Buhat sa isang sulok ng Immaculate Conception Medical Center. Tahimik na nagkukubli si Janna. Hindi niya alam sa sarili kung bakit pa ba ito ginagawa. Para ano pa ba? Para pasakitan ang kanyang sarili. Dahil sa ginagaw niya ngayon ay mas lalo lamang niya nilulugmok ang sarili sa kalungkutan at kabiguan. Basta ang alam lang niya ay gusto niya masaksihan kung gaano kasaya ang asawa na makitang masaya ito sa mga sandaling iyon. “Congratulations! Mr. Montelibano. Matagumpay na nakaraos ang iyong misis.”paglabas pa lamang ng doctor mula sa operating room ay nakangiti na iyon sa kanya na agad naman nilapitan ni Migs. “Thank you so much Doc sa pag-alaga sa mag-ina ko.” Sa lawak ng pagkakangiti ni Migs ay damang-dama nito ang tunay na kaligayahan

