Chapter 5

2028 Words
Lumipas ang mga linggo na palagi kaming nagkikita ni Marco, madalas ay kumakain kami sa labas saka tatambay sa malapit sa beach para magkwentuhan. Pagkatapos ng gabing yon ay hindi na nya ko kinulit pa, napanatag naman ang loob ko dahil nalaman ko kay ate aliyah na umuwe ng bansa nila si Aydin para magbakasayon saglit. Masasabi kong hulog na hulog na ang loob ko kay Marco dahil sa mga ipinaparamdam at pinapakita nya sakin. Pero aaminin kong may kaunti pa ding takot dahil hindi ko pa sya lubos na kilala. Palagi naman nya kong iniencourage na magtanong ng mga bagay bagay na gusto kong malaman, minsan kasi kapag nagtanong sya ay naikukuwento ko na ang kaliit liitang bagay sa buhay ko kagaya ng pamilya nmin, naikwento ko na sakanya kahit kaliit liitang kalokohan ko nung bata pa. Madami din naman akong nalaman tungkol sa kanya, gaya ng noon palang bata sya ay madalas silang bumibisita sa pilipinas at nun ngang nagkasabay kami sa eroplano ay galing sya sa Bacolod, sa lugar ng mama nya dahil may pinsan syang ikinasal. Hindi man nya mga tunay na kadugo ay pamilya sya kung ituring ng pamilya ng mama nya. Pero sabi nya mas malapit sya kina Elliot, Johann, Grey at stacy, mga pinsan nya sa Ama. Siguro ay dahil sa iisang lugar sila lumaki. Masaya ako twing nagkukwento si Marco tungkol sa kanyang mga magulang, palaging may kislap sa mga mata nya twing napauusapan ang daddy nya at mama. Dun na pala sila naka base sa sweden at pinamamahalaan ang ilang business nila. "You're silent." puna nya ng bigla akong natahimik ng mapag usapan ang mga magulang nya. Nasa tabing dagat kami at nagpapahangin habang nagkakape. Nakatingala ako sa langit at tinitignan ang mga bituwin. Tumingin ako sakanya saka ngumiti. "What are you doing here if you have business in sweden?" "I have few business here aswell" sagot nya "Your dad wants you to go home'' sabi ko na ikinakunot ng noo nya. Nalaman ko kay stacy nung minsan na nagpaalam sakin si Marco na mawawala ng ilang araw para umuwe sa sweden na gusto ng magretire ng papa nya at siya na ang mamahala. Pero tigas sa pagtanggi si Marco at mas pinili dito na kokonti lang ang minamanage kumpara sa sweden. "Stacy and her big mouth!" asar nyang bulong. "I ask dad if he could give me some more time and he agreed"Sagot nya "Marco, you dont have to do this for me." sabi ko. Ayokong dahil sakin masira sya sa mga magulang nya. Hindi ko alam kung hanggang saan kami ni Marco. Sa totoo masaya ako at parang mahal ko na ata sya pero hindi ako naniniwalang may pupuntahan kaming dalwa. Masyadong malayo ang agwat ng buhay namin. "Im not doing this for you" derecho nyang sagot. Napamaang ako ng mapahiya konte.bOo nga naman napaka assumera ko naman para isipin na para sakin kaya sya nag iistay. "Im doing this for my self." dugtong pa nya saka tumingala kaya malaya ko syang napagmasdan. Masaya na kong minsan sa buhay ko nakilala ko si Marco. Bigla syang lumingon sakin kaya nagtama ang mga mata namin. "This, What we're doing is making me happy, you make me happy and contented Precious. I would give up anything and everything just to be with you." madamdamin nyang sabi. "My old man understands the perks of being inlove because he has been in love all his life." dugtong pa nya saka mahinang tumawa. In Love? is he saying he loves me?!Napakunot ang noo ko at syempre nakita ni marco yon "What?" takang tanong nya. Hindi ako nakasagot. "Here i am confessing my love to you while you are giving me that look. Poor me." sabi nya saka tumingala. Lalo akong nagulat sa sinabi nya! Confessing his love? oo alam kong gusto nya ko at very vocal sya don pero hindi ko naisip na mahal nya ko. Alam ko kasi sa lahi nila normal lang ang magka gusto pero hindi ang magmahal ng ganun lang kabilis. "What's so shocking Precious? Me loving you? You dont believe me? " tanong nyang sinundan pa ng Tawa. Nagulat ako ng bigla syang tumayo at humarap sa dagat. "I love you Precious Guzman!'' sigaw nya naeeskandalo akong tumayo at hinila sya para pigilan. Mabuti nalang at gabi na kaya konti nalang ang mga tao sa paligid pero meron iilan ilan na nilingon kami. "Marco stop it!" pigil ko sa kanya "You believe me now?"tanong nya "Marco..." i cant find the right words to say Akma nanaman syang sisigaw kaya pinigilan ko sya "Yes yes okay. I believe you! Come on! There are people around!" sabi ko saka pasimpleng tumingin sa palagid "I don't care. If this is how you will believe me then I'm willing to do it again and again." sagot nya. Hinila ko sya ulit paupo sa Bermuda grass. Mukhang kailangan na naming mag usap. "I love you Precious." mahina nyang bulong sakin ng makaupo sya. Hinarap ko sya "Marco look, i know and i believe you love me. I- i can feel it and I-im happy that I had the chance to meet you-" "Are you rejecting me?" kunot noo nyang putol sa sasabihin ko. kitang kita ko ang pangamba at sakit sa mga mata nya at hindi ko kayang makita pa yon "No! i-ts just that..."paano ko ba sasabihin "For the past month were always together don't you feel anything for me? Don't i make you happy? even just a bit Precious?" tanong nya. Basang basa ko ang sakit sa mga mata nya at pati ako nasasaktan don. Hinawakan ko ang mukha nya na ikinagulat nya. Napangiti ako. Ito ang unang beses na hinawakan ko ang gwapong mukha ni marco at parang gusto kong gawing hobby yon. "Marco please undestand the situation. You see our worlds are totally different a-and-" "Do you Love me precious? or even just like me? Don't you like me? Please atleast like me precious or pity me .." halos nagmamakaawa nyang sabi. Natulala ako. Ganun ba ko kamahal ng taong to para tanggapin kahit ang awa ko lang? Mahal ko si Marco. Hindi ko alam kung ano ang totoong depinisyon ng pag ibig. Hindi ko alam kung paano mo malalaman na pag ibig na nga ang nararamdaman mo. Pero sa pagkakataong ito alam kong mahal ko si Marco dahil hindi ko kayang tignan ang sakit sa mga mata nya dahil doble, triple o ilang ulit ang sakit non sa puso ko. "I love you Marco..." nakangiti kong bulong sa kanya habang hawak pa din ang mukha nya at nakatitig sa mga mata nya. Nagulat sya. At kumurap kurap ang mata. Ibinuka ko ang bibig para ulitin ang sinabi ng bigla nyang sinakop ang mga labi ko. Ang Aking Unang Halik! Halik nyang tila sabik na sabik. Sinubukan kong tugunin ang halik nya ng maalala kung nasaan kami. Tinulak ko sya ng malakas "Marco!" "Baby I love you so so much.." bulong nya habang binibigyan ng magagaang na halik ang labi ko "Marco!" Pigil ko sa kanya "PDA is forbidden here!" Gusto ko ng umalis dito baka may nagsuplong na samin sa pulis at anumang oras ay darating na ang mga yon. Hinila naman nya ko saka pinaupo sa gitna ng mga hita nya. Niyakap ako mula sa likod at hinalik halikan ang buhok ko. "Don't worry." bulong nya. Sumandal ako sa kanya at ninamnam ang sarap ng yakap nya "But I'm not comfortable here marco. I think any moment, policemen will come." nakangusong Sagot ko Mahina syang Tumawa saka sinabing "Okay Let's Go." Hinila nya ko papuntang sasakyan at pinaunang pasakayin. Pagkapasok nya ay hinawakan nya ulit ang kamay ko saka hinalikan. Ngingiti ngiti syang nag maniobra ng sasakyan. Umikot lang kami sa kabilang panig ng dagat at nag park. Hindi na bumaba pa ng sasakyan at nagkwentuhan nalang ng kung ano anong bagay. Hindi na nya binitawan ang kamay ko at paminsan minsang hinahalikan kahit ng pauwe na kami. "Are you sure you don't want to eat something?" tanong nya nung nasa tapat na kami ng building. Tinignan ko naman sya saka mahina na natawa, "Go Home Marco. You have work tomorrow." taboy ko sa kanya. Halos parang ayaw pa nya kong lubayan samantalang alas syete palang magkasama na kami hanggang ngayong pasado alas onse na. "Baby it's official" nagpapaawa pa nyang sabi "What?" takang tanong ko "Us. You and me Baby" masuyo nyang sabi "Ha. Yes of course. Yet still, you have to go home now." sagot ko na hindi tumutingin sa kanya dahil magpapaawa lang sya. " Okay.." sumusukong sagot nya agad kaya napalingon ako sa kanya. Sinalubong naman nya ang mukha ko at Siniil ako ng halik. Muntik pa kong mabuwal kaya napakapit ako sa balikat nya. Huminto lang kami nung halos maubusan na kami ng hininga, pero nanatiling magkalapit ang mukha namin. "I'm so f*****g inlove with you Precious.." bulong nya "I love you too Marco"Sagot ko Ngumiti sya saka ako pinaulanan ng halik sa buong mukha. Natatawa naman akong ninanmnam ang padampi dampi nyang halik. "Marco.. enough!" saway ko sa kanya Imbes na tumigil ay siniil pa nya ng halik ang labi ko. "You're like a drug to me baby." bulong pa nya Pinalo ko sya ng mahina sa braso. "Marco enough. Lets go. " aya ko sa kanya saka umakma ng baba "Call me baby, baby." request nya "No. You're not my baby." Sagot ko sabay bukas ng pinto at baba. "Lets Go!" aya ko pa Nakasimangot naman syang bumaba at Inakbayan ako papasok ng building. Pag pasok namin sa Elevator ay kitang kita ko ang reflection nya sa salamin. Nakatitig sya sakin habang nakasimangot. So I mouthed I love without a sound. And Viola! Napangiti sya saka yumuko para i kiss ako ng mabilis. Tatawa tawa pa kami palabas ng Elevator na hindi nag uusap. Pero laking gulat ko ng makasalubong namin sina Ate aliyah at ang Demonyong si Aydin na palabas naman ng Flat. Humigpit ang kapit ko kay Marco ng makaramdam ng kilabot. "Ate.." unang bati ko Mabilis ding nakabawi sa gulat si ate aliyah. "Oh Yan na ba yung ka date mo lagi?" nang aasar nyang tanong. Alam nya kasi madalas akong umaalis pero hindi ko pa pormal na ipinakikilala si Marco sa kanila. "Opo ate, Si marco po Boyfriend ko" Pagpapakilala ko. "Marco this is ate aliyah my roomate and her boyfriend Aydin." Disgusto ang nabasa ko sa mukha ni Aydin habang si Marco naman ay matiim syang tinitigan habang nakipag kamay sa kanya. "O pano ba yan hahatid ko muna si Aydin sa baba." paalam ni ate na may multong ngiti sa labi "Marco nice to meet you." baling nya kay marco. "Nice to meet you too." Sagot naman ni Marco Pagkasara ng Elevator ay bigla akong niyakap ni Marco. Niyakap ko naman syang pabalik. Ang kaninang kilabot konay napalitan ng kapayapaan sa yakap ni Marco. "He's Troubling you?" mahina nyang tanong. Nagulat naman ako at napaangat ang mukha. Umiling nalang ako at saka muling sinubsob ang mukha sa dibdib nya. "He shouldn't. He's your Ate's bf i don't want to punch his f*****g face." bulong nya Natawa naman ako at mahina syang tinampal sa braso. "Bad!" "You will tell me if someone's troubling you right?" seryosong tanong nya "Of course.." sagot ko habang nakayakap pa din sakanya Kahit ang totoo ay wala akong planong sabihin sa kanya dahil ayokong mapahamak sya. Alam ko at nararamdaman kong hindi biro ang mga sinabi nya. Pinakawalan nya ko at Isang beses pang siniil sa labi. "Goodnight baby. i Love you. Go Inside im leaving." masuyo nyang sabi "Goodnight. I love you." sagot ko naman saka binigyan sya ng mabilis na halik sa labi. Sa loob Ay inabangan ko pa sya sa bintana hanggang makaalis ang sasakyan nya. Binundol naman ng kaba ang puso ko ng mapatingin ako sa kabilang parte ng kalsada at kitang kita ko ang titig sakin mula sa baba ng Demonyong si aydin. Kailangan ko na talagang maghanap ng lilipatan. Nakikinikinita ko na hindi malayong magkagulo pag nalaman ni Marco ang mga ito. Isang buntong hininga pa ang ginawa ko at nanalangin bago matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD