Mangiyak ngiyak ako ng paalis nako papuntang airport. May susundong shuttle sakin dito sa bahay kaya hindi ko kailangan mag commute o magsama ng maghahatid sa akin. Alas nuebe ang flight namin kaya alas kwatro palang ay susunduin na kami sa kanya kanyang bahay dahil malayo layo din ang airport. Di ko mapigilang umiyak habang pinagmamasdan ang natutulog na anak ko. Ito ang unang beses na magkakalayo kami. ''Anak kaya mo ba?'' mahinang tanong ni mama nung pumasok sa kwarto ko. ''Wala akong choice ma.''Bumuntong hininga ako at pilit pinasigla ang boses. "Isang bwan lang naman. Saka may 2 days off naman ako ma baka pwede akong umuwe kahit balikan lang kung sakali, isang oras lang naman ang byahe.'' ''oo naman at saka anytime pwede kang mag video call.'' sagot nya saka ako niyakap. ''Huli

