I was Recharged. I was Renewed. I was Reborn. Ang OA lang (over acting) ng dating pero iyon ang tatlong salita na pwedeng maglarawan sa kanyang sarili. Kasalukuyan siyang nagmamaneho papunta sa opisina ng maramdaman ang estrangherong pakiramdam na iyon. Napapangiti pa siya habang sinasabayan ang awit. Tamang-tama araw ng Lunes, kaya dapat simulan ang araw na maganda, upang maganda din ang buong linggo. Simula ng magkasira at maghiwalay sila ng asawa nakasanayan na niya ang bigat ng pakiramdam tuwing papasok ng opisina. Ang hirap kaya gumalaw ng dalawang tao sa iisang work environment na kapwa meron pa hinanakit at galit sa isa’t-isa na hindi pa lubusang nahihilom ng panahon. Pasipol-sipol pa siya na binuksan ang compartment. Kinuha niya ang dalawang plastic na naglal

