Diego... "Sandra! I want you to meet Dom" Sambit ng supervisor. "He is also a Filipino. So, it won't be hard for you to train him" pagpapakilala niya sa akin. Dito pa lang ay nakatitig na ako kay Sandra. Tinitignan ko ang kaniyang mga mata. "Dom, this is Sandra. One of the finest quality assurance colleague here and I chose her as your trainer for three weeks, okay?" Wika ng supervisor at agad namang kumaway ng Hi si Sandra. Nagtitigan kami ng bahagya, at nakita ko ang kinang ng kaniyang mga mata. Si Sandra nga ito, hindi ako nagkakamali. Gantong ganto ang hubog ng katawan niya at ang kaniyang tangkad ay hindi kami ngkakalayo. Sa wakas, at magkalapit na kami. Gustong gusto ko siyang yakapin sa mga sandaling ito ngunit hindi muna maari. Hindi ito ang tamang pagkakataon. Grabe ang ka

