Mailap ang tinginan sa pagitan ni Migs at Janna. Meron kasing mga pagkakataon na hindi sinasadya na basta na lamang sila magkakahulihan ng tingin habang nasa opisina. Tulad na lamang ngayon, meron lamang iaabot na papel si Janna kay Migs ay tila nagdadalawang isip pa siya na iabot ang papel. Ipinadamay na lang niya sa isang officemate na tumayo at pumunta sa kanyang table. “hmmmm…nagkakahiyaan pa talaga ang architect at engineer na mag-asawa na ito.”natatawang biro ng lalaki sabay kuha sa papel na iniabot niya. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Migs ang pang-aasar na iyon ng lalaki. Kaya sinadya niya na tumingin sa gawi ni Janna na hindi sinasadya na nakatingin na rin pala sa kanya ng mga sandaling iyon. Nagtama ang kanilang mga mata. Mat

