Hanggang sa Almusal ay hindi ako tinantanan ni Marco ng payakap yakap at halik.
"Marco."Banta ko ng maramdaman ang mga kamay nya sa pwet ko.
"Hmn.." sagot nyang parang nang aakit
"Let's eat okay?"sabi ko saka sya sinimangutan. Natatawa naman syang lumayo at naupo sa lamesa saka ako hinila paharap sa saknya at niyakap
"Ok. then after?"nangaakit nyang tanong
"After, i have to move my things. Aliyah texted me she said i should move my things asap."
sagot ko. saka napabuntong hininga. Nabasa ko ang mensahe nya bago ako bumaba. Nagsosorry sya sa nangyare at pinaalam na aalis na din sya sa flat na yon kayat kung gusto ko ay ako nalang ang matira don pero tumanggi ako. Mahihirapan akong makalimot kapag bumalik pa ko ulit don.
"Move in here then." ngisi nya.
"No. This place is too far." sagot ko
"You don't want to live with me?" tila nagtatampong tanong nya
"Marco this is too far."sagot ko
"I'll drive you dont worry"Sagot nya
"And when you have to go back to sweden?"
"Then ill pay someone to drop and pick you." kunot noong sagot nya
"No. Thats too much." tanggi ko pa din
"Okay. Then take that 1bedroom flat." pinal na sagot nya.
"Marco-"
"Its always no for me." putol nya sa sasabihin ko. "Which flat are you planning to take then? the one where im not allowed?"
"No but-"
"Its ok. Let's eat. I don't want to argue anymore. Do what makes you happy." sabi nya saka ako binitawan at naglakad papunta sa mesa kung san nakahain ang pagkain
"Marco..." habol ko sa kanya
Hindi sya sumagot kaya umupo ako sa nasa kanang bahagi nya na upuan.
"Baby...'' lambing ko
"Stop.."pigil nya. "You always do this when im mad."
Natawa ako na lalong ikinabusangot ng mukha nya.
"Okay. Ill take the flat but please help me pay because i can't pay it my self." sabi ko saka inihilig ang mukha ko sa braso nya na parang nagmamakaawa. Ayun naman ang gusto nya.
Namamangha namang bumaling sakin ang damuho saka malapad na ngumiti. Hinalikan nya ko.
"Great!" nasabi nya saka namin ipinagpatuloy ang pagkain.
Naisip ko, maigi din na yun na ang kunin ko para makapunta punta si Marco lalo na ngayon. Parang ayoko na ngang mahiwalay sa kanya. Ayoko mang amin pero natutuwa akong kinansel nya ang pag uwe nya. Masyado na ata akong masama.
Ang dalwang araw ay ginugol namin sa pag aayos ng flat at paglilipat ng mga gamit ko. Ang sitting room ay pinaplano kong paupahan pero bumili si marco ng sofa para don na ikinainis ko. Sinabi naman nyang ililipat nalang namin sa kwarto ko kapag may umupa na. Bumili din sya ng bagong kama dahil ang kama ko ay single bed at hindi daw kami kakasya don. Binilhan pa nya ko ng kalan ref at mga gamit sa kusina, panaypanay na ang tanggi ko pero hindi nagpapaawat si marco at sinasabi lang na isama ko na un sa babayaran. Ang herodes!
Sa huli ay nagpatianod nalang ako sa gusto nya dahil kailangan ko din naman ang mga bagay na yon at wala akong pambili.
Masaya ako sa naging resulta ng ginawa namin sa flat. Pagkatapos namin ay nagyaya si Marco na kumain sa labas ng hapunan. Sumang ayon nalang ako dahil hindi ko na kayang magluto sa pagod. Pagkakain namin ay nagulat ako na ang Ruta pabalik ng apartment nya ang tinatahak namin, akala ko pa naman ay matutulog akong mag isa sa Flat ngayon.
Pagkapasok namin sa Bahay ay agad akong nagtungo sa kusina para magtimpla ng tsaa. Naging routine na namin ni Marco ang Mag tsaa bago matulog. Si marco naman ay derederechong umakyat papunta sa kwarto habang may kausap sa Telepono.
Pagtapos kong magtimpla ay inakyat konang tsaa at nagulat ako ng abutan ko syang nageempake ng damit habang may kausap pa din sa telepono. Aalis ba sya? . Nalungkot ako sa naisip. Nilapag konang tsaa sa mesa saka ako naupo sa kama sa tabi ng iniempake nya at malungkot na tinignan ang mga damit na inaayos nya.
"I need to go.Bye." sabi nya sa kausap saka pinatay ang tawag.
Napatingin ako sa kanya na nakakunot noo sa akin. Sumibi akong parang bata saka iniumang ang mga braso ko para yakapin nya ko.
Naupo naman sya sa tabi ko, Hinila ako saka kinandong at niyakap. Yumakap naman ako sa kanya at ibinaon ang mga mukha ko sa balikat nya.
"What's wrong?" malambing nyang tanong.
Umayos ako ng upo at ikinulong ang mukha nya sa mga palad ko.
"Youre going? When is your flight?'' malungkot pa ding tanong ko.
Tumawa sya ng Malakas na ikinainis ko. Ano namang nakakatawa sa tanong ko!
"Baby im not going to sweden." sabi nya saka tumawang muli.
Hinampas ko sya sa balikat.
"Then Why are you packing your things?"tanong ko
"Im moving in with you." Simple nyang sagot
"Wheter you like it or not. " dugtong pa nya saka ako hinalikan.
Napakunot ang noo ko pero...I like it!
Lumipas ang ilang linggo at nasanay ako sa bagong bahay ko. Mas tahimik at mas masaya dahil kaming dalwa lang ni Marco ang nandon. Pero naghahanap pa din ako ng uupa sa nasa labas na kwarto, gusto din ni marco na makahanap ako para kapag daw aalis sya ay may kasama ako.
Walang gabi na hindi dito natulog si marco, kung sa ibang termino pa nga ay Live in na kami. Ang halos lahat ng mga damit nya ay dinala na nya dito, bumili na nga sya ng cabinet dahil hindi ko na alam kung pano pagkakasyahin ang mga gamit namin sa cabinet ko.
Kung minsan ay natatakot ako na baka biglang i raid ang flat namin dahil hindi naman kami legal na mag asawa ni marco. Pero tinawanan nya lang ako at sinabing Ayusin na ang mga papel ko para maikasal na kami.
Isang araw habang nagdidinner kami ni Marco ay may tumawag sakin at tinanong kung available pa ba at kung maaari nilang i check ang kwarto. Agad naman akong umoo at Pinaakyat sila.
Dalwang babae ang dumating na sa tanya ko ay mas bata ng konti sa akin. Kakarating lang pala nila galing pinas at sa malapit na dental clinic sila nagtatrabaho at walking distance lang mula dito. Ipinakilala ko naman si Marco at sinabi na agad na mKakasama namin sya sa bahay kung sakali. May sarili naman kaming banyo bawat kwarto kaya hindi naman nakakailang kung andito man si marco. Take it or leave it sa isip isip ko pa.
Pinakita ko ang sala sa kanila at sinabing tatanggalin ko ang mga gamit sakaling magdesisyon silang kukunin ang room.
Agad naman silang nagdecide na kukunin ang room at nagkasundo kami sa presyo ng upa na kasama na ang tubig ilaw at wifi. Sinabi ko din na maaari nilang gamitin ang mga gamit sa kusina, Sa totoo ay magaan ang loob ko sa kanila dahil naaalala ko sa kanila ang mga kapatid ko.
"Sige po ate Precious aalis na po kami. " Paalam ni Jen ng ihatid ko sila hanggang sa labas ng main door.
"Sige mag iingat kayo Jen, Mari." sabi ko "Magpapa duplicate ako ng susi bukas, daanan nyo nalang sa ako sa store ha sakaling maglipat kayo, 11 kasi ang out ko bukas eh.'' sabi ko pa.
"Opo cge po ate. Maraming salamat po." sagot ni Mari.
Inantay ko pa silang pumasok sa elevator saka pumasok sa bahay. Naabutan ko naman si Marco na unti unti ng hinahakot ang sofa at ang iba pang gamit papasok ng kwarto namin. Napailing nalang ako. Kung hindi sana matigas ang ulo nya wala sana syang hahakutin ngayon. Sorry ka nalang! Hindi kita tutulungan!
Kinabukasan ay dinaanan sakin nina Jen at mari ang susi, nakapagpa duplicate na si marco kaninang umaga.
Nilapitan ako ni cha at inisyoso kung sino ang dalwang yon sinabi ko naman na mga makakasama ko sa bahay.
Lumabi naman sya, at sinabing ayaw ko talagang kasama sya. Nung nakaraan kasi ng malaman nya na nakalipat na ko ay binibiro nya kong lilipat nalang sya sakin. Alam ko namang hindi sya seryoso dahil nalaman kong sa pangalan nya isinalin ni aliyah ang kontrata ng flat namin noon.
Ipinagpasalamat ko na hindi kami magka department ni aliyah kung kaya hindi kami madalas na nagkakasama, hanggang ngayon ay civil lang kami sa isat isa. Nalaman ko na naghiwalay na pala sila ni Aydin at umuwe na ito sa bansa dahil natanggal sa trabaho sa hindi malamng dahilan ayon pa kay cha.
Nalaman din ni ate isabel ang nangyare at galit na galit kay aliyah. Pati ako ay pinagalitan nya ng malaman ang tungkol kay marco. Sinabi nyang dadalaw sya at kikilatising maigi si marco. Wala naman akong inilihim pa sa sakanya pati ang pagsasama namin ni Marco ay inamin ko na, nabigla sya nung una pero kalaunan ay naging masaya na din para sakin lalo na ng ipakilala ko sa kanya si marco thru videocall. Binibiro pa nya ko kung wala daw bang nakatatandang kapatid si marco.
Masasabi kong Smooth na ang lahat ng bagay sa puntong iyon. Naipakilala ko na rin si Marco sa mga magulang ko at kapatid maging ako ay naipakilala na nya din sa parents nya Thru Video call lang syempre. Nangako si Marco sa Mga magulang ko na uuwe kapag pwede na kong magbakasyon at nangako din naman ako sa parents nya na dadalaw ng sweden dahil hinihikayat nila kong doon nalang tumira. Para siguro umuwe na si Marco. Hindi ko naman isinasara ang pinto ko at maaaring isang araw nga ay doon na ko tumira at magtrabaho para hindi na mahirapan si marco .
Isang gabi ay naalimpungatan ako ng may tumutunog na cellphone, sinilip ko yon sa side table at nakitang kay marco yon.
"Marco..."mahinang niyugyog ang katabi
Hinapit naman nya ko "Hmn..."
"Marco, your phone." sabi ko
kinapa nya cellphone sa side table saka tinignan ang caller id saka sinagot ang tawag
"Ma.." bungad nya.
Nagulat ako ng biglang bumalikwas ng bangon si Marco
"What? Where is he now?" tanong ni Marco. Kinabahan ako. Ayokong aminin pero naisip ko agad ang daddy nya. Binundol ng kaba ang puso ko.
"Ok. Calm down ma. I'll be there." sagot nyang muli.
Agad akong bumangon at inihanda ang mga Importanteng Gamit ni Marco. Hindi naman sya nagdadala ng Damit pag umuuwe. Palagi lang maliit na travelling bag ang dala nya na naglalaman lang ng passport at important documents. Laptop, charger at kung ano pang gadgets na kailangan nya.
Mabilis na pumasok si marco sa banyo kaya agad kong hinanda ang susuutin nya saka lumabas pa kusina at nagtimpla ng kape.
Pagpasok kong muli sa kwarto ay nagbibihis na sya. Inilapag ko ang kape sa lamesita saka kinuha ang sapatos nya. Nanginginig pa kong inabot un sa kanya. Wag naman sanang tama ang naiiisip ko.
Inabot nya ang sapatos saka inilipag sa sahig. Akma akong tatalikod para mag isip kung ano pa bang kailangan ni marco ng bigla nya kong hatakin at yakapin.
"Thank you. " Bulong nya. "Daddy had a heart attack.." parang maiiyak na sabi nya.
"Oh God!" tanging nasambit ko. Gusto kong maiyak pero alam kong kelangan kong maging matatag para kay Marco.
"Everything will be alright baby." alo ko na kahit ako sa sarili ko ay hindi kayang paniwalaan yon. Bahagya ko syang tinulak para makawala sa yakap nya saka kinuha ang kape at inabot sa kanya. Agad naman nyang Kinuha yon at ininom.
Maiyak iyak pa ko ng nagpaalam na syang aalis na. Kung pwede lang sumama sa kanya ay ginawa ko na. Kaaalis palang nya pero miss na miss ko na sya.