SAMU'T SARING konklusyon ang nanaig kay Kitch matapos mapag-alamang nakabalik na sa bayan ng Mumayta ang mga Obalagi. At gayon na lang din ang kaniyang pag-asam na babalik pa rin ito sa kanilang bayan para maghasik ng lagim. Sa pag-ikot ng kaniyang paningin ay hindi inaasahang may mahahagip ang kaniyang mata. Na sa tingin niya ay senyales na naman ng matinding kapahamakang p'wedeng sapitin ng mga estudyante o professor sa Ademian University. Kaya sa puntong iyon ay kinurap-kurap pa niya ang sariling mata at baka'y namalik-mata lamang siya dahil sa labis na iniisip. "Kitch, anong nangyayari sa'yo?" Nabalik siya realidad nang dahil sa boses ni Fudge. Hindi niya namalayang paakyat na ulit sila ng Comm-Arts building. Napailing na lamang siya upang wala nang maraming tanong pa. Subalit sa sar

