Joseph POV " Hello bro nasaan ka?" tumawag si Greg at nasa kabilang linya ngayon. " Nandito ako ngayon sa room namin dito sa hotel kasama si Bea at Bubbles bro bakit?" tanong ko sa kanya " Busy ka ba?" tanong nya ulit. Nakakapagtaka ngayon lang ulit sya nag seryoso kapag magkausap kami. Siguro dahil sa nangyari, asawa nya si Yessa at tiyak na nag-alala rin sya kanina. Si Brent Ja-ir pala ang ipinalit ni Crystal sa akin. Sa isang kriminal pa, sabagay kung sa yaman lang naman ang pag-uusapan isang Bilyonaryo na rin naman si Brent kaya siguro sumama sa kanya si Crystal. "Hinihintay ko lang yung piloto para masundo kami. Umiiyak si Bubbles na trauma sa nangyari kanina, iuuwi ko na sila sa Manila." muli kong sagot sa kanya. " Pwede ka bang pumunta ngayon dito sa hospital?" malungkot na an

