At dahil napahaba ang pakikipag-usap ni Janna sa babaeng nakilala na nagngangalang Maida Bartolome. Hindi na siya gaanong nakapaglibot pa sa ibang outlet. Bukas na lang ng umaga. Tamang-tama at Sabado tiyak na madami siya mapupuntahan. Plano pa kasi niya umuwi sa Linggo ng hapon. Balak niyang sulitin ang travel na ito. Lilibangin niya ang sarili sa pamamasyal sa buong weekend. She bought a variety of clothes. Halos lahat yata ng fashion OOTD na magustuhan ay binili niya para sa sarili. Hindi rin niya nakalimutan na bumili ng ilang pasalubong at syempre para sa kanyang pinakamamahal na Mama at Papa niya. Pasado 9:30 pm na rin siya ng makarating sa parking area. Naiayos na niya ang mga pinamili sa loob ng sasakyan. Pinaandar na ang sasakyan. Mabagal lamang ang kanyang takbo. Nag

