Tila nagkakailangan ang mag-asawa. Walang gusto magbukas ng conversation. Tungkol sa pagdadala ng breakfast in bed at pagdidikit ng sticky note sa dahon ng pinto. Tanging ang mga nakawan na tingin at sulyap ang saksi sa kanilang mga eksena. “Ikaw na…!” akmang nagsabay pa sila sa paggamit ng lababo. Nagpaubaya si Migs. Medyo nahihiya pa nga ito na magsalita. “Sa---la---mat” sa sobrang kaba at tensyon yata. Hirap na hirap pa si Janna na bigkasin ang salitangv salamat. Medyo nanginginig pa ang kamay niya habang naghuhugas ng kamay. Kahit hindi siya tumingin. Alam niya na nakamasid si Migs sa kanya. Kaya naman ilang na ilang siya gumalaw. Pagkatapos niya maghugas ng kamay. Diretso ng tumalikod. Walang lingon-likod. Kaya hindi niya napansin ang pahabol sulyap ng asawa na meron pa kasamang is

