INIHANDA NG grupo nila Kitch ang kanilang mga sarili ng mismong araw din na iyon. Dahil hindi nila alam kung kailan muling lulusob ang mga Obalagi lalo na't bigo ang mga ito na mapatay sina Devee at Daizy. Samantala'y kapansin-kapansin pa rin ang pagiging tuliro ni Devee matapos ang naranasang karahasan. Hindi nito akalain na ganoon kabilis matatanggal ang kaniyang p********e. Aniya'y parang nadungisan ang kaniyang katauhan sa nangyari. Kaya naman habang abala sila sa paghihintay ay nagawang kausapin ni Devee si Siobe. "S-siobe.." nauutal na pagtawag niya rito. "Yes, Devee?" Kasalukuyang hindi nakatingin sa kaniya si Siobe dahil abala ito sa paggamit ng cellphone. "P-paano ka pala naka-move on sa kabila ng karahasan na natamo mo sa kamay ng mga Obalagi?" Sa katanungan niya'y doon napal

