Chapter 10

1956 Words
Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang Alarm ng cellphone ko. Alas otso na! Nagtipa ako saglit ng 'Goodmorning' message kay Marco. 'Haizt mukhang matagal tagal bago kami ulit magkita'  kagabi ay tumawag lang sya para sabihing nasa airport na sya at alas singko ang flight nya. Ibig sabihin mga alas dos pa sya makakarating. Dali dali akong naligo at nag ayos papasok. Buong umaga kong inisip ang daddy ni Marco. Sana naman ay hindi malala ang mangyare kagabi pa walang patid ang panalangin ko na sana walang masamang mangyare dahil hindi ko alam kung kakayanin ng kunsensya ko na mas pinili ako ni marco dito ng ilang buwan habang alam kong gustong gusto na ng daddy nya na magpahinga. Pasado alas dose ng makita kong papasok ang napaka gandang babae sa store. "Hi" bati ni stacy saka nakipag beso sakin paglapit. Agad ko naman syang niyakap. Mugto ang mata nya kaya alam kong nag aalala din sya sa daddy ni marco. Bahagya syang suminghot pagyakap ko kaya alam kong naiiyak na sya. Agad ko naman syang hinila sa gilid. "You're not going home?" tanong ko. "I am." sagot nya. "Wanna come with me?" tanong nya. Nagulat naman ako sa tanong na yon. Alam ko sa sarili kong gusto ko pero hindi madali yon. Maraming proseso para don. Tinitigan ko so stacy at napaisip, hinintay ko bang alukin ako ni Marco na sumama kagabi? "You know i wanted to but i need to file papers so it will take time." paliwanag ko "Yeah. i know..." buntong hininga nya. "I just think Marco needs to focus right now and he can't do that when you're away." malungkot nyang sabi. Iba ang dating sakin non kaya natahimik ako. Nahihirapan si Marco dahil sakin. Bigla naman nya kong hinawakan sa kamay "Please precious don't get me wrong." natataranta nyang sabi. "What i mean is that I've seen Marco with you here and He's totally different in sweden alone... He's always distracted.." "Im sorry.'' tanging nasabi ko nalang. Hindi ko alam pero nasaktan ako don. Para bang hindi magandang dumating ako sa buhay ni Marco dahil napabayaan nya ang lahat. Alam ko kung gano kaimportante kay marco ang kabuhayan nila pero ng dahil ba talaga sakin ay napabayaan na nya yon. "No.Please Don't say sorry. I just want you to think about moving to sweden maybe?" nag aalangan nyang sabi Nabigla naman ako sa sinabi nya. Naisip ko na din naman yun at di man direktang sinabi ni Marco sakin yon ay ramdam kong yon din ang gusto nya. Pero ano bang aabutan ko sa sweden, anong pwede kong maging trabaho don. Ang alam ko kokonti lang ang pinoy don di tulad dito sa middle east. Ayoko namang umasa lang kay marco pagdating don. "Im...a.. I actually think about it but..." gusto kong sabihing natatakot ako pero alam kong tatawanan nya ko pag sinabi ko yon Niyakap naman ako ni stacy "Please. Think about it please.m" nagmamakaawa pa nyang sabi. "Look, when i reach sweden I'll arrange visa for you right away-" "No stacy I can't come now. " putol ko sa sasabihin "I know.." sagot nyang natatawa pa. "I will just try to arrange visa for you so anytime you want to come you can come." sabi nya Tumango nalang ako. "Anyway, i just drop by to say Bye and I don't know when I'll be back soo take care of yourself and chat with me."aniya Isang beses pa kaming nagyakap bago nagpaalamanan. Iniwan nya din ang susi ng bahay nya sakin in case daw of emergency. Isang oras pagkaalis ni stacy ay tumawag si Marco. Tyinempo ko talagang magbreak ng oras na yon dahil alam kong oras yon ng pagdating ni Marco sa sweden. "Hi." Bungad ko "I miss you." madamdaming sagot ni marco. Kinilig naman ako. "I miss you too.'' nalulungkot na sagot ko "We just landed baby. I'll go straight to hospital and try to videocall you there. I miss you. I want to see you."sabi nya "I want to see you too baby but please try to focus on your mom and dad. They need you more than ever now, specially your mom." sabi ko "Please call me only when you're free. Dont worry about me okay?" bilin ko pa Isang malalim na buntong hininga lang ang sinagot nya. "I love you. I can't wait to see you." malambing na sabi ko "Tsk. I love you more." parang naaasar nyang sagot na ikinatawa ko. Pagtapos non ay nagpaalam na si Marco na pupunta na ng ospital at tatawagan nalang ako pag nakarating na sa opital. Pinaalala ko naman sa kanya na unahin muna ang mga Importanteng dapat gawin saka ako tawagan. Pero halos mag aapat na oras na mula non ay hindi pa din sya tumawag ulit. Hanggang sa makauwe ako ay hindi na tumawag pa ulit si Marco. Pagdating ko sa bahay ay dumerecho na ko sa kwarto, nagbihis at nahiga na. Masyado pang maaga para matulog pero gusto ko nalang itulog ang pagka miss ko kay Marco. Naalimpungatan ako ng tumunog ang cellphone ko, inabot ko yon sa side table at napabangon ng makitang si Marco ang tumatawag.Napatingin ako sa oras at nakitang alas nuwebe na, halong dalwang oras din ang idlip ko. Sinagot ko ang video call. Nagulat ako ng makitang kakagising lang din ni marco. "You slept?" tanong ko "Yeah." maikling sagot nya. "You had dinner?" tanong nyang parang nahuhulaan na nyang hindi ako kumain. "I ate salad" sagot ko nalang "Hmn.." di kumbinsido nyang sagot. "You have to eat Or else-'' "I do eat." putol ko sa sasabihin nya. "How's your dad? are you still in the hospital?" pagbabago ko sa usapan. "Yes i slept on the couch inside. Daddy's fine." sagot nya "He's under observation now and the doctors are running some more tests so I can't say he's out of danger now." dugtong pa nya. "How about your mama?" tanong kong muli "Mama's inside. She's fine, a bit stressed" sabi nya saka ngumiti. "You're soo beautiful." pambobola nya na ikinatawa ko. At napailing iling nalang. "Baby, I think tomorrow will be a busy day for me." nakangusong sabi nya. "I know." sagot ko naman habang nakangiti. Parang gusto kong hatakin sa screen si Marco. Miss na miss na miss ko na sya. Alam kong bukas magiging busy sya sa business nila. Lalot sa nangyari sa daddy nya. Kaya tanggap ko ng mababawasan ang oras nya. "Just do what you have to do. Just call me before you sleep." dagdag ko pa. "I will call you whenever i get a chance." sabi nya "Okay. " pagsuko ko nalang. Alam ko namang kahit kontrahin ko sya ay wala din akong magagawa. "How was your day?" biglang tanong nya. Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto sa tabi ni marco. Sumilip si tita at nakita sigurong ka video call ako ni Marco kaya biglang sumingit. "Hi precious!" pilit pinasisiglang bati ni tita saka inagaw kay marco ang phone. "Ma! We're talking." narinig kong sabi ni marco saka bumalik sa screen ng phone. "Go inside. Look after your dad." sagot naman ni tita Parang bata namang inagawan ng laruan si marco. "Fine!" sagot ni marco saka bumaling sakin. "I'll be inside . I love you" Ngumiti lang ako and mouthed I Love you too. Lalong nalukot ang mukha ni marco. Alam kong naiinis sya dahil hindi ko nilakasan ang pag I love u too. Inagaw naman ulit ng mama nya ang phone. "Kamusta ka?" tanong ni tita "Kayo po ang kamusta?" balik tanong ko naman "Hay eto at stress ng very light" nagpapatawang sagot ni tita."Kagabi ay talagang takot ako pero stable naman na ang lagay ni Magnus kaya napanatag na ko." "Mabuti naman po tita, Natakot nga din po ako kagabi para kay Marco." nasabi ko nalang "Ako man hindi ko alam pano sasabihin kay Marco. Matagal na naming alam na mahina na ang puso ni Magnus pero ayaw nyang ipaalam sa anak nya at mag aalala lang daw. Alam mo naman yan, pagdating sa anak ay ibibigay lahat." sabi ni tita Na guilty naman ako. Hindi nila masabi kay marco dahil alam nilang mahihirapan si marco dahil sakin. "Tita Sorry po.." sabi ko "Naku bat ka nagsosorry! Walang may kasalanan. Lahat ng nangyayari ay nakatakda!" sagot nya "Hayaan nyo po at kukumbinsihin ko si Marco na mag stay nalang jan para makapag pahinga si Tito." malungkot na sabi ko. "Yan ang wag mong gagawin hija. Hayaan mo syang magdesisyon ng kung anong gusto nya at saan sya masaya. Madami namang pwede mag manage ng kumpanya sadya lang matigas ang ulo ni Magnus at ayaw bumaba kung hindi kay Marco ipapasa. Pero hayaan mo pasasaan bat magiging maayos din ang lahat." dismayadong litanya ni tita. "Sana nga po tita." sagot ko naman "Oo naman. Malay mo sa makalawa e andito na ka" natatawang sabi nya na ikinatawa ko din. "Tita talaga.." natatawang sabi ko.." Ahm tita kapag po ba nagpunta ako jan, may mahahanap po kaya akong trabaho?" nahihiyang tanong ko. "Trabaho? Haha ikaw talagang bata ka. Bat mo iisipin yon, mabubuhay ka dito ke meron o wala kang trabaho." sagot nya "Eh tita ayoko naman po ng ganon. Gusto ko pong magtrabaho kagaya dito." sagot ko "Hay. Matigas din ang ulo mo. Bastat pumunta ka dito, maraming trabaho dito wag kang mag alala. Ang tanong lang ay kung pagtatrabahuhin ka ni Marco." aniya Napaisip ako, sa klase ni Marco malamang na tatanggi syang pagtrabahuhin ako kung sakali. Kaya kailangan kong makaisip ng paraan para don. Siguro mas maigi kung aantayin kong si marco ang pumilit sakin na lumipat na sa sweden para makapagdemand ako na papayag ako kung hahayaan nya kong magtrabaho! Tama ganun nga. Lumipas ang ilang araw at naging sobrang busy nga ni Marco sa trabaho. May mga araw na halos sa gabi nalang kami nagkakausap at dahil advance kami ng apat na oras ay madalas antok na antok na ko, pag gising naman nya ng umaga ay alas diyes na kaya kadalasan ay kailangan ko ng pumasok. Ganun pa man ay pinipilit kong maging maayos ang lahat samin ni Marco dahil alam kong stress na din sya sa trabaho kaya hindi ko na dapat dagdagan pa yon. Maayos naman na ang kalagayan ng daddy ni Marco pero pinayuhan pa din ng doctor na magpahinga kaya si Marco pa din ang mamamahala sa mga business nila. Isang Linggo pa ang Lumipas at ganun pa din ang Set up namin ni Marco. Maging ako ay nafufrustrate na din pero pinipigilan ko pa din ang sariling awayin si marco. Pero ng gabing iyon ay iba, siguro dahil birthday ko bukas kaya may halong tampo sakin. Hindi ko maalalang nabanggit kay Marco ang birthday ko kaya hindi ako dapat umasa na babatiin nya ko. Pero naiinis ako. Dati rati alas onse ay tumatawag na sya pero ngayon mag aalas dose na ay wala pa din sya. 'Siguro ay may meeting kaya na late ng uwe.' Alo ko sa sarili. Nagdesisyon akong itulog nalang ang lungkot. Ito ang unang kaarawan ko sa abroad mas malungkot kumpara sa unang pasko at bagong taon ko dito. Siguro dahil wala namang nakakaalam na kaarawan ko maliban sa ilang ka trabaho dahil meron kaming birthday off kaya nalaman nila. Ilang patak pa ng Luha bago ako tuluyang hinila ng antok. Ilang malalakas na katok ang nagpagising sa diwa ko. Tinignan ko ang oras at halos isang oras palang akong nakakatulog. Napaigtad ako ng may muling kumatok. Si Jen siguro mag aayang kumain. Lumabas kasi sila kanina at gaya ng nakagawian, malamang ay may dalang pasalubong. Bumangon ako at binuksan ang dalwang lock ng pinto ko at nagulat ako sa nakangiting sumalubong sakin. Si MARCO.!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD