Siniguro muna ni Janna na lumalagaslas na ang shower sa banyo ng master bedroom. Ibig sabihin kasi noon ay naliligo na si Migs. Iningatan niya na huwag lumikha ng ingay mula sa guest room hanggang sa tuluyan siyang nakapasok sa loob ng kanilang kwarto. Simula kasi ng naging malamig na ang samahan nilang mag-asawa. Nag-stay na rin siya sa guest room na matulog. Hindi na kasi kaaya-aya sa kanyang pakiramdam kung patuloy na makakasama sa isang kwarto ang mister. Laking pasalamat na lamang niya at hindi naka-locked ang pinto. Kaya naman maluwalhati siyang nakapasok sa loob. Pag-uusap nga nilang mag-asawa ay hindi na nagaganap. Yun pa kaya katotohanan na meron magaganap na love making sa pagitan nilang mag-asawa. Pwede pa siguro! In her dreams! Saklap ng katotohanang nagaganap. Nakita agad n

