Joseph POV Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, masaya dahil may anak pala ako kay Crystal at lalaki pa. Malungkot dahil nasa kritikal na kondisyon pa rin ang anak ko. Galit dahil sa panloloko sa akin 6 taon na ang nakararaan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa ulit kami nagkakausap ni Crystal para linawin ang lahat. Ayaw ko ring magtapat ulit ng pag-ibig dahil di pa kami hiwalay ni Bea. Nagka hiwalay kami ni Crystal dahil sa kagagawan ng iba. Naalala ko pang tumawag si Crystal sa akin nun at humihingi ng tulong pero di ko sya tinulungan. Nagsisisi ako sa mga nangyari. Mabuti nalang at walang nangyaring masama sa anak namin. " Bro are you okay? Kanina ka pa tulala. Kanina pa rin nag ri-ring ang phone mo." si Marius habang tinatapik ang balikat ko. " Oh

