Crystal POV Hiyang hiya ako ng gabing hinalikan ko si Joseph. Sa totoo lang sobra akong nag alala ng makita ko siyang naka handusay sa buhanginan. Ang sabi kasi ni Lita ay nalunod daw ang lalaki kaya naman ng makita kong si Joseph pala ang lalaki ay di na ako nakapag-isip ng tama. Ang sabi ay i CPR ko. Eh kasi naman di ko talaga alam kung paano. Pag dampi palang ng labi ko sa labi nya ay libo libong boltahe na ng kuryente ang aking naramdaman. Nangulila ako sa kanya ng ilang taon. Gustuhin ko mang ipakilala sa kanya si Jian pero nag da-dalawang isip ako dahil masaya na sya sa buhay nya ngayon kasama si Bea at ang kanilang anak. " Nanay mamayang gabi umattend kayo ni Jian sa salo-salo. Naghanda ako para sa mga bisita. I think mag eenjoy dun si Jian." si Ja-ir kasalukuyan kaming kumakain.

