Chapter 11

1950 Words
"Marco..." naiiiyak kong sambit ng makita sya. Sinugod ko sya ng yakap. Wala akong pakealam kung ano ano man ang mga bitbit nya bastat yayakapin ko sya. Hinawakan ko ang mukha nya saka tumingkayad para mahalikan sya. "I miss you" paulit ulit ko pang bigkas habang hinahalik halikan sya. Natatawa naman nya kong niyakap pabalik saka iginiya papasok sa room. Inilapag nya ang mga bitbit nya kung saan saka ako hinalikan ng mas malalim. "I miss you too soo f*****g much.." sabi nya between his kisses. I miss you more. Gusto kong isantinig yon pero hindi na lumabas pa dahil sa tindi ng halik na iginagawad nya sakin. Baliw na baliw ako sa bawat halik at haplos ni marco ni hindi ko namalayan na nasa kama na kami at unti unti ng nahubad ang damit naming dalwa. At sa Muling pag iisa namin ay nabuo ang desisyon kong hindi ko na kayang mawalay pa kay Marco. Sapat na ang dalwang linggo para mabuo ang desisyon kong sasama na ko sa kanya, kahit saan. At kagaya pa din ng dati, sabay naming narating ang langit. Hingal na hingal si Marco ng bumagsak sa ibabaw ko. Maya maya ay tinukod nya ang dalwa nyang braso sa gilid ko at tinignan ako. "I love you." bulong nya sakin saka ako hinalikan sa noo. Matagal. "I love you too." bulong ko din habang nakapikit at ninamnam ang halik ni marco sa noo ko. Maya maya pay naramadaman ko ang labi nya sa mga labi ko at nag iiwan ng patak patak na halik. "Happy Birthday baby." bulong nyang muli Napadilat ako at napatitig sa kanya.'Alam nya!' "You knew?!" gulat kong tanong saka sya bahagyang itinulak dahil hindi ako makaconcentrate sa pahalik halik nya. "Of course." sagot nya "Happy Birthday Baby." sabi nyang muli saka sinakop ang mga labi ko at muling ipinadama sakin ang pagmamahal. Mag Aalas Siyete na ng magising ako kinabukasan sa tunog ng Telepono ko. Umuungol pa ko't naiinis kung bakit dapat pang mang istorbo ng tulog halos mag uumaga na kaming nakatulog ni Marco kagabi. Maiidlip lang ako saglit tapos mararamdaman ko nanaman syang pahaplos haplos sakin. Napangiti akong nilingon sya sa tabi kong tulog na tulog at nakasubsob ang mukha sa leeg ko habang ang braso at hita ay nakapulupot sa akin. Na miss ko ang scene na ito twing umaga. Hinalikan ko sya sa noo at bahagyang sinuklay suklay ang buhok nya ng muling tumunog ang phone ko. Dahan dahan kong inalis ang mga nakadagan sa akin saka dinampot ang phone. Muntik ko ng maihagis yon ng makitang Nag vivideocall sakin ang kapatid ko. Dali dali akong tumayo at nagbihis. Nagulat pa ko ng paglingon ko sa Kama ay gising na si Marco at matamang nakatingin sakin. Nginitian ko sya saka lumapit at naupo sa kama. Agad naman nya kong hinila at sa isang iglap ay nakubabawan. "Marco!" Tili ko "Goodmorning beautiful" aniya saka ako hinalikan sa labi. Tinulak ko naman syang bahagya bago pa ko makalimot. "Hey! Mama is calling." sabi ko. Saktong tumunog muli ang phone. Lumayo naman agad si Marco saka tatawa tawang tumayo, agad ko namang dinampot ang phone saka lumabas ng kwarto. Mahirap na, baka may makita pa silang hindi dapat makita. "Happy birthday!!!" bungad nila ng sagutin ko ang tawag. "ayyyyy thank you." Naiiyak ko namang sagot. Simple lang ang handaan namin pag may birthday sa bahay, Minsan nga pansit lang pero palaging masaya. Siguro dahil buo ang pamilya. Ipinakita nila sakin ang mga niluto nila at nagkwentuhan ng kung ano ano. Maya maya pa ay lumabas si jen at si mari para mag almusal, binati ako ng happy birthday at nung tinanong ko pano nilang nalaman ay sinabing si marco daw ang nag sabi kagabi dahil hindi mabuksan ni marco ang pinto dahil naka double lock ay pinagbuksan nila. Natawa naman akong naisip na hindi din sya nakapasok sa kwarto dahil sa double lock. Siguro nagsisisi na yon na naglagay lagay pa siya ng double lock sa mga pinto. "Anak, anjan si Marco?" Biglang tanong ni mama na ikinagulat ko. Syempre hindi nila alam na halos magsama na kami ni Marco dito. Hinila naman ni Mari si jen at walang boses na pinagsasabihan sa kadaldalan. Natawa naman ako. "Opo mama. Sinurprise po ako kagabi. Di ko nga po alam na uuwe pala galing sweden."sagot ko. Alam kong may ideya na si mama tungkol samin ni Marco pero ayaw nya lang siguro akong pangunahang magsabi. As if on cue ay sumulpot sa kusina ang fresh na fresh na si marco bit bit Isang Box at isang plastic na malaki. Napakunot noo ako. San galing yon, e hindi p naman sya bumabangon. Agad ko namang itinutok sa kanya ang camera para makita nyang kausap ko si mama. "Goodmorning Mama." bati nya sa mama ko. Nginusuan ko siya. Amfeeling maka mama. Binati naman sya agad ng mama at papa ko. As ussual kahit sa video call lang pinagkaguluhan na agad sya ng pamilya ko. Tumayo ako at siya naman ang umupo sa pinag alisan ko. Hindi ko na pinagluto ang dalwa tutal ay mukhang sosobra pa saming apat tong pagkain. Nakahain na kot lahat ay nagbibidahan pa din ang pamilya ko at si Marco, nalimutan na nga ata nilang birthday ko. "Oh here's the birthday girl." Biglang sabi ni Marco at tinapat sakin ang camera. Napansin sigurong kandahaba na ang nguso ko sa inis. "Eh anak kelan ka ba uuwe?" Tanong ni papa. "Isang taon ka na jan anak." dagdag pa nya Oo nga. Dalwang linggo nalang ay mag iisang taon na ko dito. Dalwang linggo nalang mag iisang taon na mula ng una kaming magkita ni Marco! "Eh papa hindi ko pa po alam. Pero kung pwede po akong umuwe e uuwe po ako." sabi ko. Hindi ko pa pala nasasabi ang plano kong paglipat ng sweden. Baka kelangan ko pa ng ilang panahon. "Anak, isama mo si Marco pag uwe ha." Bilin ni mama. "Of course Mama." singit naman ng isa. Napatingin ako sa kanya. Sa ilang pagkakataon ay parang nakakaintindi ng tagalog tong si Marco. Hanggang sa Matapos ang tawag at magpaalam na din sina jen at mari na maghahanda na sa pagpasok ay pinag iisipan ko si Marco. Nung araw na mag away kami ni ate aliyah ay parang naintindihan nya ang mga pinagsasabi namin non. At nung unang beses na may mangyari samin ay sinabi nyang mahal nya ko sa tagalog. mahal na mahal pa nga! "What?" tanong nya ng makapasok kami sa loob ng kwarto at nahuli akong nakatingin sa kanya. Dumerecho akos a cabinet ko at kumuha ng isusuot dahil lalabas daw kami. Pagsara ko ng cabinet ay nagulat pa kong nakatayo na sya sa gilid ko. "Ay kabayo ka!" sigaw ko sa gulat Tumawa naman sya habang tinataas taasan pa ko ng dalwang kilay. "I'm a horse now.'' Nagulat nanaman ako. "Ikaw nga umamin ka, nakakaintidi ka ba ng tagalog?" mabilis kong sabi. "Not when that fast."sagot nya "so you do?"tanong ko ulit "A bit" sagot nya. "some words." "So all along you let me speak in english when you can understand tagalog?!"naiinis kong sabi. "No i don't understand that much, just some words. And you, you talk too fast in Tagalog so I can't really understand." depensa nya . Patagilid ko syang tinignan na parang sinusukat ko pa kung nagsasabi b sya ng totoo "You can ask mama if you want." sagot nyang muli na ang tinutukoy ay ang mama nya. "But why when i ask you before you said you dont?" tanong ko pang muli habang lalong pinatatalim ang mata sa kanya. Tumawa naman sya saka ako niyakap ng patagilid. Hinalik halikan ang sentido ko. "Baby i dont really understand much. Believe me."sabi pa nya. Naupo sya sa kama at hinila ako para mapaupo sa kandungan nya. Nagpatianod naman ako at pinaikot ang braso sa leeg nya. Marupok talaga ako pagdating kay Marco. "You're soo f*****g beautiful." sabi nya habang tinititigan ang mukha ko. Kinintalan ko sya ng halik sa labi. "And you're soo handsome." sagot ko. "That's first time." sabi nya "first time?"Takang tanong ko "You telling me I'm Handsome "sagot nya Teka, ito ba talaga ang una na sinabi ko yun ng direkta?. "hmn really.." napaisip ko pang sagot. "I always tell you your handsome when you sleep." natatawang sagot ko. "Hmn..."natatawa na ding sagot nya "You know you have a perfect face." sabi ko "Your eyes, your nose, your cheeks, your ears, your lips it all match" sabi ko pa habang hinahalikan isa isa ang parte na sinasabi ko. Napangiti naman syang lalo na parang kinikilig. "Plus You have the body to die for.'' bahagya pa kong lumayo saka pinagmasdan ang katawan nya saka binasa ang labi at kinagat na parang nang aakit. "f**k!" naaakit namang mura ni Marco saka ako hinila at hinalikan. Napagpasyahan namin manood na lang ng sine ni Marco para daw sa birthday date. Agad naman kaming nagkasundo na isang Indian Rom-com ang panoorin.Para maiba lang. Tawa kami ng tawa sa loob ng sinehan ni Marco dahil sa Movie. Ang bidang lalaki kasi ay parang under sa babae kaya natataranta sya twing titingin ang babae sa kanya. "That's me whenever you're around." sabi nya sabay turo sa bidang lalaki. Agad naman akong napalingon at iningusan sya. "Mukha mo." sabi ko Tatawa tawa naman sya. "I know that." sabi nya na tinutukoy ang sinabi ko. "You know everything." sagot ko naman "About you? of course." sagot nya. Napaisip ako, oo nga alam nya lahat ata ng bagay tungkol sakin pero ako ano bang alam ko kay marco,. Ni hindi ko nga alam kung kelan ang birthday nya! Masilip nga ang passport nya mamya sa bahay. Lumabas kami sa sinehan na tawang tawa pa sa pinanood namin. "Let's go to the beach?"tanong nya Tinignan ko ang oras, Mag aalas kwatro palang masyado pang maaga para sa dinner. "Ok. Let's buy coffee along the way." sabi ko naman. Na sinang ayunan nya agad. Napuno ang araw na yon ng masasayang ala-ala namin ni Marco. Nang gumabi ay nag dinner kami saka nagpunta sa isang carnival park at sumakay sa mga rides. Naiinis akong nahihilo na pero parang wala pa ding epekto kay marco ang mga sinakyan namin. Pasado alas onse na ng magkayayaan na kaming umuwe ni Marco kaya halos mag a alas dose na din ng makarating kami sa bahay. Naabutan ko siyang abala sa cellphone ng lumabas ako galing banyo pagtapos maligo. Binalingan naman nya ko at malungkot na ngumiti. Nilapitan ko sya at niyakap. "Why?"tanong ko. Nilapag naman nya ang Cellphone sa night stand saka ako niyakap ng mahigpit. "I need to go back." maikling sabi nya. Alam ko naman yon. Alam kong hindi sya pwedeng magtagal pero nalulungkot pa din ako. Ayoko sanang maramdaman nya na nalulungkot ako pero hindi ko maiwasan. "Of course." sagot ko "What time you're leaving?" tanong ko pa "Are you okay here?" tanong nya "Don't worry about me."sagot ko "Come with me." bulong nya. Bahagya ko naman syang naitulak at pinagaralan ang mukha nya kung seryoso ba sya. "Let's get married. Move to sweden with me please?" nagsusumamo nyang sabi "I uhm.." d q alam kung pano ko sasabihing gusto ko munang pag isipan yon. "Of course you can think about it. No pressure baby." madamdamin pa ding sabi nya. Tulad ng mga nakaraan ay madaling araw ulit aalis si Marco. Habang naliligo sya ay kinalkal ko ang gamit nya para hanapin ang passport nya at nagulat akong malaman na ang malapit na din ang birthday nya. Eksaktong dalawang Linggo mula ngayon. Eksaktong araw kung kelan kami unang nagkita!!! OMG! Mukhang alam ko na kung pano syang sosorpresahin sa birthday nya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD