Nang dumating ang airplane na sasakyan nina Allyana patungo sa tagaytay ay agad silang tumalima at sumakay doon. Tinulungan pa sila ni Chelsea sa gamit nila, kahit na pwedi naman nila itong iutos sa mga staff sa hotel. Matapos no'n ay nagpaalam na ang mag asawa kay Chelsea, saka umalis ang mga ito. Sinabi lang ni Chelsea na baka susunod siya doon, kung hindi siya tatamarin sa pagpunta. Nang makaalis na ang dalawa ay nagpasiya na rin siyang umalis, upang makapagpahinga sa bahay nila. Habang binabaybay niya ang daaj patungo sa kanila ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang kanyang mga nalaman. Hindi siya makapaniwala na mangyayari iyon kay Allyana. Ang pagtaksilan ng dalawang taong pinagkakatiwalaan nito. Alam niya kung gaano rin kalapit si Keane kay Allyana. Nakikita naman niyang suporta

