Chapter 18

1233 Words
Isang linggo ang matuling lumipas habang nagmumukmok ako. Ngayon back to reality; kailangan ko ng magtrabaho. To be fair, walang araw na lumipas na hindi ako sinusubukang tawagan o ichat manlang ni Marco pero matigas ata ang puso ko, hinding hindi ako mag gigive in. Isang beses ko lang syang nireplaya; nung sinabi nyang pupuntahan nya ko. I reminded him the deal we had and add that i will never forgive him if he came without that paper. I Miss him. Pero mahal ko ang sarili ko to a certain point where i will never allow myself to be his mistress. I sometimes blame myself bakit ambilis kong nagmahal, bakit mabilis ko syang minahal. Kung bakit di ko manlang naisip na kilatisin muna syang maigi. Siguro dahil ganun talaga ang pag ibig. Pagdating ko sa trabaho ay nagulat ako sa nabungaran ko; Si Ate bel! ''Surprise!'' masayang salubong nya sakin. Oh s**t ilang araw syang nagchachat sakin at ilang araw ko din syang iniiwasan. "A-ate...'' sa sobrang gulat ko ay naiiyak ako. Agad nya kong hinila at niyakap. '' kamusta ang bakasyonista?'' anya Nagulat sya ng makita nya ang namumuong luha ko ng magbitaw kami sa yakapan. ''Hoy! ganyan mo ba ko namiss at naiiyak kapa?' tanong nyang patawatawa. ''OO na sige na miss mo na ko. Ilagay mo na yang bag mo sa locker ng masimulan chismisan.'' anya pa na ikinatawa ko. Kung alam lang nya.. Malamang susugurin nya si Marco! ***** ''Hayop sya Precious Hayop!'' ani ate bell nung ikwento ko sa kanya ang nangyare. Nasa loob kami ng kkwarto namin ni marco at kinuwento ko lahatlahat. ''Sinasabi ko sayo ha pag nagpunta yan dito wag na wag mong tatanggapin! ni wag mong papapasukin!'' ''E ate pano,, dito din yun nakatira!'' sagot ko habang umiiyak ''Yan sinasabi ko sayo! Bat kasi pumayag ka?!" ''Ate sya nagbabayad nito.'' sagot ko. Hindi ko kayang tignan si ate dahil alamm kong disappointed sya sakin. ''Lilipat tayo. Kausapin mo yung dalwa.. Hindi ako na kakausap. Ako na din hahanap ng lilipatan. I assume lahat ng gamit na to sya bumili?'' tanong nya na sinagot ko lang ng tango. Napailing si ate. Dismayadong dismayado. ''Wala kang dadalhin na kahit na anong gamit nya!'' Pinal na sabi nya saka akmang lalabas na ng muli ko syang tawagin. "A-ate" ''Ano pa?" sagot nya ng madinig ang tawag ko. Halos lumuwa na ang mata nya sa galit sakin ''Tatawag na ko ngayon sa mga dapat kong tawagan dahil hindi ko n matiis na magtagal pa dito!'' dugtong pa nya. "Sorry...'' tanging nasabi ko nalang. Para syang nahimasmasan at nilapitan ako. Naupo sya sa tabi ko at niyakap ako.. ''Precious..'' sabi nya na lalong nagpaiyak sakin. ''Lilipas din ang lahat. Yung sakit mawawala din katagalan. Proud ako sayo dahil mas pinili mong maging tama. Ganyan nga dapat. Hindi magiging madali pero bastat nasa tama ka hindi ka pababayaan ng nasa taas.'' ****** Kinabukasan ay nakahanap na si ate ng Lilipatan namin. Sa parehong building din pero wala ng available na 1br kayat ang nakuha namin ay ang 2br kailangan nalang namin humanap ng titira sa kabilang room. Nakausap na din nya ang dalwa at pumayag naman lumipat kasama namin. Kami na ulit ni ate ang magsasama sa kwarto habang si mari at jen pa din ang sakabila. Hindi ako pinayagang mag day off kaya pag uwe ko ng alas syete saka ako nag umpisang mag empake ng mga gamit ko. Tulala kong tinignan ang magkatabing closet namin ni marco, pareho yung nakabukas. Sa ilang araw na nagdaan parang natuyuan na ko ng luha. Dumadalang din ang tawag at chat ni Marco.Siguro nagsawa na din. May mga oras na pakiramdam ko wala na kaming pag asa. Na nasa Dead end na kami. Baka nga tama si ate, may mga tao talagang dadaan lang sa buhay .. Pasasayahin kalang pero hindi meant to be. Siguro ipinaranas lang sakin ng Diyos pano magmahal at mahallin. Dama ko namang minahal ako ni marco at sa maraming pagkakataon napatunayan ko yon. ''Tapos kana?'' boses ni ate na nagpabalikwas sakin ''mag emote?''dugtong pa nya saka mahinang tumawa. Bahagya akong ngumiti saka pinagpatuloy ang pagtutupi ng mga gamit. ''Ate hindi ko ba dapat tawagan si Marco at sabihing lilipat na kame?'' mahinang tanong ko. ''kaya mo bang tawagan at makausap yon?''tanong nya ''Siguro. Sasabihin ko lang naman na aalis na kami'' sagot ko ''Pipigilan ka non. At tatanungin kung saan ka lilipat tas makikipagpilitan. mahabang diskusyon. Ang tanong, kaya mo?'' Mahina akong tumango. '' Mamya nalang pag natapos ko na to.''sagot ko. May sasabihin pa sana si ate pero mas pinili nyang manahimik nalang. Ng matapos ako sa pag eempake ay pinagtulungan naming bitbitin ang maleta ng damit ko palabas. Wala akong dinalang kahit na ano mula kay marco. Kahit ang mga damit na iniregalo nya ay iniwan ko. Isang beses kong inikot ang mga mata ko sa kabuuan ng kwartong pinagsamahan namin.. Madaming memories, punong puno. IIwan ko na ang lahat dito. Nilock ko na ang kwarto saka sumunod na kay ate palabas ng flat. Habang nilolock kko ang maindoor ay nag uunahang tumulo ang luha ko, panay ang singhot ko kaya alam kong alam ni ate na umiiyak ako pero wala syang sinabi, inakbayan nya lang ako saka ako iginiya sa elevator para umakyat sa bagong bahay namin. Tinignan ko ang kabuuan ng kwarto, mas malawak kesa sa kwarto namin ni marco sa baba.. Nagulat namn ako na naayos na ang kwarto, may dalwang single bed na din 'masarap talagang may ate' sa isip isip ko. Hindi ko alam kung pano nya nagawa to, kung pano nya naarrange lahat habang ako panay tulala lang inaatupag. '' Magpahinga kana. Kahit bukas mo na cguro ayusin tong mga damit mo. '' Aniya habang kumukuha ng damit sa sarili nyang closet. ''Ate san ka kumuha ng kama at ibang mga gamit?' tanong ko habang nakaupo sa kamang nakaayos na din hanggang bed sheet. nilingon nya ko at kinindatan. ''Sa tagal ng panahon precious wala ka pa din ka bilib bilib sakin.'' sagot nya saka mahinang tumawa. ''Binili ko yan. Magtuwiran tayo pag hindi kana tulaley..'' dugtong pa nya saka pumasok sa toilet na nasa loob din ng kwarto namin.. Bahagya akong natawa. Mabuti nalang at anjan si ate. Kung wala hindi ko alam kung pano ako. Pagbalik ko galing sweden ay ginusto ko ding lumipat pero wala akong lakas para gawin yun. Mabuti nalang at nalipat si ate dito kaya may nakatuwang ako. Tinatamad pa ko ng abutin ang maleta ko at kumuha ng pamalit na damit ng biglang bumukas ang pinto ng cr at dumungaw si ate. Napalingon ako. ''Precious.'' tawag nya ''kuhaan mo nga ako ng pads jan sa cabinet ko. walangyang regla to biglang lumabas nagbubuhat kasi ako kanina.'' Agad naman akong tumayo at kinuhaan si ate ng pads, natawa pa ko ng parehong pareho kami ng ginagamit. Dati rati laging walang pads si ate dahil sain sya palaging humihingi. Hindi kasi ako nagpapaubos non dahil regular ang period ko d gaya ni ate.. Regular! Bigla akong napatuwid ng tayo ng maisip ung kelan pa ba ang huling regla ko! Parang gusto kong mahimatay.. Nanginginig ang mga kamay ko. ''Precious.'' tawag muli ni ate dali dali akong nagpunta at naginginig na inabot ang pads kay ate. ''Bakit?'' tanong nya napansin cgurong balisa ako. ''A--ate... Hindi pa ko nagkakaron.!'' tila bomba un na sumabog saming dalwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD