PALIHIM NA nakatakas ng kaniyang silid si Siobe habang walang kamalay-malay ang mga bantay nito. Sinisigurado niyang hindi makagagawa ng kahit na anong ingay kahit wala siyang suot na sapatos. Batid niya sa sarili na nawawala ang pares ng kaniyang sapatos at umaasa siyang sa pagkawala no'n ay malalaman nila ni Kitch na nasa panganib ang buhay nila ni Loise. Nang matunugan ang pagkilos ng mga bantay ay napaupo siya roon at nagtago sa isang madilim na sulok habang pinakikinggan ang pag-uusap ng mga estrangherong lalaki. "Hain man ang babaye?" ang sabi ng isang pamilyar ang itsura sa kaniya. Translation: "Nasaan na ang babae?" Napayuko siya at pinilit pa rin na 'wag magdulot ng kahit anong ingay, subalit sa kaniyang pagkayuko ay nanlaki ang mata niya nang bumungad sa kaniyang harapan ang

