan ang dalawang kapatid na lalaki at ang ina.
“Pumayag ka na sa gusto ni Papa, Lexie. Ayoko kay Razel. I will never marry that guy. Si Rake na kapatid niya ang gusto kong pakasalan.” Parang tangang ngumiti ito nang mabanggit ang pangalan ni Rake. Alam niyang matagal ng may gusto ang Ate Lezie niya sa lalaki.
“Lezie, bumalik ka na sa kwarto mo. Ako na ang bahala sa babaeng ito,” rinig niyang wika ng ama sa kaniyang likuran.
“Bye! Lexie, bahala ka sa buhay mo!” pang-aasar pa ng Ate Lezie niya sa kanya. Nag-flying kiss pa ito bago tuluyang pumasok ng kwarto nito.
Humarap siya sa ama at tinitigan ito. Bakit kapag ang ate niya ang kaharap ng ama napakabait nito? Bakit kapag sa kanya at sa dalawang kapatid nagiging mabangis ang mukha nito.
‘Di ba sila anak ng ama nila? Kaya parang hayop sila kung ituring nito. Tanging ang ina na lang ang kakampi nila, ‘yong ate kasi nila kakampi ng ama nila.
Kung ituring sila ng ate nila ay parang hayop. Sa tuwing magalaw lang niya o kaya magalaw ng dalawa niyang kapatid ang mga gamit nito nambabato na ito, kagaya na lamang ng tsinelas, lalagyan ng lotion, at remote ng TV.
Kaya iniiwasan nilang mahawakan ang mga gamit nito. Kahit suklay ay ipinagdadamot din nito. May sarili rin itong kwarto. Sa kwarto naman nito tanging ang ama at ina lang nila ang pinapayagan nitong pumasok.
“Aray!” hiyaw niya nang hampasin siya ng kaniyang ama ng tsinelas sa ulo at napaatras rin nang akma pa siya nitong hahampasin sa mukha ng tsinelas.
“Kahit kailan talaga bastos ka, eh!” galit na sigaw nito. “Kanina pa kita kinakausap hindi ka sumasagot!”
Napahawak siya sa kanang pisngi nang sapakin siya sa mukha ng ama. Parang mawawalan siya ng ulirat sa ginawa nito. Hindi niya alam ang gagawin kung paano makakaalis sa harapan nito. Alam niyang sasaktan pa siya ulit ng ama.
Napapikit na lang siya nang hablutin nito ang kaniyang buhok.
“Bukas agahan mong gumising!”
Bakit kailangan niyang gumising nang maaga bukas? Bigla siyang kinabahan sa sinabi ng kaniyang ama. Ano na naman kaya ang ipapagawa nito sa kaniya?
“B-bakit po, Pa?” kinakabahang tanong niya.
“Makikipagkita tayo sa ama ni Razel. Gusto ka raw nitong makita.” Napailing-iling siya. Kaya hinigpitan lalo nito ang pagkakahawak sa buhok niya. Pakiramdam niya ay parang natanggal na ang kaniyang mga buhok sa anit.
“Pa, ayokong makipagkita sa ama ni Razel! Ayokong magpakasal sa lalaking ‘yon!” sigaw niya. Nanlabo ang mata niya nang suntukin nito ang sikmura niya.
Panginoon, kayo na po ang bahala sa’kin.
“Diyos ko! Jimmy!” huling narinig niyang sigaw ng kaniyang ina bago tuluyang nandilim ang kaniyang paningin.