Kinabukasan ay maaga akong umuwe para magbihis mabuti nalang at wala si aliyah sa kwarto kaya derederecho akong nagbihis. Si Marco naman ay naiwan sa kusina. Nasalubong ko papasok si cha at mabilisang kinuwento sakin na matagal pa pala silang nagtalo talo ng nagdaang gabi bago pinaalis ni aliyah si aydin.
Pagkatapos kong magbihis ay dumerecho ako sa aming opisina. Hindi na sumama paakyat si marco at nagpaiwan nalang sa sasakyan. Nagulat ako ng papasok ko sa opisina ng Aming Hr ay saktong paglabas ni aliyah. Nagkatinginan kami pero una syang nagbaba ng mukha saka derechong lumabas.
Nalulungkot ako sa nangyari saamin ni ate aliyah pero mas nakakalungkot ang kalagayan nya, iniisip ko palang na si marco ay magkakagusto sa ibang babae ay parang binibiyak na ang puso ko.
Isang Buntong hininga pa ang ginawa ko saka mahinang kumato sa opisina ng HR.
"Come in" wika ni Ms. Fatima
Pumasok ko.
"Good morning Ma'am" bati ko
Umangat ang mukha nya at kunot noong napatingin sa akin
"Have a sit. Precious right?" nakangiting tanong nya
"Yes ma'am its precious." sagot ko
"Sorry, i lost track of names but i remember when i interviewed you in manila" hinging paumanhin nya
Tumango ako. "Its fine ma'am"
Sandali pa kaming nagkumustahan at tinanong ako ng mga karanasan ko mula ng dumating ako sa bansang to.
"Your Direct Manager actually sends me a long Mail earlier stating that you want to be transferred for some personal reasons. I would gladly approove that if that will make you at ease and at peace. But, You know we cannot move you from one place to another just like that. We have a lot of things to consider like who will replace you on your post here and some other things like that. If you can wait atleast a Month maybe we could." mahabang litanya nya
"Precious look, i know you are dealing with something right now and to be honest i dont have any idea what is it. But you should try to avoid mixing personal issues with work. You are really an Excellent employee, I receive a lot of commendations for you from manager's who handle your stores. Don't let this personal issues be a hindrance to your professional growth." sabi nya ng nakatingin sa mga mata ko.
"Running away is the worst thing you can do when dealing with problems. Face it. End it. So it won't resurface again."payo pa nya.
Wala na kong naisagot. Tama sya bat ko nga ba tatakbuhan ang problemang to? hindi naman ako ang may kasalanan in the first place. Hindi ako ang dapat mahiya. Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam nya. Binilinan pa nya kong pag isipan ang paglipat at kapag desidido na ko ay magsend ako ng mail sa kanya.
Pagbaba ko ay naabutan kong kausap ni Marco sa phone ang daddy nya. At kagaya ng napag usapan namin kagabi ay sinabi nyang hindi muna sya uuwe hanggat hindi maayos amg kalagayan ko. sumang ayon naman ang dad nya. Sandali akong kinamusta saka nagpaalam na.
"They cannot transfer me just like that. i needed to wait at least a month" sagot ko sa kanya ng tinanong nya ko kung anong napag usapan namin sa taas.
"Hmn. so what's your plan?"tanong nya saka ipinarada ang sasakyan sa tapat ng isang filipino restaurant.
"Hmn. First i need to call my manager to ask if i can take another off today."
Tumango sya. Isang ring ay sinagot na agad ni Ms. Haj ang tawag ko.
"Hello dear. What happen? " Bungad nya agad na tanong sakin. Kagabi pa lang ay nakausap ko na si Ms. Haj tungkol sa kalagayan ko at naintindihan naman nya ako. Sinabi pa nyang narinig nya ang nangyari samin sa bahay, hindi ko alam kung kanino nya nalaman pero hindi na ko nagtaka.
"Ms Haj. i went to Ms. Fatima earlier and she told me that you have sent a mail regarding my request and she said that it is possible for me to be transferred right away."
"Hmn so whats your plan?"tanong nyang muli
"Im planning to find a room and move out today. So if it is possible-"
"Yes its possible." bigla nyang putol sakin. "You can take off for another 3 days. Finish moving the come to work." sabi pa nya
"But ma'am i already took my off yesterday.."naguguluhang sagot ko
"Its ok. i will send a mail so they can deduct it from you annual leave."sagot nya
Napangiti naman ako at parang nabunutan ng tinik.
"Thank you soo much Ms. Haj"
"See you after 3 days. Bye" paalam nya saka pinutol ang linya.
Nakangiti akong bumaling kay Marco.
Napangiti din sya.
Nakaupo na kami sa pandalawahang mesa ng. Magtanong si marco.
"So after we eat lets go and check some Flats near your store?" sabi nya habang hawak ang kamay ko sa ibabaw ng mesa
"Room not flat" sagot ko
Umasim agad ang mukha ni marco.
" Baby look, there's a big chance that same thing might happen again "
Natawa ako.
"Just a room Marco. What if no one rent the other rooms? I can't pay it'' sagot ko
"Ill pay it then"Sagot nya
"That will never happen" giit ko
"Come on" malambing nyang sabi saka itinabi sakin ang upuan at inakbayan akong payakap. "Please?"
"No marco." sagot ko
"Then i will not go home" pinal nyang sabi
Marahas akong napalingon sa kanya
"What?"
"I will not go home, not until i know you are safe."seryoso nyang sagot saka binuhat pabalik sa harap ko ang upuan at kinalikot ang phone.
"Marco..." bulong ko. Pero hindi nya ko nilingon. Nagalit nga ata. Magsasalita na sana ako ulit ng biglang dumating ang pagkain namin.
"Let's Eat." seryosong sabi nya saka sinalinan ng kanin ang plato ko. Aba't kahit galit ay inaasikaso pa din ako. Pinigilan ko ang kamay nya ng akmang lalagyan ng ulam ang plato ko kaya napaangat ang tingin nya sakin. Sumibi naman akong parang bata na nagpapaawa.
"No. I will not give in this time" seryoso pa ding sabi nya saka tuloy na nilagyan ng ulam ang plato ko.
Sa buong oras ng pagkain namin ay hindi ko sya nilulubayan ng tingin pero kahit isang beses ay hindi nya ko tinignan.
"So you will not go home and you will not talk to me if i refuse?" tanong ko pagkatapos namin kumain
"Yes" walang ka gatol gatol nyang sagot
Tinawanan ko sya kaya lalo syang napasimangot.
Pagdating namin sa building kung saan ko planong lumipat ay agad naming hinanap ang caretaker upang magtanong kung may mga flat owners bang naghahanap ng tenant.
Binigyan ako ng list ng mga flat owners na may bakanteng room. Ang mga flat owners na ibang lahi ay dinisregard ko na agad. May tatlong Filipino ako nakita sanlist kaya agad kong nilista ang mga numero nila.
Magpapaalam na sana ako sa caretaker at magpapasalamat ng biglang
"Do you have available flat?" tanong ni marco sa caretaker. Agad ko syang hinila sa braso pero hindi nya ko pinansin.
"Yes sir, we have 4 actually. One of it is One bedroom with 1 sitting room and 2 toilets and other 3 are 2bedrooms with a sitting room and 3 toilets." magalang na sagot nito
"Can we check the 1 bedroom?" tanong nyang muli. Hindi na maipinta ang mukha ko sa inis habang sinusubukang tawagan ang unang numero sa mga inilista ko.
"Of course Sir" tugon muli ng caretaker
"Marco." nagbabantang tawag ko sa kanya
"What? I am not even allowed to see the flats?" masungit nyang tanong sakin saka tumalikod at inaya ang caretaker. Wala akong nagawa kundi sumunod.
Maya maya pa at may sumagot sa kabilang linya
"Hello" anang lalaki sa kabilang linya. Nabosesan ko na agad na pilipino. Hinagip ko ang Braso ni Marco para tumigil sa paglalakad.
"Ahm hi. Magandang hapon po. Sir ask ko lang po sana if available pa ang room?nakuha ko po ang number nyo sa caretaker" sabi ko
"Ah yes available pa. Pero wala kang makakashare ha. Ikaw hahanap ng makakashare mo at kung wala ay buo mong babayaran ang room" paliwanag nya
"Ay cge po. Pwede po bang makita ang room ngayon?" tanong ko
"Cge. 2nd floor room 24"Sagot nya
"Cge po paakyat na po." sagot ko bago pinatay ang tawag
"Which floor maam?" tanong ng caretaker
"2nd floor." sagot ko
Pagpasok namin sa Flat ay agad kong naamoy ang amoy ng Sigarilyo. Ito ay isang 2 bedroom flat. Magalang naman si kuya samin pero sinabi nyang puro sila lalaki sa flat na yon pero kung okay lang sakin ay pwede na kong maglipat agad.
Ang sunod naming sinilip ay ang bakanteng 1br flat na tinatanong ni Marco. Pagpasok ko ay nagandahan ko na agad ang flat. Malinis. Bagong pintura daw iyon at bagong renovate dahil umalis ang dating nakatira. sa totoo naeengganyo akong ito ang kunin. Para kasing Masarap lagyan ng Design at paniguradong ako ang masusunod sa ayos ng bahay pag ito ang kinuha ko.
Ang sumunod naming pinuntahan ay ang nasa top floor. Maganda at maayos naman ang Flat kaso hindi ko nagustuhan ng prangkahan akong sabihan ng owner na hindi allowed ang ibang lahi sa flat nila. Sinabi ko naman na kung yun ang rules ay susundin ko pero ayaw nya daw magtiwala kung kaya hindi nya sakin ibinigay ang room.
Ang pangatlong Flat na nasa listahan ko ay maayos naman. Mabait naman kausap ang owner at walang poblema sa kanya kunh magpaakyat man ako ng bisita dahil siya man ay ibang lahi ang Jowa sabi nya. Ang unang room pagpasok ay sa mag asawang pilipino sabi nya. Ang sumunod na room ay ang magiging room ko kung sakali at ang dulong room ay sakanya. Ang hindi ko lang nagustuhan ay may mga nakatambak pang gamit sa room dahil may naka upa pa atsa katapusan pa ang alis. Kung gusto ko daw ay maaari akong mag intay hanggang katapusan o lumipat na ko pero may kasama ako sa room na babae pero Sri lankan. Meko nag alangan ako.
Sa huli ay nagpaalam na kami sa caretaker at umuwe na.
Pagdating namin sa bahay ay pasado alas sais na nagluto ako ng pagkain namin ni Marco. Nakakita ako ng Meatballs sa ref kaya un ang pinagdiskitahan kong lutuin. Nakakita din ako ng sliced bread kaya itinoast ko nalang. Masarap na for dinner kesa wala. Si marco ay hindi pa din ako kinikibo pero hindi ako iniwan sa kusina, dinala nya ang lapton nya sa table at doon nagtrabaho. Nang matapos akong ihain sa dining table ang pagkain ay tumikhim ako para kunin ang pansin nya pero dinedma lang ang beuty ko.
"Let's Eat" sabi ko sabay upo
Tumayo naman sya at umupo sa gilid ko. Sa puno ng lamesa.
Pinasadahan nya ng tingin ang lamesa at pigil na ngumiti. Natawa naman ako kay bigla syang sumimangot at nagsimulang kumain.
Minamasdan ko pa din sya ng bigla syang magsalita
"Can we please eat? let's talk after" masungit nyang sabi
"Okay. I love you baby!" sagot ko naman.
Napatigil sya kaya lihim akong natuwa. Alam ko ang mga kahinaan mo Marco! Bumuntong hininga sya.
"Stop with the baby when im mad! can you? I love u too. More. but we still have to talk." masungit pa din nyang sagot.
Di na ko sumagot at kumain nalang ng tahimik.
Pagtapos naming kumain ay nagprisinta syang maghuhugas ng plato at magtitimpla ng tsaa para saming dalwa. Niyaya ko syang sa terrace sa taas mag usap, pumayag naman sya. Kaya nagpaalam na kong aakyat at magbibihis. Pinili ko ang Pajama set na may cartoon character. Yun talaga ang dinala ko dahil yun ang favourite kong pantulog pumasok na ko sa banyo at nagpasya nang maligo.
Nang magbibihis na ko ay hindi ko makita ang panty ko. Patay mukhang naiwan ko pa ata! dali dali akong nagtapis at lumabas ng banyo. Paglabas ko ay Nagulat ako ng abutan ko si Marcong hawak hawak ang panty ko at sinisipat na para bang hindi sya sigurado kung ano yon. Biglang bumaling sakin ang mukha nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Sa nanlalaking mata ay agad kong hinablot ang panty ko saka nagmamadaling pumasok pabalik ng banyo!
Nakakahiya!