Chapter 6

2348 Words
Lumipas pa ang ilang mga araw at naging napakasaya namin ni Marco. Kabaliktaran kita ate aliyah at Aydin. Madalas ko silang naririnig na nagtatalo, minsan pa nga pakiramdam ko nagkakasakitan pa sila. Nang araw na yon ay off ko kaya naglinis ako ng buong kwarto, naglinis at nagluto. Si marco ay may importanteng meeting hanggang alas syete o alas otso ng gabi kaya nagpaka busy ako. Ipinagpaalam ko sa mga kasama ko na yayain ko si Marco dito para kumain wala naman akong narinig na pagtutol kundi pagkaexcite. Isang beses ko na kasi syang naimbitahan nung may kasamahan kaming may kaarawan, gwapong gwapo sila kay Marco. May mga nagbibiro pa nga kung may kapatid pa daw ba sya pabiro naman silang sinagot ni marco na may 3 pang pinsan ito. Napapailing nalang ako ng makiusap silang ipakilala. Abala ako sa pagkuskos ng gilid gilid ng kwarto ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto, napaisip ako maaga ba ang uwe ni ate aliya kasi halos alas sais palang ng hapon. Nagulat ako paglingon ko ng makita si Aydin na nakatingin sa hita koat si ate aliyah na slaubong ang tingin. "A-ate!" Gulat na sigaw ko saka pumasok sa ginawa kong kwarto at nag bihis ng pajama at mejo maluwag na tshirt. naka short lang kasi ako at sando kanina. "Precious! sigaw nya sabay hawi sa kurtina ko. "Alam mo naman na napunta si aydin dito bat ganyan ang suot mo?" kwetyon nya sakin sa mataas na tono "A-ate Alas sais palang, Hindi ko po alam na uuwe na kayo kasi alas syete pa ang out nyo." mahinahong sagot ko kahit parang gusto ko na syang patulan. Inis syang tumalikod. "Thats why you want to come here early huh? I know you both are doing something behind my back!" Nagulat ako sa sigaw na un ni ate aliyah. Alam kong si Aydin ang kinakausap nya pero nagpanting ang tenga ko! Kayat sinundan ko sya agad. "Ate anong sinasabi mo?" hindi ko na napigilang sumagot. "Sa palagay mo papatulan ko yang jowa mo?" sigaw ko sa kanya habang dinuduro si Aydin na nakatayo pa din sa nakabukas na pinto ng kwarto namin ni ate aliyah. "Ang kapal ng mukha mong sumagot!" baling sakin ni ate aliyah saka akmang susugurin ako. Agad naman syang nahawakan ni Aydin. "Bakit akala mo di ko kayo napapansin?" sigaw pa ni ate aliyah sakin habang hawak hawak sya ng demonyong si Aydin "Oh! Napapansin mong minamanyak ako ng demonyong yan.?!" sigaw ko din na lalong nagpainis sa kanya kaya pumiksi sya kaya nakawala sa hawak ni Aydin. Sinampal nya ko ng pagkalakas lakas at hindi ko inasahan yon kaya naman tumilapon ako pasalampak sa sakig. Sakto namang pumasok si Cha at ang iba pa naming kasamahan sa flat kaya napigilan ni cha ang akmang pagsabunot pa sakin ni Aliyah. "How dare you! Malandi ka! Ang kapal naman ng mukha mong isiping minamanyak ka!" sigaw nya habang nangigil maabot ako. Lalo akong nag ngitngit sa galit. ako pa malambdi? "'Bakit totoo naman ah! Bakit di mo tanungin yang hayop na yan!"sigaw ko "Aba't sasagot ka pang punyeta ka!" Sigaw nya saka ambang hihilahin ang buhok ko ngunit nahila na ko palabas ng kwarto ni cha at ng ibang ka flatmate namin. "Tama na Aliyah!" Sigaw ni susan. "Lahat naman kami napapansin ang pangmamanyak ng Aydin na yan! Imposible namang hindi mo napapansin yon! Napakatanga mo!" Nabaling tuloy ang galit ni Ate aliyah kay susan at akmang susugurin si susan ngunit napigilang muli ni Aydin. Inabutan naman ako ni chacha ng tubig at pinakalma ako habang nakasalampak pa din ako sa sahig sa may hallway at mahilo hilo pa sa sampal ni ate aliyah sakin. Inabot naman sakin ng isang kasamahan namin ang cellphone ko ng makitang may tumatawag. Si marco. Sinagot ko ang tawag. Gusto kong magsumbong. Gusto kong umiyak ng malakas pero alam kong lalo lang lala kapag nalaman pa nya. Gusto ko nalang makaalis dito kaya sinubukan kong kalmahin ang sarili ko "Hello baby." sabi agad ni marco pag sagot ko ng phone. "Marco..." pilit kong pinatatag ang sarili pero ng marinig ko ang boses ni marco ay naubos lahat ng pagpipigil ko na magsumbong. Pakiramdam ko ay aping api ako. Kaya hindi ko napigilan ay napaiyak na ko. ''Marco..." Lalo pang lumakas ang hikbi ko. Nagulat kami ng sunod sunod ang nag doorbell at pinipilit buksan ang pinto. Agad namang binuksan ng kasamahan ko at tumambad ang Nag iisang taong gustong gusto kong makita ng mga oras na yon. Umikot ang mata nya hanggang sa bumagsak sakin. Patakbo nya kong dinaluhan. "What happen?" kunot noo nyang tanong saka hinawakan ang mukha ko. Siguro ay namula ang sampal ni aliyah. Pinahid nya pa ang luha sa mukha ko. Yumakap ako sa leeg nya at lalong umiyak "Let's Go please." "Ah ngayon aalis ka? bakit ayaw mong malaman ng Jowa mong yan ang mga kalandian mo ha!" muling sigaw ni ate aliyah sakin. Maang namang napatingin si Marco sa kanya. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Marco saka nilingon si ate aliyah. Nagpupuyos na ang puso ko. "Aalis ako dahil kapag sinabi ko ang ka manyakan ng hayop na yan e mapatay ni Marco yang demonyong yan!"gigil na gigil na sagot ko kasabay ng panduduro kay Aydin na nasa gilid pa din ni ate Aliyah at pigil pigil pa din. "Edi sabihin mo! Englishin mo para maintindihan nya!" sagot nya sabay turo kay Marco. Si Marco naman ay nanatiling nakayakap sakin pero walang sinasabi. "Ate, Kung tignan ako nyan para nya kong hinuhubaran! Hindi iisang beses na magsasalubong kami at bubulungan ako ng kung ano ano! Ate nung isang beses nagising nalang ako na may humahawi sa kurtina ko! Takot na takot ako pero wala akong mapagsumbungan. Ate tinawag kita, gustong gusto kong magsumbong sayo..." nanginginig ako habang inaalala ang takot ko. Ngayon ko lang nailabas ang lahat ng nasa puso ko. Bakit ganon, bakit ako na nga ang nabastos parang ako pa lumalabas na masama. Si ate aliyah naman ay nakatulala sakin pero galit pa din. "Ate halos hindi ako makatulog. Hirap na hirap na ako. Takot na takot na ako. Ni hindi ako makapagsabi sa iba dahil ayoko magkasira tayo, ni hindi ako makapagsumbong kahit kay marco dahil natatakot ako." umiiyak pang dugtong ko. Gusto kong Umiyak ng umiyak dahil matagal na panahon kong kinimkim yon. Umiiyak na din si chacha at patango tango na parang sinasabing totoo lahat ng sinasabi ko. Magsasalita pa sana ako ng biglang tumayo si marco at derederechong naglakad papunta kay aydin at sinakal ito at inihampas sa pader! Malaking tao si aydin pero di hamak na mas matangkad si Marco. Pulang pula ang tenga ni Marco. Lahat kami ay napatili . "Marco!" Sigaw ko saka tumayo at hinila ang braso ni marco. "I will f*****g Kill you!'' Nagngingitngit na bulong ni marco kay Aydin. Natakot ako. Hindi malabong mapatay ni Marco si aydin sa tindi ng pagkakasakal nya dito. Niyakap ko si marco mula sa likod at umiyak. "Marco Please! Let's go" iyak ko sa kanya. Naririnig ko ang sigaw ni aliyah at ng mga kasamahan namin pero wala na kong naintindihan pa don. "Baby please let's go" bulong kong muli sa kanya habang walang patid sa pag iyak. Naramdaman ko ang biglang paninigas ni Marco at pabalang na binitiwan si Aydin. Dinaluhan naman agad ito ni Ate aliyah. Hinila ko na palabas si Marco. "Hayop ka! Idedemanda kita, ipapakulong kita!" Sigaw ni aliyah Bumaling muli si Marco kaya hinila ko sya ulit. Nakita ko ang takot sa mata ni Aydin "You are more than welcome to do so." Sagot ni Marco sa tonong nagbabanta. Sasagot pa sana si Aliyah ng balingan ako ni Susan. "Tetestigo ako kung kailangan mo." sabi nya Lalo akong naiyak kaya tinanguan ko sya saka pilit na nginitian. Hinila ko na si Marco palabas para hindi na humaba pa ang usapan. Pagod na din ako. Gusto ko nalang magpahinga. Pagpasok namin sa Elevator ay niyakap pa nya ko kaya nagtuloy tuloy nanaman ang iyak ko. " Hush baby. I'm here. No one can harm you now. I promise."bulong ni Marco sakin. Unti unti naman akong nakalma hanggang nakbaba kami at nakasakay sa sasakyan nya. "Hungry?" tanong nya "No. Im Exhausted." bulong ko saka isinandal ang ulo sa upuan at pumikit. Nagsimula na syang mag drive hindi ko alam kung san kami pupunta. Ngayon ko naisip wala akong dalang kahit na ano. Kahit ang wallet ko ay naiwan ko. San na kaya ako titira. Pano kaya pag nagkita kami ni aliyah sa store. Kung may ipinagpapasalamat man ako sa nangyari ay ung hindi ko na kailangang magtiis sa flat na yon.Sana lang sa susunod na titirhan ko ay wala ng ganon. Magrerequest nalang cguro akong magpalipat ng ibang lokasyon. Sa kaiisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako . "Wake up Sleepyhead." mahinang yugyog ni Marco sakin Minulat ko ang mata ko at napangiti sa tanawin. Deja Vu... "Hi" sagot ko Napangiti naman siya at siniil ako ng halik. Nang Matapos sya sa paghalik sa akin ay sumilip ako sa labas kung nasaan kami. Nakapark kami sa magkakahalerang apartment na magkakamukha. Binasa ko ang Signage 'Al Mouj' parang pamilyar sakin. "Where are we?" Tanong ko Napakamot sya sa ulo. "My apartment." ngiwi nya Nakatitig sya sakin tila nagaantay ng reaksyon ko kung magagalit ba ko na dito nya ko dinala. Nababasa ko ang pag aalala sa mga mata nya kaya kusa kong tinanggal ang Seat belt ko at naunang bumaba. Nilibot ko ang lugar. Sumisigaw ng karangyaan. Nilingon ko sya saka ngumiti "Let's Go?"sabi ko sabay turo sa pinto. Inakbayan naman nya ko at iginiya papasok. May pinindot syang code pagkatapos ay ininscan ang mukha nya saka bumukas ang pinto. Sosyal! Simple lang ang bahay nya. Typical na panlalakeng bahay may mga bote pa ng beer sa ibabaw ng mesa ng sala. Agad nya itong kinuha at iponasok kung saan. "Sorry i drink last night."sabi nya Apat na bote. Sa kanya lang kaya lahat yon? hindi pa ko nakakatikim ng alak sa buhay ko pero alam kong nakakalasing yon. "Alone?" Tanong ko "Of course." natatawa nyang sagot. saka ako niyakap at pinaupo sa sofa. Tinitigan ko sya. tinatantya kung totoo ang sinasabi nya. "Come on! I didn't bring any women here! not even stacy." giit nya "You sound guilty. Im just asking if you drink alone, you mention women." pang aasar ko Saka akmang tatayo. "Hinila nya ko bigla kaya napaupo ako sa kandungan nya. "Marco!" naeeskandalo kong sigaw Niyakap nya ako at sinubsob ang mukha sa leeg ko. "You're making Fun of me." bulong nya Kinilabutan ba ako o kinilig sa pagkakadampi ng labi ni Marco sa aking leeg ay hindi ako sigurado. Sinuklay suklay ko nalang buhok niya. At ninamnam ang masarap na sandaling iyon. Sa totoo napanatag ako at parang nalimutan ang mga problema dahil sa yakap ni Marco. Nagorder lang si Marco ng pagkain kahit nag insist akong ipagluluto sya, ang sabi nya ay sa susunod nalang daw kapag nakapagpahinga na ko dala na din ng pagod ko sa pag iyak ay hindi na ko nagpilit pa. Hindi ko alam kung Dito ba ko matutulog ngayong gabi. Kinakabahan ako sa maaring mangyare. Kahit minsan naman sa ilang bwan naming relasyon ay hindi namin napag usapan yon, oo at may mga pagkakataon na lumalalim ang halik at minsan ay namamalayan ko nalang na nasa loob na ng damit ko ang ang kamay nya habang hawak ang aking boobsie pero hanggang dun lang yon. Kalaunan ay naging normal nalang sakin na hawakan nya don. Hindi namin kailanman napag usapan ang s*x. Hindi ko rin naramdaman sa kanya na hinahanap nya yon. Handa naman akong ibigay kay Marco ang sarili ko, natatakot lang akong mabuntis dahil iba ang bansang ito. Nang oras na ng pagtulog ay hindi ako mapakali. Binigyan nya ko ng pajama at isang tshirt nya na sa laki ay parang bestida ko na hanggang tuhod. ang pajama naman nya ay sobrang haba kaya ipinasya kong wag nalang suutin ang pajama. Paglabas ko sa cr ay nakaupo sya sa kama at napalingon saakin "f**k" mura nya na ikinagulat ko "Where is the pajama?"tanong nya. Tininaas ko namang bahagya ang pajama na nasa kaliwang kamay ko "Wear it." sagot nyang iniwas na ang tingin sakin. "Its too big and loose." sagot ko." Its ok this is like a dress to me, your too big marco." "f**k. Yes. Im big." sagot nya saka derederecho pumasok ng cr. Problema non? Nang gabing iyon ay natulog sya sa sala sa baba habang ako ay nandito sa kwarto sa itaas. Inoffer kong dito nalang sya matulog dahil napakalaki naman ng kama nya pero tumanggi sya. Kahit minsan ay hindi namin napag usapan ang s*x, Hindi naman ako ganun ka inosente para hindi malaman na may pangangalaingan din sya bilang isang lalaki. May mga pagkakataon sa nakalipas na buwan na lumalagpas kami sa limitasyon tipong nahahawakan na nya ang dibdib ko pero hanggang dun lang yon. Siya ang unang tumitigil at yayakapin ako ng mahigpit. Sa Puso ko ay alam kong handa kong isuko sa kanya ang p********e ko kung hihingin nya, noon ay sinabi kong ibibigay ko lang un sa magiging asawa ko pero nagbago un ng makilala ko si marco. Kaya kong ibigay sa kanya ang lahat kahit pa hindi kami ang magkatuluyan ay hindi ko panghihinayangan yon. Dahil ang pagmamahal ko sa kanya ay Pambihira. Walang katulad. Sa mga pagkakataong nirerespeto nya ko ay mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya. Kung noon ay iniisip kong maghihiwalay kami ay ayos lang sakin, Ngayon ay ikinasisikip na ng dibdib ko yon. Pakiramdam ko ay wala ng buhay pag wala na sakin si Marco. Kaya kahit nagiguilty ako sa twing mas pinipili nya ko ay wala akong magawa. Kagaya kanina pinaalala ko sa kanyang aalis sya sa makalawa para umuwe pero tigas sya sa pagtanggi at sinabing hindi muna sya aalis hanggat hindi pa maayos ang kalagayan ko. Gusto kong mKipagtalo pero mas pinili ko nalang na tumango para hindi na kami mag away pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD