“Gurl…Janna ano ba? Dyusmeyo marimar! Bakit pumapayag ka ng ganyang set up? Ikaw ang legal wife diba. Ipakita mo na mas malakas ka sa kanila. Walang hiya naman na lalaki talaga yang asawa mo. Naturingan pa naman na magaling na engineer. Naku! Gusto ko na talaga i-message e’. Kaya lang ayaw ko makialam sa gusot ninyong mag-asawa. Dahil lalabas naman ako na intrimida.” Kasalukuyan silang nag-uusap ng isang malapit na kaibigan sa Bistro Bulawan Café. nagtratrabaho. Iyon si Venus na na sa munisipyo din nagtratrabaho bilang isang Accountant naman. “Kaya nga gurl hayyss…! Ano ba itong sitwasyon ko, napakasalimuot na talaga?”yumuko sa ibabaw ng table na itinukod ang dalawang kamay. Ngumiti siya kay Venus ng mapakla at sumipsip ng pine apple juice.

