“Hello anak…kumusta kayo? Sobrang busy yata talaga ninyo mag-asawa. Makatampo na talaga. Hmmm…sana naman kapag dinalaw na ninyo kami e’ kasabay na ang pinakamagandang balita. Alam n’yo na mga anak ang aming pinakahihintay.” Pauwi na silang mag-asawa mula sa opisina ng mabasa ang text message ng Mama niya. Isang tipid na ngiti ang kanyang pinakawalan. Bago itinuon ang mata sa labas ng bintana. Ano ba ang dapat niya maramdaman? Ano ba ang dapat niya isagot sa kanyang Mama? Hindi niya ito dapat nararamdaman. Pero kinakabahan siya sa posibleng hatid na takot sa kanyang puso. Isang taon at kalahating taon na rin ang nakakalipas. Buhat ng ikasal sila ni Migs. Hindi naman niya masabi na hindi nila pinagsusumikapan at tinatrabahong mag-asawa, ang kahilingan ng kanilang mga magulang. Pero h

