PAGKATAPOS kumain at magpahinga. Agad na niyaya ng mga bata si Daryl na maglaro ng basketball. Siya naman ay nasa isang tabi at nagmamasid lamang, hanggang sa nilapitan siya ni Mang Nestor. "Napakasaya ng mga bata sa tuwing dumadalaw si Sir Daryl dito." anito. "Napansin ko nga po kanina nang dumating kami." "Maraming nag-aakala na puro pagbubulakbol ang kayang gawin ng batang iyan. Ang hindi nila nakikita, ang binatang walang kasing bait at walang yabang sa katawan." Ani Mang Nestor. "Bakit po ayaw niyang ipaalam sa media ang mga ganitong projects n'ya? Magandang publicity ito sa kanya?" "Hindi na daw kailangan sabi n'ya. Dahil mas importante sa kanya ang mabigyan ng kaligayahan ang mga bata." Huminga siya ng malalim. Habang tumatagal, ay mas lalo niyang nakikilala ang tunay na Daryl

