Halos mag-iisang oras na rin si Janna sa Lucky Bunny Tea House ng mga oras na iyon. Pero hindi pa rin niya nauubos ang inorder na milk tea. Sumisimsim naman siya pero sadyang hindi malasahan ang flavor ng milk tea na iniinom. Sariwa pa sa kanyang ala-ala ang mga salitang binitiwan ng mother in-law kanina. Kaya nga dito siya nagdiretso upang maibsan ang bigat at init ng ulo na nararamdaman, hanggang sa mga sandaling iyon. “Kung ganyan lang din ang sitwasyon ninyo mag-asawa. I want to tell you frankly. Nagsisisi yata kami na ipinakasal namin sayo ang aming kaisa-isang anak. Alam mo naman sa simula pa lamang. He is our unico hijo. He is the only one heredero of our family. What will gonna be happen? Tell me…Janna!” Halos matunaw sa kanyang kinauupuan si Janna. Halo-halo ang kanyang nararamd

