Chloe

1070 Words

"Kamusta na kaya si Mama, La?" Tanong ko kay Lola habang abala siya sa paggawa ng kakanin. Nag order kasi ang kumare niya ng dalawang bilaong suman para sa kaarawan nito. Ibang klase talaga si Lola Agnes. Kahit na medyo pagod na siya sa pagmamanage ng karinderya niya ay nagawa pa niyang tumanggap ng mga side orders. Mano mano ang pagkayod niya ng niyog tsaka ang pagpiga niya sa gata. Mas gusto niya ang ganto kaysa sa ipapakayod sa palengke. Para sa kaniya ay mas lumalabas daw ang tunay na katas kapag sinabuyan ng mainit na tubig ang nakayod na niyog bago pigain. Habang nakaupo ito at nagkakayod, ay umupo ako sa tapat niya. Anim ang nakapila na niyog na kanyang kakayurin. Ganun kadami. Mas gusto kasi ng mga suki niya yung nagmamantika sa gata. Tsaka ipangta toppings din niya ang iba dito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD