“Mga anak kumusta kayo? Iyon ang ikasampung araw buhat ng kasalin si Migs at Janna. Kasalukuyan pa rin sila naka-leave sa trabaho. Kunwari ay nagpa-sweet pa ang dalawa. Magkahawak kamay na sinalubong ang dalawang matanda. Para ipakita na malambing sila at walang problema. Agad na kinuha ni Janna ang kamay ng mga biyenan at nagmano. “Salamat anak!” sabay abot nito ng dalawang puregold plastic na naglalaman ng mga grocery items. “Mommy salamat po! Nag-abala pa kayo.” Pinagsigla ang tinig na ngumiti. Nagdarasal siya sa isip na sana hindi naman makahalata ang mga biyenan sa kanilang malamig na kasal. Inasikaso niya ang nga biyenan. Nagluto siya ng pansit guisado with chicken liver and shrimp. “Mga…anak hindi n’yo pa sinasagot ang tanong namin kanina?” pinaglipat-lipat ang tingin sa m

