Lumabas mula sa pantry si Migs. Dala nito ang isang tasa ng kape. “Love, magkape ka muna.” Ipinatong ni Migs ang isang tasang kape sa gilid ng table ng misis. “Thank you love.” Nakangiting sagot ni Janna sa mister na sinamahan pa ng isang kagat-labi. “Huhh…iba talaga kapag galing sa LQ. Ang lagkit ng tinginan ahh…”buska ng isa nilang office mate sabay halakhak nito na tinapik sa balikat si Migs. “Tigilan mo ako. Ulol…!” sagot ni Migs na tumatawa din na halatang nagbibiro. Samantala si Janna ay abala naman sa ginagawa na disenyo. Lihim na lamang siya natatawa sa mga naririnig na komento. Hindi kasi talaga maiiwasan ang mga ganitong biruan. Lalo pa at nasa iisang opisina sila ng mister. Mapapansin talaga sila kapag hindi nagkikibuan at nag-uusap. Saktong palabas din ang kanilang chie

