Muling bumalik sa hotel sina Chelsea at Allyana. Tahimik silang dalawa at tila iniisip nila ang mga posible nilang gawin kapag nakita nila sina Keane at Dylan. Habang papasok sila sa loob ng hotel ay nakita agad ni Chelsea si Dylan na nakaupo sa couch at tila may hinihintay. Bahagya siyang napairap at tila gusto na niya itong sugurin dahil sa panloloko nito sa kanyang pinsan. Subalit, hindi niya iyon maaaring gawin dahil na rin sa kagustuhan ni Allyana na manahimik muna. "The cheater is waiting for you," mayamaya ay sabi niya. Napatingin naman si Allyana sa kanya. Napanguso lang si Chelsea at tinuro ang kinaroroonan ni Dylan. Nakita naman ito ni Allyana. Napahinto pa siya, kaya napatingin sa kanya si Chelsea. "Sabihin mo lang kung ayaw mo siyang harapin, dahil talagang ilalayo kita sa

